CHAPTER 1

3833 Words
Huminga muna siya ng malalim bago inangat ang kamay at mahinang kumatok sa pinto. Narinig nya ang mga yabag papunta sa pinto at ang pagbukas niyon, bumungad sakanya ang matandang lalaki na professor nila. Tinitigan siya nito sabay lingon sa wristwatch nito na agad namang binalik ang tingin sakanya. "You are 5 minutes late Ms.Adams." ani ng kaharap kasabay ang paglabas ng kaba sa dibdib niya dahil sa matapang na anyo nito ngunit nawala din dahil sanay na sanay na siya dito. Bago pa siya makapagsalita ay muling nagsalita ang matanda. "This is your fifth time of being late!." singhal nito sakanya "And this is will be your last time too!sayang at matalino kapa naman sana kaso'y lagi ka lang late." patuloy nito ngunit matabang lamang ang pinupukol kong tingin sa matandang 'to. Yung pulang pula kana sa galit pero bat nangingintab padin ulo mo....? Lihim siyang napahagikgik sa iniisip niya dahil hindi naman siya mahilig sumagot sa matatandang katulad nito unless ay personal na buhay na niya ang sitahin ng kausap ay hinding hindi siya makakapayag sa ganon. "Kabago-bagong estudyante ay laging late! Now take your sit!." Halos mamula ito sa galit na itinuro pa ang upuan niya Walang imik-imik na nagtungo siya sa silya habang matamang nakataas ang kilay, hindi siya sasagot ngunit aawra ang mukha niya dahil na rin napapansin niyang mainit ang dugo sakanya ng prof na 'to kahit minsa'y tama naman ang ginagawa niya. Sisinghalan siya at ipapahiya, tanging ito lamang ang gumagawa sakanya sa lahat ng professor nila at wala na siyang pake roon, papasok at lalabas lamang sa tenga niya ang sita sakanya ng panot na 'to! Alam niyang ang lahat ng estudyante sa loob ng room ay nakatingin sakanya habang papalapit siya sa silya niya'y nahagip niya pa ang pilyong ngiti ng lalaking kahanay lamang ng silya niya . Bwiset ka talaga Donald! "Okey class, let's start." sabi ng prof sa unahan kaya napaangat ako ng tingin sa matanda at kumunot ang noo Tignan mo tong si padre damaso, maguumpisa palang pala yung klase kung makasita sakin e kala mo kalahating oras akong nalate! Padre Damaso ang tawag nila ng mga tropa niya sa matandang ito palibhasa'y walang asawa kaya siguro mainit palagi ang ulo. Tuluyan ko nang kinuha ang notebook upang makapag take notes na. Nasa 1st year college of tourism siya dito sa EASTERN UNIVERSITY sa AURORA PROVINCE at apat na buwan na siya dito mula nang siya'y lumipat, patapos na rin ang sem ngayong buwan kaya't sobrang abala na ang lahat. "Pst! Attitude!." agad kong nilinga ang nagsalita na iyon mula sa gilid ko na nasa kabilang row dahil alam kong isa iyon sa mga ulugok kong kaibigan. Pag lingon ko ay malawak ang ngisi nito sakin habang nakatingin at binelatan pa ako. Minsan ay napapaisip ako kung ba't ko naging kaibigan ang mga talipandas na 'to. Nilakihan ko naman ito ng mata at tinignan ng masama, ito si Donald na nakakadalawang buwan palang siya ay umamin na sakanyang may pagtingin ang binata sakanya. Ngunit nakonsensya lamang ako dahil habang sinasabi ng lalaki iyon ay umiinom ako ng tubig at sa pagkabigla sa narinig mula sa binata'y naibuga ko sa mukha nito ang nainom kong tubig. Paano'y tropa, kaibigan at kaaway sa araw araw lang talaga ang tingin niya sa lalaki, bukod sa pagiging komedyante at malakas ang trip nito'y may itsura din ang binata wag lamang yuyukot ang mukha dahil nagiging kamukha nito si Mr.Bean. Nasa harap naman ng silya ko si Mica na isa rin sa mga kaibigan ko at sa tabi ko'y si Gemma na pinaka una kong naging kaibigan sa university na iyon. Madami na rin siyang mga naging kaibigan sa universitiy na to kahit na bago pa lamang siya lalo na't hindi naman kase siya mahirap maging close, attitude nga lang. Halos naging nickname na niya ang salitang 'attitude' lalo na't tawag na ito sakanya ng mga kaibigan niya. Wala na rin siyang magawa para bawiin ang tawag sakanya dahil lalo lang siyang aasarin ng mga 'to. Maya-maya'y tumunog na ang bell sanhi na tapos na ang klase ni Padre Damaso kaya't walang atubili itong lumabas na ng room na kahit paalam ay walang sinabi. "Pinanganak na siguro si Mr.Baltazar na masama ang loob." lingon ni mica habang ngumunguya ng mansanas "Mas lalong sasama ang loob ko pag di moko binigyan." nakangising sabat naman ni Donald na inilahad pa ang kamay "Sabi ko'y si Mr.Baltazar, hindi Mr.Bean!." pang-aasar ni Mica kay Donald at inirapan ito "Gusto mo bang letchonin kita, tamang tama may Apple sa bibig mo." balik ni Donald kay Mica at binelatan si Mica "Oh talaga ba Donald? Pakyu." galit na ani Mica at inirapan si Donald "Alam niyo walang araw na di kayo nagrarambulan ni Donald e no?." saway o sa dalawa at inirapan ang mga ito "Bakit bebeloves, sweetie pie, honeycakes ko? Nagseselos kaba?." kalagkitan na ani ni Donald na tumayo at hinawakan ang kamay niya Sanay na siyang ganun nito, minsan nga'y pag wala siya sa mood ay nasasabunatan niya ito at nababayagan. "Pag hindi mo binitawan ang kamay ko'y puputulin ko yang itlog mo."pagbabanta ko at nilakihan ang matang tinignan niya ang ibabang parte ng nito, mabilis naman nitong binitawan ang kamay niya at hinawakan ang sariling ari "Dalawa itlog niya Namy, alin ba dun?." hagikgik na tanong ng katabi kong si Gemma Bago pa ko makapagsalita'y dumating na ang pangalawang prof. kaya't nagbalikan na sa sariling mga silya ang lahat. P.E. subject nila ngayon at oo meron pa din nito sa college.... Buhay na buhay nanaman yung mga dancer kong kaklase... Haysss.... - - - Lumipas ang oras ay muling tumunog ang bell kaya't napailing ang prof. na binalingan kami "Next week ay sasayaw na tayo ng tiklos guys, so ihanda niyo ang sarili at mas mabuti kung nagprapractice na kayo sa bahay para hindi kayo nahihirapan sa steps." habol pa ng PE subject namin na si Mrs. siballo "Now you may take a break." paalam nito at tuluyan nang nilisan ang kwarto Nagsiunatan ang mga kapwa niya kaklase sa paglabas ng prof. at maski siya'y ganun din Sobrang nakakapagod ang mga gawain, ganito pala ang college life. Parang ang sarap nalang maging isda, palangoy langoy lang..... "Kala ko pa naman sa college wala ng PE, tangina..... nabudol ako do'n ng sarili ko ah, may sayaw sayaw padin pala." Walang kagana-ganang ani ni Mica "Ginawa pang midterm ni ma'am, grabeee ang galing!." sabi pa ni Gemma na napapailing "Ganun talaga di na kayo iiwan ng PE, ayaw nyo daw kase sakanya." si Donald "Tignan mo di ko na iiwan si Namy kase ayaw niya sakin." pabibiro pa ni Donald at kinindatan siya, napailing na lamang siya dito Hindi ko maiwasang maisip na hindi normal tong ulugok na to e.... "Parang mas sinabi mo namang magiging impyerno ang buhay ni Namy niyan, Donald." Mica na nakangiwi "Tama kana Donald, baka ako pa ang gumupit diyan sa itlog mo." si Gemma na umiiling "Sana pinatay nyo nalang ako ano?." ani Donald at tumayo "Tara na bumaba na tayo sa cafeteria, nagugutom na ko mga tuleg." patuloy pa ni Donald na uminat-inat pa kaya't nagsisunuran na sila Maya-maya'y pumasok na sila sa Cafeteria, sobrang daming estudyante dito dahil halo-halo ang mga kolehiyong estudyante na nando'n pero ganun din naman kalaki ang mga cafeteria ng University, kaya hindi naman nagkakasiksikan. "Kuha na kayo ng table, ako na lang ang kukuha ng pagkain nyo." Donald said "Wow gentledog." sabi ko na tinapik ang likod nito kaya't ganun nalang ang masamang tingin na ipinukol nito sakin "Ito na nga oh." bawi ko pa at natatawang hinablot ang dalawa Ngunit luminga linga pa sa paligid ang dalawang babae at alam niyang may hinahagilap ang mga ito... Daming kalandian ng dalawang to jusko..... "Mamaya nyo na hanapin ang Knight! hindi tatakbo ang mga 'yon." pinagkukultusan ni Donald ang dalawang kaibigan sa ulo dahil hindi pa naalis sa mga pwesto ang mga 'to Napasinghap naman ang dalawa at binalingan si Donald "Pakagago mo talaga!." singhal ni mica habang masamang tingin ang pinupukol kay Donald "Kamo wag akong bibigyan ng gulay kahit hotdog nalang." si Gemma naman na hinaltak na ako at si Mica na umuusok padin ang bunbunan sa inis kay Donald "At wag kang tatahol diyan!." Pahabol na sigaw ni Gemma at humagikgik Alam kong masama na ang tingin ni Donald kaya't di ko na iyon nilingon. Sobrang ingay sa loob ng cafeteria na 'yon lalo na't iba-ibang bunganga ang nagsasalita. Naghanap na lamang kami ng bakanteng upuan lalo na't madami na ang estudyante "Dun nalang tayo!." turo ni Mica sa isang bakanteng table kaya tumango nalang din ako, kahit nahagip na ng paningin ko ang mga lalaking nakaupo sa katabing table na tinuro ng mga haliparot niyang mga kaibigan. Ang mga lalaki sa tabi ng table nila ay ang KGG o mas kilala bilang Knight Golden Gang na kinagigiliwan ng mga ito sa University. At hindi lang ng mga kaibigan dahil halos buong University ay sikat na sikat ang mga 'to, mapa-highschool students ay ikinagigiliwan ang grupong iyon. Grupo iyon ng mga sindikato! ay este! ng limang lalaki na galing sa 2nd year college of engineering. Halos lahat ng babae'y baliw na baliw sa mga 'to, ang gwagwapo naman talaga ngunit ang titinik, mga certified playboy ang mga hinayupak! And I hate playboys! Minsa'y ginabi siya sa library ng University na iyon, papalabas na siya sa main door ng Library nang makarinig siya ng ungol Natakot pa siya dahil pasado ala-sais na at ang alam niya'y siya nalang ang nasa loob ng library pero sadyang malakas ang loob niya na hinagilap kung saan nanggagaling ang ungol na 'yon. At ganun nalang ang gulat niya nang makita ang isa sa mga miyembro ng Knight na si Hades na nandoon at nakikipaghalikan sa isang estudyante! Palibhasa'y mga anak mayaman kaya nagagawa ang gustong gawin. Di man lang ba naisip ng babaerong iyon kung nagtotoothbrush ba ang mga nakakahalikang babae?! Yaaaakk! Kasalukuyan na silang nakaupo nang masulyapan niya ang dalawa na inaayos pa ang mga sarili at kinikilig-kilig pa habang nakatingin sa gawi ng Knight. Ano kayang feeling niyan?! Napapangiwi siya sa mga nakikita sa dalawang babaeng kaibigan, agad na napagawi ang tingin niya sa mga lalaking kinagigiliwan ng mga 'to, at sa isang iglap ay nabura ang pagkangiwi niya nang magtama ang tingin nila ni Hades.... Hindi niya maintindihan kung bakit napapaso siya sa tingin ng lalaki, di niya malaman kung pangaakit ang nagmumula sa mga mata ng binatilyong ito. At kung hindi niya kilala ito bilang isang mapaglarong lalaki'y baka nagpatangay na siya dahil totoo namang gwapo ang binata. Ganito siguro ito sakanya dahil sa nangyare nakaraan lang sa pagitan nila ng binata... //////// "Ang mababa sa exam ang gagawa ng consequence ha!." si Mica na malakas ang loob habang hawak ang test paper nito Kasalukuyan silang nasa second floor ng University at uwian na ng mga estudyante Maagang nag-uwian dahil nag release lamang ng mga test paper na nacheckan na ng mga professor. At ito nag pustahan sila ng mga magkakaibigan na kung sino ang pinakamababa sa test ay siya ang gagawa ng consequence... Myghad! Mahina pa naman ako sa Philippines history subject na 'to! "Hoy ayusin nyo ha, dapat gagawin nyo!." si Gemma na isa niya ring kaibigan Muli niyang sinulyapan ang test paper na nacheckan na ng prof. nila 50/100! Tangina talaga namang 50/50 din ako sa larong ito! Ba't sa History pa kase natapat ang scoring namin e! "Sabay-sabay ang lapag ha." si Donald habang natatawang nakatingin sakanya dahil alam nitong mahina siya sa subject na 'yon Hulog ko kaya tong lalaking 'to mula dito sa taas! "Okey! 1!." "2!." "3!." "Lapag!." Sabay sabay nilang inilapag sa mesang nasa harap nila ang mga sariling test paper 75/100 si Mica, 80/100 naman si Gemma habang 55/100 naman si Donald! Siya ang pinakamababa! Shit. Umalingawngaw ang tawa ni Donald sa pasilyong iyon. "Manahimik ka nga Donald parang napakataas naman ng tinaas na score mo sakin!." asik ko sa lalaki "Pano ba yan prenny! Ikaw ang gagawa ng consequence!." si Gemma na humagikgik pa Napabuntong-hininga na lamang siya at napadasal na sana ay madali lang ang ipagawa ng mga kaibigan niyang ito. Huling consequence kase sakanya'y ilibre daw niya ang mga ito sa isang Fast Food... Wag naman sana! Namumulubi ako ngayon! "Well, may naisip na kami." sabi pa ni Mica at tuwang tuwang nilinga ang ibaba "Bumaba ka dun sa gate!." sabi ni Gemma na tinuro pa ang natatanaw na gate mula sa bintana "Kung sinong unang lalaking makita mo ay halikan mo sa pisngi!." si Mica naman na tuwang-tuwa habang sinasalaysay ang gagawin Lumaki ang mata niya sa sinabi ng kaibigan "Tangina, legit?!."sigaw ko "Bawal magreklamo!." paalala pa ni Gemma "Sana lang ay hindi yung binatilyong matandang security guard ang makita mo!." nakangising sabi ni Donald Oo nga pala si Mang paco! "Breaktime niya ngayon, wag lang siyang babalik ng maaga." sabi pa ni Mica na tinulak na siya "Sinusumpa ko kayo!." sabi niya habang padabog na umalis Nang makababa ay nagsimula na siyang puntahan ang gate at nagpalinga-linga Natanaw niya pa sa second floor ang tatlong kaibigan niya na agad niya namang inirapan, narinig niya pa ang mga hagikgikan ng mga talipandas! Mga sira-ulo talaga! Nag-antay pa siya dahil wala na talagang estudyante sa university na iyon, sana lang ay hindi pa bumalik si Mang Paco! Nakarinig na siya ng yapak mula sa likod niya na ang alam niyang direksyon ay papunta sa Basketball Court Mukhang may naiwan pa sa Court! Sino kayang basketball player 'to!? Unti-unti niyang nilingon ang nasa likod at ganun nalang ang gulat niya kung sino ang nabungaran. "H-Hades." She stammered Sa lahat-lahat nang makikita rito'y ba't ito pa?! Napahinto naman ito sa paglalakad nang makita siya dahil mukhang palabas na ito ng University. Halos nakatingala na siya sa binata dahil sobrang tangkad nito. Isa ito sa mga babaero sa University na 'yon, ayaw niya rin ang mga tinginan nito sakanya... Hindi niya talaga tipo ang binata dahil sa pagiging matinik nito kahit ubod ng gwapo ito.... Sinulyapan niya ang mga kaibigan na halos magkikisay na sa pangalawang palapag, habang ang isa nama'y si Donald na nangingisay rin? Sa inis? Ha? Mukhang inggit na inggit sakanya ang mga kaibigan dahil crush ng dalawang kaibigang babae ang lalaking ito. Ipinilig ko nalang ang ulo at muling tinignan ang lalaki na matamang nakatingin din sakanya Bumuka ang bibig niya ngunit walang lumabas ni isang salita. "A-ah."utal utal niya ngunit kumunot lamang ang noo ng binata "P-pwede bang m-manghingi ng Favor?."napapakamot na sabi ko at muling tumingin sa lalaki "What is it sweetheart?." malamig a tugon nito sakanya, patuloy ang bakas nang pagtataka sa mga mata ng kaharap Mas lalo lamang bumugso ang kaba sa dibdib sa ginawang pagtawag nito sakanya Nakabagsak ang iilang buhok na basang basa ng pawis sa bandang itaas ng mata ng binata. Sobrang gwapo talaga ng binata lalo na sa malapitan, kaya di na siya magtataka kung bakit baliw na baliw ang mga babae dito. "Kase may c-consequence sa'kin." lakas loob kong paliwanag sa binata "Uh-huh?." "At iyon ay....... halikan sa pisngi ang una kong makikitang lalaki dito."sabi ko na naiilang na tinitigan ang lalaki Nawala ang kunot ng noo nito at hindi niya malaman kung bakit parang nag-liwanag ang mukha nito kasabay no'n ang pag-kislap ng mga mata nito o baka guni guni lamang niya iyon. "I-ikaw kase e, ba't ba ngayon ka lang umuwi, edi sana'y hindi ikaw ang nakita ko."nakangusong sabi ko pa dahil nakatitig lamang ang lalaki sakanya "Okey lang naman kung tatanggi ka, pwede kong sabihin iyon sa mga kaibig- "Why would I? I don't want to missed a chance." mabilis na sagot nito at unti unting humakbang pa muli papalapit sakanya, pigil ang hininga niya sa ginawang iyon ng binata. Magkahinang ang mga mata nila ng makalapit ito sakanya sabay ang pagbaba nito ng mukha upang magpantay sila "You may kiss me now, baby." hikayat ito sakanya na halos maramdaman niya ang hininga ng binata na tumatama ngayon sa mukha niya. Amoy na amoy niya rin ang pabango ng lalaki na kahit pawis na pawis ay sobrang bango. Ramdam ko na rin ang namumuong pawis sa noo ko na ikinailang kong lalo. Pikit ang mga matang mabilis niyang idinampi ang mumunting halik sa pisngi ng binata ngunit iminulat niyang agad ang mata. Nagulat pa siya dahil nakatitig ito sa mukha niya, muling naghinang ang mata nila sabay baba ng tingin nito sa labi niya. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang pananabik habang nakatitig sa labi niya ngunit di niya iyon inintindi dahil rinig na rinig ko ang sariling t***k ng puso, sobrang bilis niyon at naiisip niyang naririnig din ito ng binata. Agad siyang napakurap at napaiwas ng tingin saka lamang tumuwid ng tayo si Hades "S-salamat." nauutal na sabi niya at mabilis na tinakbo ang gusali upang muling magtungo sa mga kaibigan... What was that?! Gano'n ba talaga ang pakiramdam pag may i-kikiss?! Kahit sa pisngi lang?! Sobrang ignorante ko talaga sa ganito! ////// Simula noong nangyare ang consequence ay mas lalo siyang natetense pagnakikita ito, para bang nabilis ang t***k ng puso niya pag-nakikita niya ang lalaki. Kasalanan 'to ng mga kaibigan niya! Halos kantiyawan siya ng dalawang kaibigan pagtapos ng halik sa pisngi na iyon, napakaswerte ko daw, sana daw ay mas binabaan ng dalawa ang score. Hindi niya nga mabasa ang iniisip ng binata no'ng hinalikan niya ito sa pisngi, lalo na't napatakbo nalang siya sa hiya! Oo nga't gwapo ang lalaki na mula sa makapal nitong mga kilay, matangos na ilong, malagong pilik mata, maputing balat nito, pati narin ang mapupungay nitong mga mata na pag-tumitig sayo'y matutunaw ka at ang kulay rosas nitong labi. He's a perfect man but she knows when it comes to a women, it's a no for her. I hate playboys talaga! Nagtataka na rin siya palagi kung bakit nahuhuli niya ang panaka-nakang tingin ng binata sakanya ngunit binabalewala na lamang niya iyon. Hindi ba siya nagsasawa sa paiba-ibang babaeng nahahalikan?! Ibinaba na niya ang tingin dahil mas lalo lang siyang naiilang, ramdam niya ang pawis na namumuo sa noo niya na agad naman niyang pinunasan. Nakita naman niya ang pagdating ni Donald at ang isa pa nitong tropa na si Paopao na isang Entrepreneur student, first year lang din 'to tulad nila. Pag-upo nito sa harap niya'y parang nakita niya si Balmond sa personal... Ay sorry po lord.... Ayaw niya naman talagang maging mapanlait, kaso kusang nalabas sa bibig niya... Ay gago mali.... Ayaw niya naman talagang maging mapanlait, ang kaso lang ay ayaw niya sa ugali nito ni paopao, sakanya lang 'to mabait. Naiinis siya sa pagkukutos-kutos nito minsan at pagiging hambog sa kaibigan niyang si Donald.... Agad itong ngumiti sakanya habang tagaktak ang pawis nito. Parang wala pang planong punasan nito iyon at naiirita siya sa ayos nito, hindi niya malaman kung nahihiya ito sakanya o natatakot. Namo balmond, di naman ako pangit ah! Agad kong kinuha ang face towel na naka-sampay sa balikat nito at agad na pinunas iyon sa mukha ng lalaki. Para namang nanigas ito sa ginawa niya at nawala ang ngiti, unti-unti ang pamumula ng mukha nito. "Parang ayaw mo kaseng punasan ang pawis mo Bal- Di ko naituloy ang sasabihin dahil muntik na siyang madulas "Ahmmm I mean paopao! Dapat kase fresh lang palagi!".nakangiting sabi ko at kinindatan pa 'to Fresh from manila zoo! Ngunit sa halip na mag- pasalamat ito'y, unti-unting namula ang mukha nito... Pangarap ba nitong maging kamatis?! Umalingawngaw ang kutsarang nahulog na nagmula sa table ng Knight kaya't agad na napalingon sila sa gawi ng mga ito. Hindi niya naririnig ang mga sinasabi nito ngunit mukhang pinagtatawanan ng mga 'to si Hades na ang hula niya'y si Hades ang nakahulog ng kutsang iyon, nakita niyang umiiling ito habang tumatawa. "Namy okey na ba yang kinuha ko sayo?." tanong ni Donald kaya mabilis kong inilipat ang tingin dito at tumango sabay lipat sa sariling pagkain "Shet! sobrang gwapo!." mahinang anas ni Mica habang nakagawing tingin sa Knight sa kabilang mesa "Aysus gwapo gwapo amp! Mga babaero naman." sabat naman ng basher na si Donald "E sila may imumukha sila sa mga chics nila, si Donald wala!."Isnab naman ni Mica "Pangarap ko talagang maging pawis ni Kaiden!." tukoy ni Gemma sa lalaking nakajersey shirt na isa sa mga Knight "Basketball player, delikado." si Donald na umiiling habang nakatingin kay Kaiden "Grabe ka naman sa Kaiden ko! palibhasa kapos yung three point shot mo palagi e!." angil ni Genma na napapalakas na ang boses "Hoy babae! Hinaan mo naman, naririnig ka!."mahinang asik ko kay Gemma kaya natuptop nito ang sariling bibig "Basta ako pangarap kong maging kutsara ni Hades at Theodore!." si Mica rin na nangangarap "Ay jusko po! Ayan pa talaga ang napili." kuda ulit ni Donald Patuloy lang ako sa pagkain ko habang nagbabangayan ang mga talipandas sa harap ko, nanlaki ang mata ko nang mahagip ng paningin ko ang salami na nasa sariling plato Waaah! salami! Paborito niya 'yon at lagi niyang inaantay na iserve 'yon sa cafeteria nila, ang kaso'y minsan lang I-serve 'yon.... "May salami pala?." masayang tanong ko na tinignan ang plato ng mga katabi kaya't natahimik sa pagbabangayan ng tatlo sabay tingin sa gawi niya. "A-ah Namy, actually inagaw ko lang 'yan sa nauna sa'kin sa pila, alam ko kaseng paborito mo 'yan kaya ikaw lang ang meron." si Donald na napakamot sa ulo "So sweet pala Mr. Bean!." hiyaw ni Mica at hinampas ito sa likod Magsasalita pa sana siya nang biglang may kung sinong naglapag ng plato na may laman na salami, sa mismong mesa nila at sa tabi ng plato niya iyon inilapag Sa gulat ay tiningala agad niya ng tingin ito at mas lalo pa siyang nagulat nang mapagtanto kung sino ang taong naglapag no'n "Mr. Bernadotte." banggit niya sa apelyido ng binatang nakatayo Kahit ang sariling mga kaibigan ay nagulat sa nakita dahil miyembro ito ng Knight. Nagtataka namang tinignan niya ito. Hindi niya close ang lalaki, kaya bakit siya bibigyan ng salami nito? "May nagpapabigay." sabi nito habang maluwag ang ngiti sa sarili nitong labi sabay pisil sa pisngi niya, isang pagngiwi ang naging reaksyon niya sa ginawa nito. That smile is his best asset! Nagtatakang napatango nalang siya kaya't tuluyan nang bumalik ang lalaki sa kabilang table. "Mygosh! Namy!." si Mica na nagkikisay sa kilig "Eh sino namang nagpapabigay niyan?." nagtatakang tanong ni Gemma sakanya, ngunit isang kibit balikat lamang ang sagot niya Tinignan niya isa isa ang mga plato sa kabilang table at ang lahat ay may kanya-kanyang sariling plato, bukod tangi lamang kay Hades na nakatuon na ang pansin sa mga kasama at sa mga babaeng katabi nito... Tanging kutsara't tinidor na lamang ang nasa ibabaw ng mesa nito. Ipinilig niya ang ulo sa tinatakbo ng isip niya, napapailing nalang siyang ibinalik ang tingin sa ibinigay na salami Well....... Thank you nalang kung sino ka man.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD