"Antalia, can you go to Manang Rita first, I just need to talk with your nanny," nakangiting saad ni Alejandro bago ibinaba ang anak mula sa pagkakabuhat. Magalang na tumango lang ang anak nito sa kanya bago tumingin sa akin. "Don't change your mind, you already said yes," anito bago itinapat ang dalawang daliri sa mata niya at itinuro sa akin na parang sinasabing I am watching you bago ito tuluyang lumabas. I just made face with her pero bigla akong napaseryoso nang mapansin ko na nakatingin sa akin ang ama nito. "Can you please sit again, Ms. Sebastian? We will talk about your job," wika nito habang seryosong nakatingin sa akin. His one hand is gesturing me to sit on the chair in front of his table. Umupo naman ako bago ito umupo sa swivel chair nito. "Your job is simple. You just