“Ano ba talaga ang balak mo sa amin, Morris? Bakit hindi mo na lang kami pabayaang mamuhay nang tahimik at matiwasay?” pasikmat niyang tanong kay Morris, naniningkit ang mga mata niya sa pagkasuklam dito. Kung akala nito ay tatahimik na lang siya sa isang tabi at hindi kikibo ay nagkakamali ito. Hindi na siya ang dating Lyrica na sunud-sunuran lang dito. Idineposito siya ni Morris sa backseat ng sasakyan. Pagkalapat palang ng pang-upo niya sa upuan ay umigkas agad ang binti niya patadyak sa lalaki, pero nagulat siya dahil mas mabilis ito, at nasalag nito agad ang paa niya. Parang lumapat lang sa matigas na pader ang paa niya. Pader na hindi matinag, dahil hindi na niya maitulak iyon pasipa sa dako ni Morris. He was holding her foot with one hand effortlessly, as if it were a tiny petal t