Gustong sumabog ng puso ni Lyrica nang humakbang si Morris patungong pinto ng hotel room na okupado niya kasama ang kambal at ni Nana Mira. Tumatahip nang marahas ang dibdib niya, habang nakatitig sa malapad na likod ng lalaki. Hindi nito puwedeng makita ang kambal! Walang makapagsasabi kung ano ang magiging reaksyon nito, o kung ano ang puwede nitong gawin kina Linus at Lazuli. Mariin niyang hinagip ang kamay ni Morris at hinila ito palayo sa pinto. “Saan ka sa tingin mo pupunta?” matalim ang tono ng boses na kumawala sa pagitan ng halos magkalapat niyang mga ngipin. Tumingin sa kanya si Morris, malinaw sa kislap ng mga mata nito na napapantastikuhan ito sa kanya. The corners of his lips were even twisting up. Pero hindi niya matukoy kung dapat ba siyang matakot sa ngiti nitong iyon o