CHAPTER 12

2084 Words

Habang naglalakad pauwi si Lyrica ay panay naman ang bagsak ng mga luha mula sa mga mata niya. Pinaparusahan ba siya ng langit? Siguro nga parusa ng langit ang kabiguan niya ngayon. Parusa dahil pinilit niyang isiksik ang sarili kay Morris, kahit na hindi naman siya nito gusto. Mali nga yatang ipilit niya ang sarili niya sa taong ayaw sa kanya. Dahil sa sumpa? Hah! Kalokohan! Hindi naman niya kailangang matakot sa kuwento ng lola niya. Hindi totoo ang sumpang iyon. Wala nang sumpa sa panahon ngayon. Diyos ko, nasa ika-21 dantaon na, tapos ito siya’t naghahabol sa lalaki dahil lang nagpapaniwala siya sa sumpa. Biglang dumoble ang pagkirot ng dibdib niya na wari'y sinasabing ang paghahabol niya kay Morris ay hindi dahil sa sumpa lang. Pinagsisipa niya ang batong nasa daang binabagtas niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD