JUDE
Everyone is agitated when I got home. I crease my forehead.
I just got home from the airport. I was just about to change my clothes and go to the office, but when I got home, everyone was in a panic.
"What's happening?" They all look at me with a worried face.
"Sir... kasi po, hindi ko po alam... ahm..."
"What?" I am tired from my business trip. I want to rest but when I entered the house all of them are busy arguing about something.
"N-nawawala po si Antalia," one of the maids said. My head explode because of what I've heard.
"How? Are you all fvcking useless?!" I shouted.
"I-iniwan ko lang po siya sa... sa garden para kumuha ng meryenda niya. P-pagbalik ko po wala na siya. Hinanap na po namin pero hindi namin makita." She's in the verge of crying. Scared of the possible things that mught happen. She should be, because if there is something wrong happened to my daughter I will make her pay. All of them.
Antalia is just a kid and they are too many yet no one notice where did she go. What are they doing?
It's my daughter. I knew that she is a little bit a brat but she will not go somewhere unless she's with someone.
"If I didn't find here. Ready yourselves," I warned them before I leave the house again.
I should be resting now, but because my daughter is missing I am more stress.
I called someone before I started the engine. I am even more pissed off because it took so long before he could answer my call.
"Hello?"
"Locate, Antalia. She's missing." I commanded.
"Huh?"
"Now!"
"Oh, s**t! Okay, okay. Don't shout." I can hear a loud noise at the background then I heard him shouting from pain. Maybe he fell on the floor. Stupid.
"Bakit nawawala? Naglayas na ba ng maaga ang inaanak ko? Baka naman kasi sinusungitan mo rin ng todo," he asked but I ignored him. I can hear a clicking sound of keyboard.
I am still driving now on the way in his house. Gavin is a friend of mine. He's a douche but reliable. A computer engineer.
"Found her!"
"Where?"
" She's near to Jake's place."
I dropped the call and maneuver my car. Jake's place is outside Manila.
I called my brother. Luckily he immediately answered.
"Did you fetch, Antalia?" I directly asked. I have no time for nonsese greeting and chitchat. If she fetch her why he didn't inform anyone in yhe house.
"No, why?"
"She's missing and according to Gavin she's near your place."
"I was sleeping all day. I do—"
I din't let him finnish to talk. "Then get up and find her. I'll be there, I am already in the way," I said and dropped the call.
I drive faster. I need to find her as soon as possible. That brat is giving me a headache.
KATARINA
"Anong pangalan mo?" tanong ko sa batang prenteng nakadapa sa kama ko habang nanunood ng tv.
Dapat pagkakain namin ng tanghalian hahanapin na namin ang tito ng batang ito pero ayaw na niyang pumayag. Si mama naman gustong-gusto ito, nakalimutan na yatang hindi namin kilala ang batang ito at malamang nag-aalala na ang magulang nito sa kanya.
"Why would I give my name to you? You are still a stranger."
"Wow, naisip mo pa pala iyon. You know that I am stranger pero nagpumilit ka pa ring sumama sa akin. Tapos ngayon parang ayaw mo pang umuwi. Nakikain kana rin, paano pala kung may lason ang kinain mo kanina?"
Masyado itong focus sa disney movie na pinanunood nito.
"You are stranger but you don't look a criminal."
"Dapat ba akong mag-thank you sa sinabi mo?" sarcastic na tanong ko.
Hindi ako mahilig sa bata pero heto at may bubwit sa loob ng kwarto ko. Kahit sina mama at papa tuwang-tuwa sa kanya kanina.
Ang cute naman talaga nito. Parang manika iyon nga lang may kamalditahang taglay.
Yung tatay ko na strikto, nagawang paamuin ng batang ito. Siya na.
"It's already five," saad ko pero ang batang kalapit ko ay walang pakialam at patuloy pa ring nanunood ng tv.
"You need to go home. Let's go. Hahanapin natin ang bahay ng tito mo. Dapat kanina pa natin sila hinanap pero ikaw mas gusto mo yatang tumira dito sa bahay namin. Baka naman anak ka ng sindikato tapis mamayang gabi kapag tulog na kaming lahat saka lulusob ang mga nagpadala sayo para nakawan kami."
Matalim niya akong tiningnan, sinalubong ko naman ang tingin niya. Totoo naman ang sinasabi ko, sa panahon ngayon uso na ang mga sindikatong gumagamit ng mga bata.
"Are you a writer? You have wide imagination. "
Aba nadamay pa ang trabaho ko. Bakit writer lang ba ang malawak ang imahinasyon. Sino ba ang hindi mapa-praning kung may batang bigla na lang sumama sa akin dahil nawawala pero tila ayaw namang umuwi.
"So sinasabi mo na pamangkin ka talaga ni Jake Rivas? Kung ganoon bakit ayaw mo pang-umuwi? Baka naman talagang hindi mo siya tito at ginogoyo mo lang ako."
Kahit hindi ako sigurado kung sino ba talaga ang tito ng batang ito. Impossible namang si Jake Rivas dahil sikat na artista iyon. Baka fan ang nanay nito ni Jake kaya pinakilalang tito. Ganoon madalas eh, minsan nga tatay pa. Minsan may mga delusional fans talaga na mapag-angkin.
"I am not yet done watching the movie," reklamo nito.
"Ayaw mo bang umuwi? Paano kung hinahanap ka na ng mga magulang mo? Sigurado ako nag-aalala na sila sayo. Maghapon kana dito sa amin. Aba, masyado ka nang feel at home. Anong akala mo sa bahay namin? Bahay ampunan?"
Makadapa siya sa kama ko akala mo close kaming dalawa. Sa dami ng sinabi tila wala siyang pakialam. Ang sarap niyang ihagis sa bintana.
"My dad can find me. Can you see this?" Itinaas nito ang kamay. May bracelet itong suot.
"Malamang, hindi naman ako bulag."
"You are not blind but you are crazy."
"Napakatalas talaga ng dila mo." Nangigil na ako sa kanya.
"Same to you," anito at pinag-krus ang mga braso. "My dad can find me using this bracelet."
"My tracking device 'yan?" I asked and hold her hand para matingnan ng maayos ang bracelet na suot niya. Ang astig naman. Parang sa mga action movies lang, may patracking-tracking device.
"What do you think?" Nakataas ang kilay na tanong nito. "But my dad is still out of the country so I doubt if he is looking for me now."
Binitiwan ko ang kamay niya. "Tumayo kana diyan. Kailangan mo nang umuwi bago pa magdilim."
Kahit may suot pa itong tracking device hindi naman ako pwedeng magpa-easy-easy na lang. Kailangan na niyang makauwi bago pa siya hanapin baka isipin ng mga magulang nito, kinidnap ko talaga siya. Lalo na at wala pa pala sa bansa ang ama nito. Kaya
kailangan ako na mismo ang maghatid dito bago pa ito hanapin.
Bumaba naman ito sa kama at muling sinuot ang sapatos niya.
"Ate, Kailan ka nahilig sa manika? " It's Kelsey, nanalalki ang mata nito habang nakatingin sa batang nasa tagiliran ko. Kadarating lang nito at eksaktong paglabas namin sa kwarto ko ay papasok naman ito sa kwarto niya. Magkatapat lang ang kwarto namin dalawa.
"Anong pinagsasabi mo?" Mukhang pati siya pinagkamalang manika ang batang kasama ko.
"Wow, mukhang mamahalin." She pinched her cheeks. Tinabig naman ito ng bata.
"I am not a doll. I know I am pretty but I am not a doll. Don't pinch my cheeks, it hurts," maarteng saad nito. I rolled my eyes.
"Ate, alam kong pangarap mong magka-anak pero hindi mo kailangang kumidnap ng anak ng iba. Dapat naghanap ka na lang ng sperm donor mo. Ang pagnanakaw ng anak ng iba ay isang krimen."
Sinapak ko siya para matauhan. Kung ano-ano ang tumatakbo sa utak niya.
"Manahimik ka. Wala akong alam sa pinagsasabi mo." Hinawi ko siya at naglakad na papuntang sala. Kailangan ko na talaga maiuwi ang batang ito. Para manahimik na ulit ako.
"Oh, anak. Saan kayo pupunta?" tanong ni mama ng makita niya kaming palabas na ng bahay.
"Hahanapin namin ang tito niya. Dito lang daw nakatira sa subdivision natin," sagot ko.
"Darling, don't forget to visit me again, okay?" my mom said and caressed the little kid head.
"Will you give me cupcakes again?" Nagpapa-cute na tanong naman nito. Tingnan mo ang batang ito kapag ako ang kaharap may sungay pero ang bait-bait sa harap ni mama.
"Not just cupcakes, I will bake cookies for you too." Napa-ismid ako. Close na talaga sila, akala mo matagal ng magkakilala. Samantalang ako hindi niya pinapag-bake. Madalas kumukupit lang ako sa cookies na binebenta niya.
"Ma, alis na kami. Kailangan na talagang umuwi ng bubwit na 'to. Siguradong hinahanap na 'to ng mga magulang niya. Baka mamaya isipin pa nila kinidnap pa natin 'yan."
"Sige, sige, ingat kayo."
Sumakay kami sa bisikleta ko. Muli siyang naupo sa likod nito habang nakayakap sa akin ng mahigpit.
"Kumapit kang mabuti. Baka malaglag ka, sayang ang binti mo. Magagasgasan," saad ko bago nagsimulang mag-pedal.
Hindi ko alam kung saan magsisimulang maghanap pero kailangan makauwi na ang batang ito bago pa dumilim.
Hindi pa kami nakakalayo ng biglang may kotseng humarang sa dadaanan namin. Muntik na kaming mabangga buti na lang nagpreno ito, gayon din ako. Kung hindi humalik na sana ako sa kalsada.
Binaba ko ang batang angkas ko sa bisikleta bago ko sinugod ang kotse.
"Bumaba ka riyan! Hoy! Muntik mo na kaming mapatay! Bumaba ka!" Sigaw ko habang pinupokpok ang unahan ng kotse.
Napanganga ako ng bumukas ang pinto ng driver seat at tuluyang humaba ang sakay nito.
'Ang gwapo!'