Linggo ng hapon ay nagdesisyon na akong lumuwas ng Maynila para bukas ng umaga ay sa condo na lang ako ni Kelvin susunduin ni Ferdinand gaya ng napag-usapan. Magco-commute na lang sana ako pero tinawagan ni mama si Kelvin para sunduin ako at dahil Linggo at wala itong pasok ay mabilis naman itong sumunod. "Mag-iingat ka doon. Huwag magpapalipas ng gutom. Saka lakasan mo alarm mo nang magising ka kaagad, tulog mantika ka pa naman. Baka palagi kang late sa trabaho kapag nagkataon. Habaan mo ang pasensya mo sa trabaho, tandaan mo mahirap magtrabaho na may hindi ka kasundo," sunod-sunod na paalala ni mama habang hawak ang dalawa kong kamay. "Ma, she's old enough," ani ni Kelvin habang nagsasakay ng mga gamit ko. "Alam ko, pero this is her first time na magtrabaho at malayo sa amin ng matag