“Sir, babalik na po ba tayo sa Villa Serpentis?” Napatingin si Morris sa driver, pero hindi agad siya sumagot kaya namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. “I need a drink. Go to the nearest bar,” utos niya rito makaraan ang ilang sandali. Nagdalawang-isip pa ang driver kung hihinto sa pinakaunang bar na nadaanan nila. Maliit lang kasi iyon, at maraming mga taong pasuray-suray na kung maglakad sa bungad palang ng istablisyemento. Mga taong takaw-gulo. “Why aren’t you stopping?” malamig niyang tanong sa driver. "Stop the car." “Sir, baka may iba pa naman hong bar—” “Stop the car,” ulit niya lang, mas matigas na ang tono ng boses. Napabuga na lang ng hangin ang driver at wala itong nagawa kundi ang ihinto ang sasakyan. Bumaba agad siya at tiyak ang mga hakbang patungong entrada