Nasira na ni Morris ang lahat ng puwedeng sirain sa basement ng Mansiyon de Crassus. Naibalibag na niya ang puwedeng maibalibag. Doon siya nagwala, para hindi matakot ang mga anak ni Hades. Kung nasa villa lang siya sa Santa Catalina ay baka gumuho na ang buong buhay. Sa sitwasyon niya ngayon ay nagpipigil pa siya dahil nasa mansiyon siya ni Hades at naroroon ang pamilya ng huli. “Kumusta na iyang si Morris?” tanong ni Hades kay Lukas. Ngayon na lang ulit bumaba ng basement ang Mafia Boss. Si Lukas ang kanina pa nakasandal sa pader at pinapanood ang walang untag niyang pagwawala. Tuwang-tuwa pa ito sa nangyayari sa kanya. Ibang klase talaga ang Underboss. Sumipol si Lukas at nagpakawala ng mababang tawa na puno ng pagkaaliw. “Nagwawala pa rin.” Napabuga ng hangin si Hades. “Gaano na kat