Nakaubos na ng apat na baso ng whisky si Morris, pero hindi pa rin siya umaalis sa loob ng silid-opisina niya. Doon siya dumerecho at nagkulong matapos ipamukha sa kanya ni Lyrica na ang malaking pagkakamaling nagawa nito ay ang ibigin siya. He told himself that ‘love’ was a useless emotion, and that he didn’t care whether Lyrica loved him or not. It was enough that she was his, that she belonged to him. Ang gusto niya lang talaga noon ay maibalik sa poder niya ang dalaga. Para sa kanya ay wala namang magandang maidudulot ang pagmamahal. Being protected is better than being loved. For what good is love if it doesn’t offer protection? Ano ang magagawa ng pag-ibig kung mapapahamak lang naman ang taong inaalayan mo ng emosyong iyon? Sa sitwasyon niya ngayon, hindi niya alam kung mahal