Di niya na alam kung anong higa ang gagawin niya, kanina pa siya nakahiga pero hindi siya makatulog kaya't nilaklak na niya ang gatas na nasa karton pero hindi pa din siya makatulog.
Hindi na nawala sa isip niya ang ginawang paghalik nito sa likod ng palad niya.
Parang mababaliw na rin siya dahil patuloy ang pagpapakita ng anyo ng lalaki sa isip niya.
Para siyang tangang nagpapadyak nang nakahiga at umiiyak-iyak pero wala namang luha....
Kanina pa nasa isip niya ang sinabi ng binata, di na nawala sa isip niya maging ang halik nito.
Natatakot siyang magkagusto sa lalaki, ito pa naman ang pinaka-hate niyang lalaki sa University na 'yon dahil nga sa pagiging matinik nito sa babae!
Kanina'y nagtaka ang mga kaibigan kung bakit antagal niya daw nakabalik, kaya't nagdahilan nalang siya na madaming nakapila kahit sila lang talaga ni Hades ang nandun kanina
Ayaw nyang ipaalam sa mga ito ang nangyare dahil aasarin lang siya ng mga kaibigan.
Pinagiisipan niya kung susulputin niya ang lalaki sa sinabing oras at araw, ayaw niyang tuluyang mahulog sa binata...
Ha? Nahuhulog na ba siya?
Mabilis niya ginulo-gulo na parang baliw ang buhok niya, nababaliw na siya sa isiping nahuhulog ang loob niya kay Hades!
-
-
-
"Namy?".
"Hoy Namy, Anak!". napakurap siya sa pagtawag sakanya ng ina habang nasa harap sila ng hapag-kainan
Kasalukuyan siyang nag aalmusal kasama ang ina, dalawa lamang sila nito at ganito na talaga ang set up nila palagi
"Aba'y bat ganyan ang ibabang mata mo Namy? Parang di ka natulog." sabi pa nito at tinuro pa ang mata nya
Hindi talaga Mom!
Gusto nyang sabihin sa mommy nya ang sinisigaw ng utak pero hindi pwede
"Ahh oo mommy, gumawa kase ako ng thesis pero nakatulog naman po ako ng.....l-limang oras". sabi ko pa na pilit ngumiti
Marahan kong hinawakan ang mata ko dahil sa nasabi ng mommy nya na maitim nga daw ang ibabang mata nya
Parang bigla siyang nainis sa isiping nagkaron siya ng gano'n dahil sa kakaisip sa binata buong gabi...
"Okey, mamayang hapon ay bawiin mo nalang ang tulog mo, mag lagay ka ng Eyebags patches mamayang gabi para bumalik iyan". sabi pa ng ina at tinuloy na ang pagsubo sa pagkain
Tumango nalang siya at kumain na, di padin siya makaget-over sa nangyare, balak nyang hindi siputin ito para makaganti lamang sa ginawa nito sakanya
"Laglagan ka sana ng mangga kakaantay sakin!". wala sa sariling usal niya na agad tinutop ang bibig dahil sa pagkabila
Matamang nakatingin sakanya ang sariling ina habang nakakunot ang noo
Actually mom may imaginary friends ako maniniwala kaba?
Parang gusto niyang batukan ang sarili sa inisiping alam niyang hindi uubra sa ina
"Ako ba'y pinaglololoko mo Persephone? Okey ka lang ba ha?". tawag nito sa pangalawang pangalan niya
"A-Ah mom-
Kinakabisado ko lang po yung tula namin, okey lang po ako ".nakangiting pagsisinungaling niya at ibinaba ang tingin
"Mabuti kung ganun".
Agad namang nawala ang ngiti niya at bumuntong hininga.
-
-
-
"Bro! Let's have some breakfast together, here at my house!". masayang sabi ko sa kausap mula sa phone habang dinidiligan ang mga halaman sa sariling hardin
"What?! Okey ka lang?!". asik naman ng kausap sa telepono
"Mygod Hades, it's just 6:30 o'clock in the morning?". sabi pa ng gulat na gulat na kausap
"So?". nakangiti lamang nyang usal at tiningala ang langit na nagsisimula nang lumiwayway
"The hell Hades! so what?". sabi pa ni Luke
"I'm in my mood, nasabihan ko na sila Blake and pupunta daw sila, as soon as possible ". mariin ko pang sabi at tumaas ang kilay habang nakangiti
"What?! Blinack mail mo nanaman ang mga 'yon ano?!". sabi pa ng kausap
"A simple Blackmail for you Mr. Bernadotte".
"I'm going to buy your Dream Ferrari in Italy na nagiisa-
"Woah! Okey okey ! I'm in!."mabilis na tugon nito at narinig nya pa ang langitngit ng kama
"Good! Bye for now my friend."
Ayun lang at tuluyan na nyang binaba ang tawag
-
-
"S-sir pwede namang ako na ang gumawa nyan". nauutal na sabi ni Manang habang pinagmamasdan siyang magluto
"No it's okey, you should rest Manang,
I know you're sick". ayun lamang at patuloy ang pag-gisa para sa Italian Pasta na gagawin niya.
Alam niyang may sakit ang matandang katulong nyang iyon kaya't siya na lang ang nagluto para sa mga kaibigan.
Maaga talaga siyang nagising dahil maaga din siyang nakatulog sa tuwa...
Parang guminhawa ang pakiramdam nya sa sinabing iyon ni Namy.
At sa nalalapit sa huwebes ay may sasabihin siya dito, iyon na rin kase ang pagkakataon niya.
7:30 nang magsidatingan ang mga kaibigan, nakahanda na rin ang mga pagkain sa mesa ng Dining room ng bahay niya.
"Man! I'm not expecting this from you!". sabi pa ni Kaiden na hahawak-hawak pa sa sintido
"Why?... I just want to celebrate my mood bro". natatawang sabi ko na umupo na rin
"Celebrate ka diyan! Ganito kaba talaga magcelebrate? Breakfast?!".Natatawang sagot naman ni Theo na mukhang kakagising lang din at dumeretso ng banyo para maligo, basang basa pa kase ang buhok nito
"Akala ko pa naman tequila with girls ang mangyayareng celebration, but well I see I was wrong". si Luke na uminom ng tubig
"Shhh! I don't like those girls anymore, I'm gonna quit with that set up". sabi ko at pinagkrus ang braso
"What?!".napangangang sabi ni Theo at natatawang tumingala
"Eh hinahanap ka kaya ni Kyla, yung babaeng kahalikan mo nakaraan". si Kaiden, kaya napatingin siya dito at kumunot ang noo
"Why? I didn't even f**k that slut". mariin na sabi niya
"Really? Bakit naman?". kaiden gave me a frown
"I just don't want to."
"By the way, I think Namy really hit my head by thinking about her in a whole night".
"Grabe kana talaga". si Luke na patuloy sa pagiling at pumalakpak pa sa tuwa
Kibit-balikat lamang ang tugon ko at sinulyapan ang kaibigan na si Blake na natatawang nakatingin naman sakanya
"Well ang masasabi ko ay I like this, I like morning breakfast".sagot lamang nito at nagkibit rin ng balikat
"Yes! I know that you'll gonna love this kind of celebration, my friend ". tugon nya sa kabigan at tinuro pa ito habang galak na galak ang loob niya
Alam niyang napakaresponsable ni Blake sa buhay, strikto at kakaiba sa kanila although babaero din ay hindi gaano, hindi rin katulad nila na tumatagal sa bar at nagigising ng tanghali.
"So let's eat, I prepared Italian pasta, I learned how to cook this dish in Italy". sabi ko habang nakangiti
"Huh? So you cooked this?". Di makapaniwalang tugon ni Luke
"Ya and this Lasagna too".nakangiti niya pang saad
"Mygod Hades, anong pinakain sayo ng babaeng iyon?". si Theo na iiling iiling
Narinig naman niya ang pagtawa ni Blake habang tuloy tuloy ang usapan nila
"So that's what love is? Sa nakikita ko'y d ko talaga gugustuhin ang love na 'yan". si Kaiden na nakangiwi
"Just eat guys, don't mind me". He chuckled
-
-
"Mica, ano kaba naman?! Natutulog yung tao, iniistorbo mo!". asik ko sa kausap sa linya ng tawag
"Aba't 5:30 pm na Persephone! Gumising gising kana diyan!". si Mica
"Ha?!". napabalikwas naman siya ng tayo sa sinabing iyon ng kaibigan
Hindi siya pwedeng gabihin ng tulog baka mamaya'y anong oras nanaman siya makatulog nito at ang ending wala nanaman siyang tulog!
"Oh ano? gulat ka no?!."sigaw pa ni Mica mula sa phone
Napakamot na lamang siya at humikab
"Persephone may ibabalita kase ako sayo." paguumpisa nito
"Ano nanaman yan ha?." ako habang nangangamot ng ulo at tumayo na
"Birthday ng president natin na si Rica!."tukoy nito sa class president ng room nila
Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ng kausap
"So?".
"So she invite us Namy in her Masquerade party!." tili ng hinayupak na to sa phone
Agad naman niyang inilayo sa tenga ang cellphone dahil sa nakakabinging tili ng kaibigan
"Ano naman ngayon Mica?! Lesbian kana ba? Bisexual? At kilig na kilig ka sa pag invite sayo ng plastikadang mukhang tuko na yun?." iritang sabi niya
"Noooo! But nag papasalamat ako sakanya ngayon kahit sa kaplastikan niyang pag invite satin pagtapos ng pagsasagutan namin sa room!." sabi pa ng kausap
"Then why? Because? kase?...... ano?bilis!." tuloy-tuloy ako sa banyo ng kwarto ko at ibinaba ang ulo sa lababo upang maghilamos
"Kase inimbita niya rin ang mga Knight!".tili ng kausap na agad nagpaangat ng mukha niya mula sa lababo at nakita ang repleksyon sa salamin
The hell!
"So pupunta tayo!". si Mica na tuwang tuwa
"No!". ako na gulat na gulat
"Why!?".ganting sigaw din nito
Kase natatakot ako sakanya!
Ay hinde! Sa sarili ko!
"Hoy babae! bakit hindi?!." si Mica
"K-Kase".
"Ano kaba?! yung mga Knight yun oh! Gusto ko sila makita Namy! Pleasee!". sabi pa ng kausap
"Eh pwede namang ikaw nalang". ako na nagsimulang maglakad lakad sa loob ng banyo
"Di pwede, di ko kayang pumunta nang wala kayong dalawa no!."
"Sige na! please!". sabi pa ng kaibigan
"Si Gemma no!". rekomenda ko pa sa isang kaibigan nila
"Nahihiya siya, gusto niya marami tayo, tayong apat daw nila Donald!".
"Pagiisipan ko!". ayun lang at binabaan ko na ito ng tawag.
Napabuntong hininga naman siyang tumingin muli sa repleksyon.
Siguro nga'y kailangan nyang harapin si Hades nang maipakita niya dito na wala lang ito sakanya at hindi siya naaapektuhan sa binata.
Baka kase kung patuloy lang siyang iiwas ay mas lalo siyang mahulog sa lalaki at mailang pa lalo dito.
Okey I'll go.