Nagngalit ang mga ngipin ni Morris nang sambitin ng babae sa CCTV footage ang pangalang taimtim niyang hinihiling na sana ay hindi lumabas sa mga labi nito… “Tiyo Abner?” Ang oras ng CCTV recording na pinapanood niya ngayon ay ang parehong oras na nakalagay sa call log data na ipinakita sa kanya ni Adolf. Nasa loob siya ngayon ng isa sa mga tagong silid na hindi alam ni Lyrica. It was a hidden room. Sa silid na iyon nakalagay ang mga monitor kung saan mapapanood ang lahat ng anggulo ng bahay na kinabitan ng CCTV. Ang araw ng pagtawag dito ng tiyuhin nito ay ang araw na may namagitan na sa kanilang sekswal ng dalaga. Ang araw na tuluyan nang naging kanya ang katawan nito. Ang oras ng pakikipagusap nito sa tiyuhin ay ang oras bago siya bumalik ng malaking bahay matapos niyang mapanood sa