“Lyrica Rio-Cruz nga ang tunay niyang pangalan, Sir. Iyon ang nakasulat sa government ID niya at sinuri ko nang mabuti. Hindi peke iyon.”
Pagkatapos marinig ang ni-report sa kanya ng guwardiya ay pinutol na ni Morris ang tawag at muling ibinalik sa bulsa ng itim na pantalon ang cellphone. Nakatayo siya sa gilid ng salaming pader at seryosong nakatunghay sa tubig ng malaking pool sa ibaba.
“Lyrica Rio-Cruz,” ulit niya sa pangalan ng babae. “So, she was honest about her name. Hmm.” Hindi siya basta-bastang nagtitiwala at hindi rin mabilis na naniniwala. Kahit na babae, bata, matanda, o may kapansanan—wala siyang pinagkakatiwalaan agad. Lahat ng tao puwedeng maging instrumento ng panloloko, lalo na sa mundong ginagalawan niya. Ang mundo ng Mafia.
Lumapit siya sa office table niya at hinawakan ang bungkos ng papel na kabibigay lang sa kanya kanina ng taong binayaran niya para imbestigahan ang babae.
“Lyrica Rio-Cruz. Eighteen. First year college. Bachelor of Science in Psychology. Deceased parents. Living with her maternal grandmother and uncle. Ang tiyuhin nito ay ang hardinero ng Villa Serpentis.” Ang iba pang nakasulat d’un ay tahimik niya na lang na pinaraanan ng tingin.
There was nothing interesting about her except for her innocent face. She wasn’t even the cerebral type, and he never liked women who aren’t highly intellectual. Sa isang banda’y wala pa namang babaeng pumasa sa pamantayan niya.
Sa kung anong dahilan ay dumaan sa gunita niya ang matandang de Crassus, ang lolo ni Hades de Crassus. Kinupkop nga siguro siya ng matanda, pero hindi siya nakaligtas sa kalupitan nito. He was a cruel old man. Nakita nitong matalino siya, kaya kinupkop siya nito. Ang totoong motibo nito ay gamitin ang taba ng utak niya para lalong palakasin ang Mafia.
So, every day, he would order him to read hundreds of books until his brain was almost toasted. Kapag hindi niya natapos basahin ang mga librong pinapabasa nito sa kanya ay hinahagupit siya nito ng latigo, at natutuwa ito kapag nasusugat ang balat niya.
When the old man adopted him, he thought he would bring hope, but he became his hell.
Ibinaba niya ang mga papel sa mesa at muling tumayo sa gilid ng salaming pader na natatabunan ng makapal na kurtina pero ngayon ay nakahawi iyon pagilid. Nagsalubong ang mga kilay niya nang mamataan ang pamilyar na pigura ng babae. Nakaupo ito sa isa sa mga lounge chairs sa tabi ng pool. May bilaong nakapatong sa kandungan nito. Nasa malapit lang ang tiyuhin nito na tini-trim ang damuhan.
Nagtaas ito ng tingin at dumako sa kinaroroonan niya ang mga mata nito. Kuminang ang mga iyon nang magtagpo ang mga titig nila. Kasabay ng pagguhit ng matamis na ngiti sa mga labi ni Lyrica ay masigla rin itong kumaway sa kanya.
Hindi ba ito takot sa kanya?
Ibinaba nito ang bilao sa lounge chair at tumayo ito. Mabilis na dumaan ang mga titig niya sa kabuuan nito. Alam niyang sinadya nitong magsuot ng bestidang maikli at masikip. Ano ang balak nito? Akitin siya?
Tumaas ang mga kilay niya nang mapansing tahasan nitong inililiyad ang dibdib. Para ano? Para ipakita sa kanya? Her breasts weren’t even that big. But her waist was extremely small. Tingin niya ay kaya niyang sapuhin iyon ng isang kamay. Mabilog din ang mga balakang nito at maganda ang hugis ng mga binti.
Para itong preskang pagkain.
Still, he refused to grab the 'food' even if it was being hand-fed to him.
Pumihit na siya patagilid para umalis na sa tabi ng bintana. Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya ang paghakbang ni Lyrica na tila ba mahahabol siya nito kung hahakbang ito. Nakalimutan nitong nasa gilid ito ng pool at nahulog ang katawan nito sa tubig.
His brows furrowed, and a pulse began to twitch in his head. The woman was silly! Ang plano niya ay ignorahin ito, subalit kumakawag na ito sa tubig. Hindi ba ito marunong lumangoy?
Muli siyang humarap sa salaming pader at tumanaw sa ibaba. Hinanap ng mga mata niya ang tiyuhin nitong hardinero ng villa, ngunit wala ito sa paligid.
“Sh*t.” Kahit ayaw niya ay mabilis siyang bumaba. Lyrica was a stupid woman. If she couldn’t swim, then why the hell would she stand by the pool and behave recklessly? At saan ba nagpunta ang tiyuhin nito? Kung iignorahin niya ito ay natitiyak niyang walang ibang magliligtas dito. Wala siyang mga kasambahay sa villa at suwerte na lang kung madaanan ito agad ng mga nag-iikot na security.
Nang nasa tabi na siya ng pool ay hinubad niya lang ang mga sapatos saka inihagis ang suot niyang salamin sa kung saan at tumalon na sa pool. Wala ng malay ang dalaga kaya lalo siyang napamura. Inilatag niya ang katawan nito sa gilid ng pool.
“Breathe, you fool,” maigting niyang sabi rito kahit hindi siya sigurado kung naririnig pa siya ng dalaga. Maging ang mga ugat niya sa likod ng kamay ay nag-iigtingan din. Lumayo nga muna siya sa mundong kaliwa’t kanan ang p*tayan, tapos heto at mukhang may makikitil pang buhay sa property niya.
Ni-CPR niya ito. He made sure the heel of his hand was in the middle of her chest, and his left hand was on top of the other. He performed chest compressions. He was also forced to give her rescue breaths. Kaya kahit ayaw niya ay lumapat ang mga labi niya sa labi nito.
Malambot ang mga labi ng dalaga, matamis, at mabango. Parang nang-iengganyong tuklasin pa niya ang loob niyon.
"The f*ck." Napamura siya at pilit na inalis sa utak ang mga ganoong isipin. Hindi iyon ang oras para sa mga ganoong bagay.
Umubo ang dalaga at napaungol ito.
“Finally!” naidaing niya ng wala sa oras.
Nagmulat ng mga mata sa Lyrica at tumingin ito sa kanya. Nag-ugnay ang mga titig nila. His gaze on her was so sharp as if wanting to cut the woman in half. Galit siya rito dahil hindi ito nag-iingat.
“I-iniligtas mo ako? S-salamat sa—”
“Get up and leave. Never show your face to me again.” Wala nang mas may lalamig pa sa timbre ng boses niya. Tumayo siya, tumutulo ang tubig sa kanyang damit, buhok, at balat. Hinanap ng mga mata niya ang salamin at napamura siya ulit nang makitang nabasag iyon.
Hinila ng babae ang sarili nito paupo at tumingala sa kanya. Sinundan nito ng tingin ang direksyong tinititigan niya at nanlumo ito nang makita ang basag niyang salamin. “S-sorry. Hindi ko naman sinasadyang mahulog sa pool.”
“Of course you did not! Sino ba ang taong gusto pang mabuhay ang sadyang ihuhulog ang sarili niya sa pool gayung hindi ito marunong lumangoy?” Matalim ang mga tinging ipinupukol niya kay Lyrica. “Unless you are so desperate for my attention that you’d risk your life just to force me to notice you.”
Bumakas ang pagtanggi sa ekspresyon ng mukha nito. “H-hindi ko iyon ginustong mangyari para lang makuha ko ang atensyon mo!”
A cold and sarcastic smile curved his lips. Puno ng disgusto ang mga matang sumuyod sa kabuuan ng dalaga mula ulo pababa. “And you’re dressed like a wh*re because you weren’t planning to get my attention?”
“Wh*re agad? Ano’ng masama sa suot ko? Nakalabas ba ang dibdib ko? Nakikita mo ba ang panty ko? Hindi naman, ’di ba? Hindi por que ganito ang damit ko ay puwede mo na akong pagsalitaan ng masama. Kung nanonood ka ng TV, alam mo dapat na normal lang sa ibang taong magsuot ng ganitong klase ng damit!” pagtatanggol nito sa sarili.
Of course, he was aware of that. Nagagalit lang talaga siya sa isiping nagsuot nang ganoon si Lyrica dahil may plano itong akitin siya. He wasn’t born yesterday, so he knew that the woman dressed provocatively to get his attention. Dahil ano iyong pagliyad-liyad nito kanina habang kumakaway sa kanya?
Ang mas ikinagagalit pa niya ay ang katotohanang muntik na itong malunod dahil sa walang kuwentang pagpapapansin nito sa kanya.
It was useless to try to seduce him anyway because he wasn’t interested in falling in love.
Wala iyon sa plano niya.
Wala iyon sa utak niya.
He would never drag a woman into his hell of a life. Madilim ang mundong ginagalawan niya. Kaya wala siyang babaeng papapasukin sa puso niya.
Pinal iyon.
At lalong hinding-hindi niya iisiping magkagusto man lang sa isang napakabatang babae na halos kalahati lang ng edad niya.
Muli niyang ipinako ang matalim niyang mga titig sa maputlang mukha ng babae. “If you don’t want anyone calling you a wh*re, then don’t act like one. Huwag mong binibilad ang katawan mo sa harapan ko, dahil walang epekto sa akin iyan.”
Natameme si Lyrica at nawalan ito ng kibo. Nag-iwas ito ng mukha, pero nahuli niya ang pagkislap ng luha sa sulok ng mga mata nito.
“Sa susunod na tumapak ka pa ulit dito sa villa ko, ipapakaladkad na kita sa security. Do you not get it yet? Hindi ako interesado sa isang kagaya mo. Hinding-hindi ako magkaka-interes sa ’yo.”