"Ano bang kailangan n'yo sa akin?" tanong ko sa kanila nang magsimula nang umandar ang kotse. Pero tila walang balak sumagot sa akin dahil parehong tikm ang bibig ng mag-ama. Ano ito basta na lang nila ako isasama kung saan nila gusto? Hindi maari." Sir, care to explain?" baling ko kay Alejandro na abala sa pagmamaneho. "This kid wants to see you. I just drive her because she keeps on bugging me," sagot nito pero nasa pagmamaneho pa rin ang atensyon. Inirapan ko siya mula sa rearview mirror, wala akong pakialam kahit makita pa niya ang ginawa ko. Hindi naman ako aware na sunod-sunuran siya sa anak niya. "Anong kailangan mo sa akin? Masyado ka bang excited na makita ako?" nakangising tanong ko kay Antalia na abala sa paglalaro sa tablet na hawak nito. "Don't flatter yourself too much. I