CHAPTER 40

2035 Words

Pagmulat ng mga mata ni Lyrica ay ang nakabibinging katahimikan pa rin ang sumalubong sa kanya. Nakipagtitigan siya sa kisame, nakatulala lang. Ano’ng oras na ba? Umaga pa kaya? Tirik na ang araw? O baka nagkukulay kahel na ang kalangitan ng takipsilim? Pero baka gabi na? Gumuhit ang mapaklang ngiti sa mga labi ng dalaga. Tumatakbo na lang ang oras, pero ang mundo niya ay matagal nang huminto sa pag-inog. Ilang araw na ba ang dumaan? Linggo na nga siguro, o baka umabot na ng buwan? Nahihirapan na siya. Wala siyang makausap sa loob ng malaking bahay. Dati ay nakakausap pa niya si Morris. Tinatawag pa siya nito upang i-utos na kantahan niya ito. Pinagpapasalamat niya dating nabiyayaan siya ng magandang boses, para may dahilan para makasama niya sa iisang silid ang binata, hindi para magta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD