"Is it true? Is it real? As in?" Iyan agad ang bungad sa akin ni Kelsy. Basta na lang ito pumasok sa kwarto ko ng walang kaabog-abog. I rolled my eyes because of her asking me as if I did something she can't believe. "What?" tamad na tanong ko habang nakasandal sa hamba ng pinto ng bathroom ko. Kalalabas ko lang ng bathroom at kasalukuyan kong tinutuyo ng maliit na tuwalya ang buhok. Matapos namin mag-usap ni Sir Alejandro, yes sir. Kailangan ko ng sanayin ang sarili ko na tawagin siya ng ganoon dahil magiging amo ko na siya. Ihinatid ako ni Ferdinand sa condo ni Kelvin. Kinuha ko lang ang bag na dala ko ng lumuwas ako ng Maynila at umuwi na agad ng San Isidro. Tenext ko na lang si Kelvin para magpaalam, sanay naman na ito na para akong kabute na susulpot bigla at biglang uuwi kaya hi