Chapter 3

1677 Words
I was enjoying swimming in my dream land when I heard a continuous loud knock. Naiinis na tinakpan ko ng unan ang aking tenga. Inaantok pa ako at wala pa akong balak na bumangon. "Ate Kat, wake up!" Kelsey shouted from the outside. "Get out!" "Wake up!" I let her keep knocking. I am still sleepy, late na akong natulog kagabi. Pagdating namin ni Kelvin, humarap pa ako sa computer ko para magsulat. Wala pa akong energy na bumangon dahil kulang pa ako sa tulog. "Mom, ate don't want to get up!" Asar na ipinadyak ko ang mga paa ko. Hindi ba niya magets na ayaw ko pang bumangon. Bakit sa harap pa ng pintuan ko siya sumisigaw. Istorbo siya. "Babangon ka o susunugin ko iyang kwarto mo?" It's mom. Kalmado lang ang boses nito pero puno iyon ng pagbabanta. Naasar na bumangon ako. Wala na akong choice, hindi talaga nila ako tatantanan. Baka umatake pa ang armalite na bunganga nito, mahirap na. "Alas-nueve na. Tirik na ang araw, nakahiga ka pa rin. Maligo ka at pumuntang palengke," bungad agad nito ng pagbukasan ko ng pinto. "Why me?" I rubbed my eyes. Ayan naman si Kelsey bakit ako pa ang uutusan niya? "At sino ang gusto mong utusan ko?" nakapameywang na tanong nito. "Ma, puyat ako. Four na ako nakatulog kanina. Si Kelsey na lang ang utusan mo. Inaantok pa ako, eh," pagrereklamo ko. Hinilot ko nag sintido ko, medyo kumikirot pa ito. Nakainom ako tapos napuyat pa ako ng husto. Tapos medyo nag-isip rin ako dahil sa nangyari sa bar kagabi. "Bye, Ma! Alis na ako!" dinig kong sigaw ni Kelsey. "Rinig mo naman 'di ba? Mag-ayos kana. Bilisan mo at lulutuin ko pa iyon. Para naman ma-exercise ka rin," saad nito at tumalikod na. Inaantok pa talaga ako. Kaya nagtatalon muna ako para magising ang diwa ko bago pumasok ng banyo. I need to freshen up para mawala ang antok at sakit ng ulo ko. "Iyan ang listahan ng mga bibilhin mo." Iniabot sa akin ni mama ang isang papel kung saan nakalusat ang lahat ng bibilhin ko. Bago inabot sa akin ang pera, one thousand pesos. Tumango lang ako at walang imik na tumalikod na. "One kilo shrimp, bell pepper, scallion, and sili," basa ko sa mga nakalista habang naglalakad palabas ng bahay. "Ito lang ang bibilhin, inilista n'ya pa talaga." Sumakay ako sa bisikleta ko. Papuntang palengke, malapit lang naman ang ito kaya hindi ako mahihirapan. Mabilis ko namang nabili ang inuutos ni Mama. I put it on the front basket of my bicycle. I am humming while pedalling. Pauwi na ako nang biglang may batang humarang sa daraanan ko. Muntik ko na itong mabangga kung hindi ko tahawakan ang preno. Bigla na lang kasi itong sumulpot kung saan. "What are you doing?" kunot ang noong tanong ko. Nakadipa ito sa harapan ko na para bang pinipigilan akong makalampas. Mukha itong anak mayaman base sa suot nitong damit. Nakadress na may lace ang laylayan at maging ang medyas nito ay may lace din. Nagmumukha tuloy iting manikang dinamitan. Anak yata ito ng foreigner dahil parang gatas ang balat nito at tangos ng ilong nito. She's beautiful like a doll. "I need your help. Help me," saad nito pero hindi iyon pakiusap, mas tamang sabihin na nagde-demand itong tulungan ko. "Busy ako tumabi kana d'yan," sagot ko. Nasa may park kami sa loob ng subdivision namin. May park kasi sa loob ng subdivision kung saan naglalaro ang mga bata. May ilang batang naglalaro sa park, siguro kasama nito. Sumimangot ito. "You are not a good samaritan." "So?" "I said I need your help." Pinagpapadyak pa nito ang mga paa habang nakatingin sa akin. "Ano bang kailangan mo?" napipilitang tanong ko. Kailangan ko nang makauwi kundi ako naman ang bubungangaan ni mama kapag natagalan ako ng husto. Twenty-nine na ako pero kung ituring pa naman ako noon ay parang teenager lang, minsan nga pinipingot pa rin ako. "I was looking for my uncle. He lives here," she answered. Anak mayaman nga ito kanina pa nag-e-english, eh. "And who is your uncle?" "Jake Rivas, he is a famous actor," mayabang na sagot nito na ikinatawa ko. "Pinagloloko mo ba ako? Ikaw pamangkin ni Jake Rivas? At kung totoo man iyon paano naman nanggayari na dito siya nakatira sa subdivision namin?" Jake Rivas is really a famous actor. Kinababaliwan nga ito ng husto ni Kelsey pero paanong nakatira iyon sa subdivision namin? Napaka-impossible. Pinagloloko lang ako ng batang 'to. Dahil kung dito siya nakatira sana alam ko na dahil kay Kelsey. I was about to pedal again but she hold the basket in front of my bicyle. "He is my uncle and he lives here!" "Why just don't go back with your friends, play with them and let me go?" saad ko at tinuro ang mga batang naglalaro sa swing. Binigyan ko siya ng pekeng ngiti habang pinanlalakihan ng mga mata. "I don't know them." "Okay, I will let you off but let me borrow your phone first. I'll call my dad," saad nito at inilahad ang maliit na kamay. "I didn't bring my phone." "Bring me with you then." Nakapameywang na ito sa harapan ko. "At sino ka para utusan ako? Baka mamaya mapagkamalan pa akong kinidnap ka." But this little kid just rolled her eyes in front of me. Umalis siya sa harapan ko pero nagulat ako ng bigla itong sumampa sa likod ko at naupo. Yumakap ito ng mahigpit sa beywang ko. "Let's go." "Bumaba ka diyan. Ano bang ginagawa mo?" Pinipilit kong tanggalin ang maliliit niyang kamay sa beywang ko pero daig pa nito ang tuko sa pagkakakapit sa akin. "No. If you don't want to help me. I'll go with you." "H'wag makulit, baba na." "No." Lalong humigpit ang hawak nito sa akin. Naiiling na lang ako. Hindi ko alam pero wala na akong nagawa kundi ang magpedal ulit. Siguro nga nawawala ito, mahirap na rin kung iiwan ko dahil baka mas mapahamak pa ito. Sana lang talaga ako ang hindi mapahamak sa ginagawa ko ngayon. "This is crazy," bulong ko bago mabagal na nagpedal, mahirap na baka malaglag ang bubwit sa likod ko na parang tuko ang pagkakapit sa damit ko. "This is your house?" tanong nito nang makarating na kami sa bahay. "Oo, may problema?" She shrugged her shoulder. "I am just asking." "Bakit ang tagal mo? Maglulu–" bungad ni mama ng makapasok kami ng bahay pero bigla itong napatigil ng may makitang bata sa likuran ko. "Teka? Bakit may dala kang life size na manika? Saan mo ito nabili?" Lumapit siya sa batang kasama ko at pinakatitigan ito. "Ma, hindi iyan manika. Tiyanak iyan?" "Hey, I heard you. I am not t'yanak," angal nito at sinamaan ako ng tingin pero hindi ako papatalo sa kanya. "Wow, napakagandang bata." Lumapit si Mama dito. "Saan mo ito napulot?" "Sa basurahan," pangmimilosopo ko. "You really have a bad mouth, you witch!" Pero dinilaan ko lang ito. "Don't mind her, darling. Kulang kasi siya sa buwan kaya medyo may sayad sa utak," saad ni mama bago nito hinila ang bata papuntang kusina. "Do you want to eat?" What was that? Pumunta ako sa kwarto ko upang kunin ang cellphone ko. Kailangan nang makauwi ng batang iyon dahil baka hinahanap na ng pamilya niya. Kumakain siya ng cupcake nang maabutan ko habang abala naman si mama sa pagluluto. "Here! Call your parents," saad ko at inabot sa kanya ang selpon. Walang imik na kinuha naman nito at nagsimula nang magpipindot ng numero. "You don't have a load?" kunot-noong tanong nito. "Oh." Oo nga pala. Hindi ako naglo-load ng pantawag dahil may internet naman sa bahay. Messenger ang ginagamit kong way of communication. "You're poor." "Because she's jobless," singit ni mama. "Pasensya na kayo, ako lang ito. 'Yong mahirap na, wala pang trabaho. Palamunin lang ang role sa mundo," pagda-drama ko bago naupo sa dining table. "Do you want to have a job?" biglang tanong ng paslit na katabi ko habang ngumunguya ng cupcake. I raised my right eyebrow. "I can give you one." "Pinagloloko mo ba ako?" "I am not a liar, okay?" mataray na sagot nito. "Sige nga, anong trabaho ang ibibigay mo sa akin?" pagsakay ko sa trip niya. "Be my nanny." Tumawa ako sa sinabi niya. This kid really knows how to joke. "Alam mo kung baliw ako, mas baliw ka. Ilang taon kana ba, ha?" Kung makapagsabi na bibigyan ako ng trabaho akala mo matandang tao. Tapos ang gusto pala gagawin lang akong alipin niya. No way! "I am not crazy. I am already seven." "You are just seven, ano naman ipapasweldo mo sa akin? Saka wala akong balak mag-alaga ng maarteng gaya mo," diretsang saad ko. Hindi nga ako nagturo dahil ayaw ko sa bata tapos gusto niya ako maging nany ng gaya niyang maldita. "Katarina! Filter your words, bata iyang kausap mo," saway ni mama pero hindi ko ito pinansin. Bata nga itong kausap ko pero mas maldita pa sa akin. "My dad is rich. He owns a big company. He can pay you." "Really? You can't scam me, kiddo." "You are wasting an opportunity, witchy bitchy," ganti nito. She even gave me a name. Hinayaan ko siyang babatukan ko pero nakita ako ni mama at binigyan ako ng matalim na tingin. Kaya ibinaba ko ang kamay ko. "No, I am wasting time talking to you. Just finnish your cupcake and we will find a way for you to go home." "I like your attitude," she suddenly said. "Huh?" "You have a smart mouth, but you are not bad." Bigla kong iniwas ang tingin ko sa kanya sa sinabi niya. I can't help to smile. "I am not bad, I am worst." She rolled her eyes. "You are not worst, you are small." Hinayaan ko ito ng suntok nang biglang lumabas si mama mula sa kusina. "Katarina! Pati bata pinapatulan mo!" malakas na saway nito. Palihim na dumila sa akin ang tiyanak na nasa harapan ko kaya pinanlakihan ko ito ng mga mata. Napa-attitude na bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD