Hindi maalis ni Morris ang mga mata niya kay Lyrica. Mine. She’s mine. Paulit-ulit iyon sa utak niya. Kung hindi tumama sa bato ang binti niya n’ung tumalon siya sa ilog, baka nasagip niya sana agad ang dalaga. Baka hindi ito nawala nang tatlong taon. Natapos ang kanta, pero nanatiling nakatayo lang sa entablado ang dalaga. Tuwid na tuwid ang likod nito. Her breasts were bigger now, and so were her hips. Pero bumagay naman iyon sa katawan nito. Napaungol siya nang tila may pumintig sa loob ng katawan niya—isang emosyong maigting at kumakalat sa kabuuan niya, dumadaloy sa mga ugat niya. He could feel his veins pulsing strongly, and his jaw clenching hard. Nag-ugnay ulit ang mga mata nila. Parang mata ng estranghera ang mga mata nito. Dahil hindi na katulad ng dati ang kislap na naror