Chapter 2

3013 Words
"What are we doing here?" tanong ni Gail ng ibaba kami ng taxi sa harap ng isang bar. "Ano bang ginagawa sa bar? Nagsu-swimming?" pambabara ko sa kanya. We are infront of Hideout Bar. We are here to have fun and get waste tonight. "But you know I swore that I will never drink again." I know that. The last time she got drunk we are almost send to jail because she broke someone's car in the parking lot. Kaya mula noon nangako siyang hinding-hindi na ulit iinom. "You need some alcohol to cure your broken heart." At hinila ko na ito papasok ng bar bago pa man makatanggi. "You want to cure my heart, but we will destroy our liver with those alcohols," sigaw pa nito habang hila-hila ko. Malakas ang tugtog kaya kailangan niyang sumigaw para makinig ko. "One night drinking won't kill you." Sa aming dalawa siya ang masyadong health concious. Healthy eating, early sleeping para matagal ilibing ang motto nito. Which does not apply to me. Healthy nga siya lagi namang wasak ang puso niya. Sa huli hindi siya mamatay sa sakit kundi sa sama ng loob. "Alam mong sinumpa ko na ang lugar na ito," saad niya ng makaupo na kami sa front bar. Puro siya reklamo pero nauna siyang maupo kesa sa akin. "Mas isusumpa mo pa ito sa makikita mo," saad ko at nginuso ang ex niya na may kayakap na babae sa may tagong bahagi ng bar. "Alak nga!" biglang sigaw nito sa bartender."'Yong pinakamatapang, ha." "Just give us a mojito," saad ko sa bartender, mabilis naman itong tumango. "I realized na kapag broken hearted ka nawawala ang pait ng alak," wika ni Gail matapos niyang diretsong inumin ang mojitong binigay sa kanya ng bartender. Balak pa yata nitong gawing tubig ang mga alak na nasa harapan namin. "Kasi mas mapait 'yung nararamdaman mo." Muli ko siyang binigyan ng alak. "Sino ba naman ang hindi magiging bitter. Look!" Turo nito sa ex na nakikipagharutan. Kulang na lang magpalit ito at ang babaeng kasama ng mukha sa sobrang lapit sa isa't isa. "Kabe-break lang namin kanina pero may kalampungan na agad siyang iba. Hindi man lang nakonsensya sa panloloko niya," nangigil na saad nito. Tumingin ako sa tinuro niya. Nandoon nga ang magaling na ex nito may kayakap na iba ang tukmol. Kahit sino naman talaga mangigigil kapag nakita ang ex na may kalampungan na agad na gayong ilang oras pa lang na naghiwalay. "That's why we are here. Hindi lang siya ang may karapatang magsaya. Uminom ka ng alak pero h'wag kang iiyak," paalaala ko. "Those type of guys. Hindi sila dapat iniiyakan. Hindi sila kawalan, tandaan mo 'yan." Umismid ito." Hindi talaga. Hindi naman siya gwapo, madaling kalimutan at palitan." I gave her high five because of what she said. "That's the spirit! Another mojito for you," saad ko at inilagay sa harap niya ang alak. But someone suddenly grabbed the drink and drunk it. "Don't force her to drink. She has a low tolerance." It's my brother, Kelvin. He sat beside Gail. "Hey, stop being killjoy. We are here to have fun." "Yeah, and why are you here, attorney?" kunot-noong tanong ni Gail habang nakatingin sa kapatid kong bagong dating. He still in his suit, mukhang mula sa trabaho ay diti na ito dumiretso. "He'll be our driver later," nakangising saad ko at kumindat kay Kelvin pero hindi ako pinansin. "Here, you can drink this." Kelvin gave Gail a long island ice tea. I can't help to roll my eyes on him. He's too protective with my bestfriend and he ignored me, like I didn't exist. The whole time he is guarding Gail, it's like I am a third wheel. So, I left them to have fun. And for him to make a move. I always help him to get close with my bestfriend but he is like a snail. Ang bagal niyang kumilos palagi. Kaya nauunhan siya ng mga walang kwentang ex ni Gail. He passed the bar but he didn't how to hit on a girl. I rarely go out. Kaya nga iniisip nila na may himala lapag lumalabas ako ng kwarto ko pero kapag nakalabas naman ako, sinusulit ko. Gaya na lang ngayon, I roamed around to find something interesting, but nothing caught my attention. I even tried to find a guy that will pass on my physical standard but I find no one. Some people went here are just looking for fun, some wants to experience something and some are like Gail. They are drinking to forget their crying heart. I went to the comfort room but the heck, I can't open the door. Sira ba ito? "Hey? Is there anyone inside?" I shouted while continue knocking. Idinikit ko ang tenga ko sa pintuan at muntik na akong humalik sa sahig dahil bigla itong bumukas. Mabuti na lang at may nakasalo sa akin. "Damn it!" "Ops, sorry. Are you okay?" Tumayo ako ng tuwid at humarap dito sa mga ito. "Are you making out here?" diretsang tanong ko. Uso na iyon sa ganitong lugar kaya hindi na nakapagtataka. "What do you think? We are playing jackstone?" The guy asked with smug face. I look at him. Hindi pa maayos ang pagkaka-tuck in ng pang-itaas niya. Habang magulo naman ang buhok ng babae. "You guys are disgusting. Can't you pay a hotel room? This is a girls comfortroom, get out," mataray na utos ko sa kanila. He just laughed. "Fierce." "Flirt." Hindi na ito sumagot pa pero kumindat ito bago tuluyang tumalikod. Mabilis namang sumunod ang babaeng kasama nito. After doing my things in comfortroom bumalik ako sa table namin. Base sa nakikita ko, wala na namang ginawa ang kapatid ko kundi ang bantayan lang si Gail. Napakahina talaga nito. Muli akong tumayo dahil bored na akong panoorin ang kapatid ko na parang guard na todo bantay sa kaibigan ko. Wala talaga siyang pag-asa. Masyadong maingay ang paligid. Masakit din sa ilong ang mga pinaghalo-halong amoy ng pabango at alak pero kahit madalang akong lumabas ng bahay ay sanay naman na ako sa mga kanitong senaryo. Maraming sumasayaw, ang iba ay tila mga lasing na. Meron na ring mga nagkukuskusan ng nguso sa mga gilid-gilid. If you want to flirt, bar is the always the perfect place. But I am not here for that. I am here to observe for my next project. Pakiramdam ko kasi ay kinakalawang na ang utak ko kaya minsan ay hindi na gumagana ang imahinasyon ko at wala na akong maisulat. Palinga-linga ako sa paligid ng may isang babaeng bumangga sa akin. Muntik na akong tuluyang matumba kong hindi lang may sumalo sa akin mula sa likuran ko. "S-shorry!" lasing na paumanhin ng babae. Tumango lang ako dito. Humarap ako sa taong tumulong sa akin. Hindi ko masyadong maaninaw ang mukha nito dahil medyo madilim sa lugar na kinaroroonan namin. "Thanks," saad ko at bahagyang lumayo sa kanya ngunit hindi ako nito binitiwan bagkos ay hinila pa ako nito papalapit sa katawan nito dahilan para mas magdikit ang mga katawan namin. Bahagya ko itong itinulak pero masyado itong malakas. Nanlaki na lang ang mga mata ko ng biglang lumapat ang labi nito sa labi ko. WTF?! M-my.... my first kiss. No, no, no.... Para akong na-istatwa sa pwesto ko at hindi makagalaw dahil sa biglaang pagsalakay nito sa labi ko. Naramdaman ko pang bahagya nitong kinagat ang ibabang labi ko para utusan akong ibuka ang bibig ko. Hindi ko alam kong pipikit ba ako o itutulak siyang muli. Pero nanaig ang pagiging Gabriela Silang ko. Malakas ko siyang itinulak at ng makalayo siya sa akin ng kaunti ay sinapak ko siya ng todo dahilan para muntikan na siyang matumba buti na lang at may biglang sumalo dito. "I am sorry, miss. He is just drunk," paumanhin ng humila dito. Inalalayan nito ang lalaki para tumayo. "I know we are in a bar, but stop acting like an animal here. Being drunk is not enough reason to harass someone,"nangigil na saad ko. Balak ko siyang sapaking muli pero humarang na ang lalaking tumulong sa kanya upang hindi ako makapalit. Pinagtitinginan na rin kami pero iilang mga tao lang at wala akong pakialam. Siguro iniisip ng iba may maliit na hindi lang pagkakaintindihan kaya wala ng pakialam ang marami maliban na lang pagpambuno sa sahig. Idagdag pang mga karamihan ay lasing na kaya may mga sari-sariling mundo na sila. Galit ako. Kulang na lang kainin ng lokong ito buong bibig ko ng halikan ako kanina tapos idadahilan nila lasing lang. Biglang dumaan ang na umiikot sa mukha ko, napapikit pa ako dahil tumama iyon sa mukha ko. "Oh! The fierce lady from the cr," nakangiting saad nito ng makita ang mukha ko ng maayos. Masamang tingin ang ibinigay ko rito, hindi ko makitang masyado ang mukha nito pero nakilala ko ito base sa sinabi nito. "I am sorry," saad ng lalaking sinapak ko. Dinadama pa nito ang panga na tinamaan ng kamao ko. Wala namang sugat pero alam ko malakas ang impact ng kamao ko. "Maibabalik ba ng sorry mo ang first kiss ko?!" nangigil sa galit tanong ko. "You can kiss me now to get it back." Mabilis ko itong sinunggaban at sinapak muli. Dahilan para mapabaling ang mukha nito ng tamaan ng kamao ko. Bahagya rin itong napaatras. Instead of being sorry he chose to be a jerk. Napakabastos niya. So what kung mabango hininga niya? So what kung malambot ang labi niya? m******s pa rin siya sa paningin ko. Tapos gusto pa niyang umulit. Aba, ano siya sinuswerte? "Woah, woah, Miss relax," awat sa akin ng lalaking flirt na nasa harapan ko. Itinaas pa nito ang kamay na parang sinasabing hindi siya lalaban habang pinipigilan ako. Biglang umilaw ang buong paligid at nawala ang nagkikilaslapang mga iba't ibang ilaw dahilan para makita ko ng maayos ang mukha ng lalaking bastos. "Tangna!" Hindi ko mapigilang maibulalas. I know him. As in. My brother's boss, my secret freaking crush. He is the one who stole my first kiss? Kailan pa siya naging m******s at bigla-bigla na lang nanghihila para manghalik? Kung nagpaalam sana siya baka hindi lang halik ibigay ko sa kanya. Parang gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa takbo ng utak ko. Bakit ba napakaharot minsan ng utak ko? Dapat galit ako sa ginawa niya pero ng malaman kung siya ang humalik sa akin medyo nakahinga ako. Hindi naman pala ako lugi. Paano kung ibang babae nahila niya Pero hindi... kahit crush ko pa siya hindi dapat siya basta-basta na lang naghahalik. "Hey! Don't curse," saway na naman ng maharot na lalaki sa harapan ko. Habang si Alejandro naman ay papikit-pikit na dala marahil ng kalasingan. Bakit ba naglalasing ang isang ito? Hindi naman pala kaya. Tiningnan ko ng masama ang lalaking nasa harapan na tila inaawat pa rin ako kahit wala naman na akong balak pang manakit ulit. "Just forget what happened today. I am sorry for what he did. He was just drunk, he didn't mean it," paghingi nito ng paumanhin. Umismid ako sa sinabi n'ya. "Or you need money? I can pay you just forget what happened." Muli na namang umusok ang ilong ko dahil sa sinabi nito. Medyo kumalma na ako ng makita ko ang mukha ni Alejandro e tapos babanatan naman ako ng ganito ng lalaking ito? "Eat you money." I showed him my middle finger. Hindi ko alam pero natawa lang ito sa ginawa ko. Nagmamartsang iniwan ko sila. Nang makalapit ako kina Kelvin ay mabilis kung nilagok ang alak na nasa ibabaw ng counter. Hindi ko alam kung malas ako o swerte. It was Ale Rivas, my crush, my brother's boss and now my first kiss. "Where have you been?" Nagtatakang tanong ni Kelvin. Tiningnan ko siya bago marahas na umupo sa stool. "Wala." "Did something happen?" Kunot na ang noo nito habang nakatingin sa akin. "Wala." Muli ay sagot ko. Mabuti na lang at abala ito kababantay kay Gail kaya hindi nito napansin ang kumosyon kanina. Isa pa baka ang amo pa nito ang kampihan nito sa nangyari. He is too loyal to that man. Muli akong lumagok ng alak. Napapikit ako ng manuot sa lalamunan ko ang mapait na lasa nito. "Let's go home," yaya ni Kelvin. "Maaga pa," reklamo ko. "We still have work tomorrow unlike you." Wala na akong nagawa ng magsimula na silang maglakas papalabas. Nakasimangot na sumunod na lamang ako. "Ang kj n'yo pareho. Nagsisimula pa lang ako mag-enjoy, umuwi na agad tayo," saad ko habang nakasakay kami sa kotse ni Kelvin pauwi. Kahit na ang totoo hindi naman talaga ako nag-enjoy. "She's broken but you brought her in a bar kahit hindi naman siya umiinom," sagot ni Kelvin. "She is broken, kaya nga niyaya ko siyang magbar para magsaya. Hindi porke't malungkot siya magmumukmok na siya," depensa ko. Bakit parang kasalanan ko pa ngayon? Dapat ba hindi ko na lang sinabi sa kanya na lalabas kami? O dapat talagang hindi ko na lang niyaya si Gail. Tahimik pa sana ang utak ko at walang iisiping nangyari kanina. "Excuse me lang, guys," singit ni Gail mula sa backseat. "Makapag-usap kayo parang wala ako dito." Humarap ako sa kanya sapo nito ang ulo."I knew someone, gusto mo ireto kita?" I gave her a wink. Gusto ko lang asarin ang kapatid kong ubod ng torpe. "Akala ko ba sabi mo, rendahan ko puso ko?" "Malay mo siya na pala si Mr. Right, hindi ba Kelvin?" baling ko sa kapatid ko na salubong na ang mga kilay. "Stop telling nonsene. Kakaunti pa ang nainom mo parang lasing kana agad," malamig na tugon nito. I smirked. "Are you angry?" "No, I am not. Can't I be angry with my ate?" He even gave me a fake smile. I made face. "Coward," bulong ko. He likes Gail but he can't admit his feelings. That's why I always tease him. His feeling for my bestfriend is too obvious but Gail is too numb to notice it. Ewan ko sa kanilang dalawa, isang torpe at isang manhid. "How long are you going to be like that?" Kelvin asked me. After we sent Gail in her house. We are now on ouw way home "Like what?" "Proctastinating." "I am working." "But it's unstable. Why don't you try to teach?" Sumimangot ako sa tanong niya. Paulit-ulit na nilang tinanong sa akin iyon. Kaya alam na nila ang sagot. "And are you willing to be my lawyer once someone parents filed a case against me?" I asked back. He is a corporate lawyer in Rivas Empire. Actually, I am a year older than him but he is more successful than me. He has a stable job with a big paycheck unlike me who just write a trash like what my dad said. They know that I am a writer but they have no I idea what kind of writer I am. Baka itakwil na ako ng tuluyan ni dad kapag nalaman niya kung anong kalseng writer ako. Masyado pa naman itong relihiyoso. Actually, I am a License teacher but I never practice teaching. I hate kids, they are annoying. I am a person with a little patience and sometimes when I am angry I tend to be violent. That's why I never teach. Bakit nga ba ako nag-teacher kung ayaw ko naman magturo? Nangako ako na kukunin ko kung ano mang course ang kukunin ni Gail. Siya lang ang kaibigan ko at gusto ko magkaklase pa rin kami hanggang college. Nang malaman ko na education pala ang gusto niya, iyon na rin ang kinuha ko. Una, iyon din naman ang gusto ni dad na kunin ko. Pangalawa, hindi ko talaga alam kung anong course ang gusto ko kaya pinagpatuloy ko na lang. "If you don't want to teach, try to find a stable job," he suggested. "I am also thinking that actually. Can you give me a recommendation?" I am not angry that he is pursuing me to find a job. I also want to have a job with good salary. Actually I tried many jobs, from cashier to manager but I didn't last because I was bored. I want a work that excites me but I never find a one. "Do you want to work in Rivas?" Matapos ang nangyari ngayong gabi hindi ko alam kung tatanggapin pa ako doon kung sakali. Baka nga naka-ban na ako doon dahil dalawang beses ko sinapak ang boss nila. "As your boss' secretary?" pilyang ngiting tanong ko. He knows about my crush on his boss. "Stop fantasizing him." Kung alam mo lang. Your boss is now my first kiss. Kapag sinabi ko sa kanya nag bagay na iyon baka isipin niya nananaginip lang ako ng gising. "Don't you want him to be your brother-in-law?" nakangising tanong ko. "You're drunk," naiiling nitong pahayag. "My boss is your standard but he doesn't like your type." "What's wrong with me?" exaggerated na tanong ko. Maganda naman ako, hindi nga lang kasing tangkad ng mga babaeng nali-link dito pero maganda ako. "Taklesa, palengkera, bungangera, palamura, ma–" "Hep, hep, hep," itinaas ko ang dalawang kamay ko. "Huwag mo nang ituloy, kung ayaw mong salaksakin ko 'yang bunganga mo na puro panlalait ang lumalabas." "See? Amasona." "Isa," bilang ko. Itinikom naman nito ang bibig. Kilala niya ako. Oras na nagbilang na ako at hindi pa siya tumigil siguradong tatamaan siya sa akin. Crush ko lang naman ang poker face na boss niya. Hindi ako patay na patay dito gaya ng inaakala niya. Hindi talaga. Pero ngayon may isa na naman akong isipin. Paano ko pa makakalimutan ang boss niya matapos nitong nakawin ang first kiss ko at masapak ko ito ng hindi lang isa kundi dalawang beses. Ako lang yata ang taong hindi na pinapangarap na makita ang crush. Crush lang naman kasi, as in paghanga lang tapos tama bang bigla na lang akong susunggaban ng halik? Dapat kung hahalikan niya ako yung nasa huwisyo siya hindi iyong malapit na siya bumagsak dahil sa kalasingan. Bumabalik tuloy ang asar ko kapag naaalala ko ang nangyari kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD