CHAPTER 2

3802 Words
"Girl!!." "Ikaw na ang pinakamaswerteng babaeng nakilala ko dito sa University." tili i Mica mula sa phone. Kasalukuyan siyang nakahiga sa sariling kama, kausap ang kaibigan sa phone dahil kanina pa ito nangungulit sa text, kanina pa din tawag ng tawag sakanya. Swerte? Ako? Buti ba kung si Brad Pitt yung nagpabigay ng salami na 'yon.. Tsk! Natatawa siya sa sariling iniisip habang patuloy padin ang daldal ni Mica sa linya ng tawag. "Hoy bruha! Andiyan kapa ba?." tanong ito kaya agad naman siyang sumagot "Oo!." "Oh anong sabi ko?."mica "Ahmmmm... kung andito pa ko sa linya." ako na nagtaka "Oh tignan mo tong bungol na to." asik ng kausap "E ano ba yun?!." ako ulit na tumayo habang nasa tenga padin ang cellphone at tuloy tuloy ang yapak palabas ng sariling kwarto "Sabi ko'y finollow ka sa i********: ni Hades! Di mo man lang sinasabi sakin!." sabi ulit nito na ikinagulat ko "Ha?? Talaga?." nagtatakang anong niya habang pababa ng hagdan, tuloy-tuloy siya sa kusina at sinilip ang refrigerator "Ano a namang reaction yan Namy Persephone Adams?!." pagbubuo nito sa pangalan ko "Kung ako yan ay nagsisigaw na ako at baka ako na ang magchachat kay Hades dahil ganyan na ang pinapakita niya!." patuloy nito Bakit naman ako magchachat sa ulugok na yun?! Eh allergic nga ko sa mga playboy Napakunot-noo naman siya na kinuha ang karton ng gatas sabay sarado ng Ref. Nagtuloy-tuloy ulit siya paakyat sa kwarto niya at nang makapasok ay agad na nilundagan ang kama "Mukhang ginugusto ka ng isang Hades!! Mygosh! kung ako yan magpapaalam na ko sa magulang ko." tili ni mica kaya nailayo niya sa tenga ang phone "Anong magpapaalam ka diyan!." ako a nakangiwi "Aba'y malamang! Pakakasalan ko agad !." si mica sa malanding tono "Jusko Mica! Kawawa magiging boyfriend mo sayo!."saway ko sa babae "Bakit naman aber!?." "Yung tipong di pa siya ready magpakasal kaso ikaw na mismo magpropropose!." ani ko na malakas na humalakhak "Hoy! grabe!!." malakas na tawa rin ng kaibigan "Tsaka malabong magustuhan ko 'yon! Ayoko sakanya!." ismid ko pa Mga nababalitaan ko palang sa school tungkol sa pagiging babaero nito ay sumasakit na ang ulo ko! "Wag mong kakainin yang sinasabi mo Namy!."pagbabanta lang ni Mica Napabuntong hininga naman ako "Sure!." I said confidently "Susss! Baka dumating ang araw, ikakasal ka na pala sakanya." panunukso pa ng kaibigan "Never!!." She gave a chuckled "Tatandaan ko 'to Namy." makahulugang sabi pa ni Mica - - - - "Sasama kaba samin sa uwian?."tanong ni Mica na bumaling sakin habang nagaantay na tumunog ang bell "Saan naman?."kunot-noong tanong ko "Ano kaba? Aurora day ngayon pero hindi as in ngayon gaganapin, sa lunes pa sabado naman bukas e at sa thursday pa ang balik ng klase dahil Aurora day nga, may parada lang mamaya sa bayan"! Nood tayo!."tuloy-tuloy naman na sabi ni Gemma na nasa tabi niya Oo nga pala't may special event ngayon sa lugar nila, paborito niya pa namang manood ng parada. "Oo ba!." sang-ayon ko rin "Ako ba? Di nyo yayayain?."singit ni Donald "Sino ka?." pagsisimula nanaman ni Mica sa pakikipagrambulan kay Donald "Ilayo nyo nga sakin to, baka ihain ko 'to mamaya sa parada." bawi ni Donald, nang akmang tatayo na si Mica ay agad na tumunog ang bell "Uwian na!." sigaw ni Donald na tuwang tuwa na tumayo "Mr.Valdez!."sigaw din ng Professor na ang tinutuloy ay si Donald "Baka mapunit yang bibig mo sa sobrang tuwa ha!."pagbibiro pa ng prof. kay Donald "Okey class dismiss, cleaners clean your room before you go! And Happy Aurora Day! See you next thursday." sabi nito habang nakangiti at tuluyan nang umalis "Goodbye Ms.!." paalam din namin Sobrang ingay na ng klase dahil nagmamadali na ang iba na umalis at sa palagay niya'y pupunta din ng bayan "Tara na!". sigaw nila Donald na nasa pinto na "Wait, Antayin niyo ko sa Gate! Babalik ko lang 'tong libro sa library!". sigaw ko na isinampay ang Tote bag sa balikat, mabilis naman ang tatlong kaibigan na nagsitanguan Patakbo na akong pumunta ng Library at sa inaasahan ay unti nalang ang tao sa Hallway na nadadaanan ko, binilisan niya pa lalo ang takbo hanggang sa makarating na siya sa patutunguhan. Pagpasok ay sobrang tahimik ng paligid, andun din sa pwesto nito ang Librarian o ang nag-aasikaso dito sa Library Tuloy-tuloy siya sa mga libro, tatlong libro kase ang dala-dala niya. Nasa akto na siya na inilalagay sa mga pwesto ang mga hiniram niyang libro nang maramdaman niya ang malaking bulto sa likod niya, sa isang iglap ay humarap siya at napasandal sa shelf sa pagka-gulat. Napasinghap siya nang makita kung sino ang nasa likod, walang iba kundi si Hades. Ikaw nanamang lalaki ka? Parang kabote! Sulpot nang sulpot ! Malamlam ang gwapong mukha nitong nakatingin sakin habang nakapamulsa kaya't tinaasan ko 'to ng kilay sa pagtataka. "Pangarap mo bang maging kabote?." nahimigan ang inis sa pagbulong niyang iyon. "Oops! sorry, Did I scare you?." pagtatakang tanong pa nito kaya napangiwi na lamang siya "H-hindi." sabi ko nalang at tinabig ito upang makadaan sa daraanan ngunit mabilis siya nito hinawakan sa braso at ibinalik siya sa pagkakasandal niya sa shelf. Nanlalaki ang matang nakatingin lamang siya sa lalaki, bumakas din ang pagtataka sa mukha niya dahil sa ginawang iyon ng binata. "A-anong ginagawa mo?." nagtatakang tanong niya sa binata na kumurap-kurap pa Hindi sumagot ang lalaki, He lifted my chin and smiled, sumilay ang nakakatunaw na ngiti ng binata. Nakakabighani talaga ang anyo nito pero hindi ibig sabihin no'n ay magpapaamo narin siya "H-hades......." nauutal na usal ko "Gusto lang kitang pag masdan." nakangiti pang usal nito kaya mas lalo pa siyang nagtaka Parang nanigas siya sa kinakatayuan niya sa narinig mula sa binata, hindi niya mabasa ang iniisip nito. "B-baliw kaba?." sabi nalang niya at pasimpleng hinawakan ito sa dibdib upang itulak ito nang makaalis na sya sa pagkakapwesto nilang dalawa Ngunit sobrang tigas ng lalaking ito, hindi man lang ito natinag sa pag tulak niya na iyon At mas pinagsisihan niya ang pagtulak sa dibdib nito dahil bumaba ang mukha ng binata sa mukha niya at akmang ilalapat ang labi nito sa labi niya Dumausdos sa kwelyo ng uniporme nito ang kamay niya na dahil sa gulat ay nahawakan ng kamay niya ang kwelyo ng binata, ngunit nanatiling magkatapat ang mga labi nila Nakakabuhol-buhol na ang isip niya sa ginagawang iyon ng binata sakanya.... Wala na sa pulgada man lang ang space ng labi nila, langhap na langhap na rin niya ang mabangong hininga ng lalaki at natatakot siyang gumalaw dahil baka maglapat ang mga labi nila ng binata Halos sumigaw na sa isip niya ang pangalan nito dahil sa ginagawa ng binatang ito. "Namy...." usal pa nito sa ganoong pwesto nila Minabuti niyang wag magsalita, dahil baka makaapekto lang iyon lalo sakanya.. "Do have a boyfriend?." She frowned because of that question. Hindi niya malaman kung bakit parang may kumiliti sa tiyan niya habang ramdam na ramdam ang init ng hininga nito. Maya-maya'y inilayo siya nito at pilyong ngumiti, magaan ang kamay na hinawakan pa siya nito sa ulo "Now I'II ask you again, Did I scare you sweetheart?." He chuckled "Pinagtritripan mo ba ko Mr. Mckinsey?."matigas niyang tanong Pilyo itong ngumiti sakanya at nakita niya pang binasa ng dila nito ang sariling ibabang labi nito. "Why would I, Ms. Adams?." nakangiting ani pa nito "Wala kong panahon sayo." matigas kong ani Agad na kumawala siya sa binata at malaya naman siyang nakawala, tuloy-tuloy siya sa main door na hindi na nilingon pa ang lalaki. Hindi pa nga siya nakakamove on sa consequence ng mga kaibigan dito ay ito nanaman siya at may panibago nanaman. Bata pa ang puso niya para sa pag-ibig, at mas lalong hindi siya papayag na sa isang playboy pa siya maiinlove! - - Marahan niyang pinaglalaruan ang kopitang may lamang alak sa kamay habang nakasandal sa mahabang couch at nakatingala sa kisame "I want to see Namy." Mariin siyang pumikit sa sinabi niyang iyon Fuck! I miss her! Namy.... Namy... Parang ibinubulong ng puso niya ang pangalan nito, lunes na at dalawang araw na niyang hindi nakikita ang dalaga. Nasanay siyang sabado at linggo lang ito hindi nakikita pero dahil sa Holiday sa lugar nila ay sa thursday niya pa ito muling makikita. "Wow! so are you that much inlove with her bro?." natatawang sabi ni Theo na nakaupo rin sa couch habang may nakaupo sa kandungan nito na babae Kasalukuyan kaming nasa mini bar ng mansyon nila Luke at may mga dala pang babae ang mga ito para daw may thrill... "Kung ako ang tatanungin, well she's pretty! Di na ko magtataka kung maiinlove si Hades Foulker McKinsey sa babaeng iyon." sabi mi Luke na sinimsim ang sariling kopita habang si Blake ay nakamasid lamang sa kanila "Woah! Wag mong aagawin sakanya yun Luke, baka mawala sa sarili niya 'yan." si Theo na tatawa-tawa kaya agad kong tinignan ang reaksyon ni Luke na itinaas ang dalawang kamay "I'm not going to do that bro, kung kay Donald Valdez nga lang na kaibigang lalaki ni Namy ay galit na galit kana diyan." pangiti-ngiting sabi pa ni Luke "He irritates me! I don't like that Asshole."madiin kong sabi at nilagok ang kopita ko "Iniirita ka? Eh lumilingkis lang naman siya kay Namy as a Friend." Kaiden said while his own head, hindi siya sumagot at muling nilagok ang alak sa sariling kopita "Hey! That's what we called a Jealous man." Theo chuckled "Ang problema ay bakit sa lahat lahat ng naging babae mo'y kay Ms.Adams kapa nagkaganyan?." si Kaiden naman ang nagsalita "Pag si kupido na ang remehistro, wala kanang magagawa."malamig na tugon ni Blake na nagkibit balikat pa "Don't you worry Kaiden, You will experience it too, maybe not now but soon." may kahulugan kong tugon sa kaibigan "I don't know, but I don't like serious relationship bro."mapaklang sabi nito Sa totoo lang ay hindi niya rin maintindihan ang nararamdaman.. Magmula noong unang araw nito sa University at nakita niya ito sa Cafeteria ay may kung anong naramdaman na siya sa sariling kalooban na sa tuwing nakikita niya ito'y may kung anong nilalang ang kumikilita sa kanyang tiyan. Magaganda ang iba't ibang babaeng nakikita niya at nakakasama sa kama, pero pag dating kay Namy ay pakiramdam niya'y kakaiba ito sa lahat Inaamin nya na certified playboy siya katulad ng mga kaibigan, lahat ng nagugustuhang babae ay nakukuha sa pamamagitan ng titig lamang at kusa na itong lalapit sakanya pero hindi ang katulad ni Namy. Minsa'y nakakasalubong niya ito sa hallway at maghihinang ang mga mata nila, magugulat nalang siya dahil iniirapan siya ng dalaga Nang minsang makita niya ito sa Library ay di niya malaman kung bakit hindi niya ito malapitan na sa katunayan ay sanay na sanay naman siyang nilalapitan ang mga babae. Hindi siya makapaniwalang natotorpe siya sa babaeng ito. Ilang araw siyang hindi pinatulog ng babae nang halikan siya nito sa pisngi bilang isang consequence daw ng mga kaibigan mula rito, sa kabilang banda'y parang umapaw ang tuwa sa loob niya. Kay Namy niya lang naramdaman ang ganoong pakiramdam, na sa bawat araw na nakikita at nagtatama ang tingin nila ay buo na ang araw niya. Minsa'y naiirita siya pag nakikitang kasama nito ang kaibigang lalaki na si Valdez o kaya ang tropa ng lalaki. At mas ginulo nito ang damdamin niya dahil sa nangyare sa kanila sa Library nitong nakaraan lang, kahit gustong gusto na niyang siilin ng halik ang babae'y di niya padin magawa. Dahil ayaw niyang lumayo ang loob nito sakanya, marahil ay alam nito na he's a certified playboy kaya ayaw niyang maging mapusok dito, alam niya kaseng hindi ang katulad ni Namy ang papayag sa ganoong set up. "Honey...". bulong ng isang babae sa tabi niya kaya agad niyang nilingon ito "Can I kiss you?." bulong pa muli ng babae na lumingkis na sakanya "She's one of a hottest girl here in Aurora pare!." bulong naman ni Kaiden sa kabilang tainga niya na ang tinutukoy ay ang babaeng nasa tabi ko "She's Kyla." banggit pa ni Kaiden sa pangalan ng babae "Are you inviting me?." He said and sweetly smile at her "Why not honey ?."matamis na usal nito at saka siya nito hinalikan sa mga labi Sa puntong iyon ay sinakyan na siya ng babae sa kandungan niya habang nakaupo siya at patuloy ang paghahalikan nila Ngunit hindi ang babaeng ito ang nakikita niya sa pag pikit niya, kundi ang babaeng gumugulo padin sa isip niya Namy...... - - - "San na kayo?." si Mica na nasa linya ng tawag "Otw na!."pagsisinungaling ko dahil ang totoo'y nagaayos padin siya "Tangina, baka on the water yan men ha!." nag-aalangang sagot ni Gemma Magkasama na ang dalawa sa Mall at inip na inip na ang dalawa roon habang siya ay andito sa kwarto niya, nag-aayos padin. "Malapit na ko Gemma, wait nyo lang ako diyan." si Donald naman ang sumagot sa kabilang linya "Buti naman Donald, wala kang karapatan magpa-late, di ka chics." si Mica sa kabilang linya sabay halakhakan ng dalawa "Salamat ha, tanginanyo!." singhal naman ni Donald sa kabilang linya "Baba ko na muna, ang iingay nyong mga garapata kayo!." sabi ko na agad inend ang call Muli kong pinagmasdan ang sarili sa salamin, naka terno na button down at mini skirt na parehas powdered blue na binili ng daddy niya sa Japan. Doon narin kase ito nagtratrabaho habang naka 2inch white heels, may white dior bag na binili din ng daddy niya, may naka ipit sa buhok na pearl hair clip, unting kolorete at lip gloss na may gold wristwatch sa braso na pang babae. Well she's stunning, mas natutuwa siyang nakikitang maayos ang sarili. Kailangan na niyang umalis lalo na't baka nausok na ang bunbunan ng mga kaibigan. - - - "Sobrang tagal mo naman susme!." asik Mica na inirapan siya nang makarating Tinignan nya ang ayos ng tatlo..... naka jumper si Mica na nakawhite fitted shirt habang naka maong mom jeans naman si Gemma na tinernuhan ng croptop racerback black, si Donald na nakapolo shirt lamang na nakapantalon at pareparehas ang mga itong naka white rubbershoes. "Talagang ginalingan niyo ha?." She chuckled "Aba syempre!." Gemma na sinuklay pa ng sariling daliri ang buhok "Ikaw nga, ayos na ayos ka ngayon, siguro may pinopormahan ka- Naputol ang sasabihin ni Mica nang magsalita si Donald "Nagpaganda kase siya para sakin." si Donald na ngiting ngiti sakanya at tinitigan sya mula ulo hanggang paa "Minsan gusto ko nang hasain yang pagmumukha mo Donald, nang numipis naman." nakangiwing sabi ni Mica "Masyado niyong kinakawawa si Donald." saway ko sa iba na kunware'y kinakampihan ang lalaki, nagpout naman ito sa harap niya "Pero sige, ituloy niyo lang 'yan." nakangiting bawi ko sa sinabi kaya't nabura ang pouting expression nito. "Psh! Ampapangit talaga ng mga ugali ng mga 'to." nakabusangot na sagot ni Donald "By the way, sa'n tayo kakain nagugutom na ko?."Mica "Wala nang bago sayo Mica, lagi kang gutom."Donald "What if Ihulog kita sa Esculator?."Mica na sumama ang tingin kay Donald - - - Sa huli'y napagdesisyon naming kumain sa S&R... Kasalukuyan na kaming nakaupo at nagaantaysa table na napili namin, nasa tabi ko si Donald ngayon habang ang dalawa nama'y nasa harap ko "Dapat nga ay sasama si Pao e kaso may gagawin daw siya." si Donald na nagbukas ng paguusapan "Ahh iyong tropa mong kamukha ni ........" si Mica ang sumagot "Sige ituloy mo." natatawang ani ni Donald "Kamukha mo." tuloy ni Mica "Yan nanaman kayo ha, paguuntugin ko na kayong dalawa pag nabwiset ako." ako na hindi sa kanila nakatingin kundi sa Cellphone ko "Yes Boss!." si Donald na dumeretso pa ng upo Maya-maya'y nakita niyang nakahalumbaba ito habang pinagmamasdan siya "Donald mukha kang reypis sa ginagawa mo, tigil mo yan".Pansisita ni Gemma, Donald glared at Gemma but then smile again sabay titig ulit sakanya "Namy, Ba't ayaw mo pa mag boyfriend?." nakangiting tanong nito kaya't napangiwi akong tinitigan ang lalaki "Pakelam mo ba Donald?." irap ko kaya nawala ang ngiti nito "Pakaattitude mo talaga!."reklamo nito "Kung di ka lang maganda e." sabi pa nito at kinurot ang pisngi niya, nang makaramdam ng inis ay mabilis niyang hinawakan ito sa leeg at akmang sasakalin ang lalaki Ngunit naputol ang pagbabardagulan namin ni Donald nang marinig naming sinigaw ng isang crew ang number nila "Number 32?." "Hoy ayun na yung number natin!." sabi ni Gemma kaya't mabilis na tumayo si Donald Pinagmamasdan niya ang binata na kinukuha ang order nila nang mapasulyap siya sa isang table na hindi kalayuan sa kanila. Napakurap kurap siya dahil hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon... "H-hades." nauutal na bulong niya ngunit narinig siya ng mga kasama na agad nilingon ang tinititigan niya "Yung knight andito? sheeeet!." kinikilig na sabi ng dalawang kaibigang babae "My god! Haggard ba ako?." narinig iya pang tanong ni Mica kay Gemma "E ako?." si Gemma Hindi niya alam kung bakit nakasimangot ang binata sa pagkakatingin nito sakanya, Sobrang sama ng tingin nito at kunot na kunot ang noo. Naibaba na niya ang tingin nang dumating na si Donald sa table habang dala dala ang pagkain nila "Nandiyan pala ang Knight?." sabi ni Donald nang makaupo na siguro'y nakita rin nito nang kunin nito ang order. "Kain na tayo." sabi ko na aktong kukuhain ang pinggan na may kanin na nang maunahan siya ni Donald at inilagay iyon sa tapat niya. Kumuha pa ito ng kutsara't tinidor na binigay sakanya, binigay ang drinks niya at kinuhaan pa siya ng Pizza na inilagay sa pinggan niya. "Dinaig mo pa nanay ni Namy kung makaasikaso ah." si Mica na ngumisi "What if mama ko talaga siya." she chuckled, agad na humalakhak ang dalawang kaibigan Kumuha siya ng Garlic Parmesan at nagsimulang kumain Muli niyang sinulyapan si Hades sa di kalayuang table dahilan lang upang muli syang magtaka dahil masama padin ang tingin nito sa kanila, lalo na kay Donald May regla kaba ngayon? Hmm? Nireregla kaba? Napansin niya pa ang grupo ng kababaihan sa kabilang table na nakatingin din sa gawi nila Hades, pinagbubulungan ng mga ito ang grupo ng mga binata at kinikilig kilig pa. "Sikat talaga sila ano?." sabi pa ni Gemma kaya tumango nalang ako "Bilisan nyo na kumain, tama na ang pagpapantasya sa mga puro papogi lang." Donald said and shook his head "Mayaman sila kaya kahit sabihin mong pagpapapogi lang, mga taga pag-mana 'yan ng kompanyang ginagalawan ng magulang nila." Kontra ni Mica "Mabubuhay kana agad niya at Engineering course pa, pag nakatapos ang mga yan, may bonus job pa sila." si Mica ulit na umiling din "Oo na, ayaw mo talagang naiinsulto 'yang mga garapata na yan e no!."Irap ni Donald Rinding rindi na ko sa pagaaway ng dalawang ito "Bili tayo sa penshoppe ng damit ha." pag-iiba ko nalang ng usapan "Saka na ko, wala na kong budget sis." si Gemma kaya tumango nalang ako Nang matapos na kaming kumain ay dumaan agad kami sa Penshoppe at nang makapagsukat ay nakakuha na ko ng gusto ko kaya't agad ko nang binayaran iyon sa cashier. Sa puntong iyon ay makaramdam siya sa pantog niya... Naiihi na 'ko! Agad niya namang pinahawak ang paper bag sa mga kaibigan at sinabi niyang pupunta siya ng restroom, mabilis namang tumango ang mga kaibigan.. "Antayin ka namin sa Starbucks sa baba." Habol pa sakanya ni Gemma Minadali na nya ang hakbang dahil parang bubuhos na ang ihi niya. Nang makita niya na ang Restroom ay dali dali siyang pumasok.... ngunit mahabang pasilyo pa ang lalakarin bago makapunta sa FemaleRestroom at nang makarating ay agad na siyang rumehistro sa toilet. Kakaunti lang ang taong nando'n, dito nga'y dalawa lang silang babae sa loob ng Restroom na 'yon... Tinignan muna nya ang sarili sa salamin bago tuluyang lumabas sabay muling nilakad ang pasilyo pabalik nang mapatda ang paghakbang niya dahil sa taong makakasalubong nya. Bumilis ang t***k ng puso sa hindi niya maipaliwanag na dahilan... Si Hades na agad nagtama ang paningin nila ngunit nagkunwareng siyang hindi niya ito napansin. Nilagpasan nya lamang ang lalaki kahit na nilingon pa siya nito. Pero mukhang hindi papayag si Hades sa ganun lang.... He grabbed my arm and led me inside of Male Restroom. She was completely shock by what this man did. Tinitigan ko ang lalaki bago nagsalita "Ano nanaman bang pumasok sa kokote mo Mckinsey?!". singhal niya pero pabulong dahil nag-eecho ang tinig niya ngunit wala kang mababasang kahit takot o pagkabahala sa kaharap. Kalmado lang itong nakapamulsa at nakasandal sa pader habang nakatitig sakanya "Calm down, I just want to ask you something." malamig na tugon ng binata Sobrang gwapo nito sa suot nito nang mapagmasdan ang kaharap, nakawhite tshirt na may nakapatong na Longsleeve Polo Corduroy na Light Blue at White Loose Pants na pinartneran ng Highcut Black converse,naka Gshock na relo at may mumunting nakabagsak na buhok sa noo. Sobrang gwapo ng binata at kahit na sino'y mapapalingon sa gawi nito... Nagmatch pa sila ng suot! "What is it? Bilisan mo baka may makakita satin." sabi ko na luminga linga pa "Walang tao rito." ani pa nito Humakbang ang binata papalapit sakanya habang unti-unting kumukunot ang noo nito. Parang biglang umalerto ang isip niya sa nakikitang papalapit na binata.. "Diyan ka lang." pigil ko dito at tinuro pa ang kinalalagyan ng binata na napahinto naman Narinig niya pa ang pagbuntong hininga ng lalaki bago hinawakan ang sintido "Ano ba yun?." tanong ko ulit kaya muling tumingin ito sakanya Nakita niya ang lungkot sa mata ng binata na nakatitig sakanya. "May gusto lang akong malaman." malamig padin ang tinig nito kaya napataas na lamang ang kilay niya sa pagtataka "Akala ko ba'y wala kang boyfriend?." mabilis na tanong nito Agad naman siyang tumango bilang tugon.. "Bakit parang may relasyon naman kayo ni Valdez?." Nanlalaki ang matang tinignan ko to mula ulo hanggang paa. "Anong relasyon ka diyan- "Kaya nga tinatanong ko diba, coz I want to know." putol agad nito sa sagot niya na tumaas na ang kilay "Malamang meron." sagot ko at pagkagulat agad ang rumehistro sa mukha ng kaharap "So......" ayun lamang ang narinig niya mula sa binata "Yung friendship namin Mr. Mckinsey, that's our relationship." dugtong niya pa sabay ang biglang pagliwanag ng mukha ng binata "Then can I ask you a favor?." nakangiting ani nito sa puntong iyon ay lumapit na 'to sakanya "Uh-huh?." nagtatakang sagot niya "On Thursday, sa likod ng University, doon sa puno ng mangga.......... 5pm sharp magkita tayo doon dahil may mas importante akong sasabihin." saad nito at saka marahang kinuha ang isang kamay niya kaya't nanlalaki ang matang tinitigan niya ito.. After he held my hand, he kissed it and smile at me before he totally leave.... Her heart beat faster and faster.... At hindi na niya alam kung bakit gano'n na ang asta ng sariling damdamin....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD