Namilog ang mga mata ni Lyrica nang makita ang pamilyar na kalsada at bista sa labas ng bintana. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata, pero itinulak niya sa likod ng lalamunan ang tunog ng emosyong nais kumawala sa mga labi niya. Hindi siya iiyak. Kahit na nagsisikip na ang dibdib niya. Tumikhim siya. “S-saan mo kami dadalhin ng kambal?” tanong niya, kahit ciento porsyento na siyang sigurado kung saan sila patungo nang mga oras na iyon. Muli siyang tumanaw sa labas at parang may mainit na palad ang humagod sa dibdib niya nang mamasdan ang kulay berdeng palayan, at ang pamilyar na hilera ng mayayabong na punong-kahoy. “Sa Villa Serpentis,” tipid nitong sagot. “Bakit? Bakit d’un?” Natatakot siyang bumalik ng villa, dahil maraming masasakit na alaala ang lugar na iyon. “Bakit hindi? Th