Nakilala siya ni Morris. Sigurado si Lyrica na kahit may suot siyang maskara ay nakilala siya ni Morris. Ano ba kasi ang ginagawa nito sa pagtitipong iyon? Tiniyak sa kanya ni Lorenzo Velucci na wala ang pangalan nito sa listahan ng mga pinadalhan ng imbitasyon. At hindi rin naman iyon ang unang pagtitipong inorganisa ni Lorenzo. Kaya bakit kung kailan nandodoon siya ay saka pa ito dumalo? Umuwi lang siya ng Pilipinas para magpa-test kung compatible ba siyang donor for kidney transplant, para kay Lorenzo. Nangangailangang magpa-kidney transplant ng lalaki, at alam niyang ayaw nitong i-donate niya ang kidney niya, kaya napilitan siyang bumalik ng Pilipinas para hikayatin itong pumayag na. Malaki ang utang na loob niya rito. Binigyan siya nito ng panibagong buhay. Bagong pangalan. Bagong k