"Uncle!" The kid behind me exclaimed.
"You brat!" saad naman ng lalaki bago niyakap ang batang nagtatakbo papalapit sa kanya.
She is not lying. Tito nga niya ang sikat na artistang si Jake Rivas. He looks dashing. Mukha talaga itong bituin mula sa langit. His smiling widely and it makes him more handsome.
I am not fan of him but I know how to appreciate a handsome face. He is handsome but not my type. He looks like a second lead in a book, playful but goodboy. Not my type. Gusto ko iyong tipo ng lalaking tingin pa lang matutunaw na ako. Yung seryoso pero malakas ang dating.
"Saan ka ba nagpunta at umalis ka ng bahay ng walang paalam? Everyone is worried about you. Your dad even called me," nag-aalalang saad ni Jake. He even checked the kid body. Mukhang alalang-alala talaga ito sa pamangkin.
Wala siyang dapat ipag-alala dahil maparaan ang pamangkin niya. Iyon nga kang sa lahat ng hihingi ng tulong mas matapang pa ito sa tutulong. Masyadong matalas ang dila nito na minsan parang masarap pitikin.
"Dad?" Tila kinakabahang saad ng malditang bata. "Is he angry?"
May kinatatakutan pala ito. Halata kasi sa ekspresyon nito ang takot ng mabanggit ang ama nito. Bakit? Nananakit ba ang tatay nito?
Naku, kung oo, kawawa naman ito. Pero sa hitsura naman nito, ito iyong tipong hindi nalalapatan ng kahit na lamok.
"Nope but he is worried. Next time don't go out alone. Paano kung mapahamak ka? Kami ang mapapahamak kay Kuya. Pasaway ka."
Tama naman ang tito nito. Bakit ba kasi umaalis ito ng bahay na mag-isa? Bata pa rin ito. Dapat dito kinukulong sa bahay ng hindi na makahawa ang sama ng ugali.
"I was bored so I decided to visit you but I don't remember where your house is," She explained.
"Excuse me?" singit ko sa kanilang dalawa. Mukha kasing wala silang pakialam sa presensya ko. Binalewala nila ang kagandahan ko. Nakakahiya naman sa kanilang dalawa. Hmp! Hindi naman pwedeng basta na lang ako umalis at iwan sila.
Humarap sa akin ang batang kasama ko. Nameywang pa ito. Back to maldita mode na naman siya kaya syempre ganoon din ako.
Anong akala niya siya lang ang pwedeng magkasungay sa aming dalawa.
"He is my uncle. I am not lying."
Binigyan ko ito ng pekeng ngiti. "Wala naman akong sinabing sinungaling ka. Hindi lang ako naniniwala sa sinasabi mo kanina."
Kahit sino naman ang nasa kalagayan ko kanina hindi talaga agad maniniwala. Sa panahon ngayon mahirap na magtiwala kahit pa sa bata. Naniniguro lang ako.
Pero hindi ko talaga ine-expect na tito niya ang lalaking nasa harapan namin ngayon. Sikat ito, tapos may pamangkin na pakalat-kalat kung saan at napulot ko. Okay lang sana kung mabait na bata kaso may sungay na agad kahit maliit pa lang.
"It's the same."
"No, magkaiba iyon," giit ko.
Sinamaan niya ako ng tingin pero pinagtaasan ko lang siya ng kilay. She is still a kid, hindi gagana sa aking ang katarayan niya.
Kung kamalditahan lang hindi ako patatalo sa kanya.
"Wait, wait. Stop fighting," awat sa amin ni Jake.
"We are not fighting!" sabay na sigaw namin sa kay Jake.
"Woah!" He even raised his two hands.
"Aren't you going to introduce me with your uncle?" saad ko habang todo na nga ngiti. Pero mas lamang ang pang-aasar sa ngiti ko.
Lumapit pa ako sa kanya para bumulong. "He is handsome. Pwedeng akin na lang? Ireregalo ko lang sa kapatid ko" pang-iinis ko sa kanya.
Sinamaan niya ako ng tingin pero nanatili akong nakangiti sa kanya.
"No way! He is not a toy."
"May sinabi ba akong laruan siya?"
"Hindi ba talaga kayo nag-aaway?" alanganing tanong ni Jake.
"Hindi nga!" muli ay sabay na saad namin.
Tumingin kami sa isa't isa bago sabay na umirap at ibinaling sa ibang direksyon ang aming mga mata.
"Okay, okay. Hindi na."
I look at her again. I used my eyes to tell her na ipakilala ako sa tito niya. Minsan lang ako makakita ng artista kaya hindi ko na ito palalampasin pa.
Kung pwede nga sanang magpa-picture dito para ma-ingit sa akin si Kelsey kapag pinakita ko gagawin ko. Kaso nahihiya naman ako. May hiya pa naman ako sa katawan kahit paaano.
Umirap muna ito sa akin bago bumaling kay Jake. "Tito Jake, meet Katarina. She is jobless according to her mother. Katarina meet my uncle."
Kailangan pa ba nitong sabihing jobless ako. Ang pangit ng introduction nito sa akin kaya napanguso ako habang binabantaan ito ng tingin pero tinirikan lang ako nito ng mata. Ang sarap niyang kutusan. Nangigigil ako sa kanya.
"You don't have to say that I am jobless," nakasimangot na saad ko bago inilahad ang kamay ko kay Jake. Pilit ang mga ngiti ko.
"Nice meeting you, Jake. I am Katarina, ang NAKAPULOT sa pamangkin mo." Ipinagdiinan ko ang salitang nakapulot para inisin si maldita kid.
Inabot niya ang kamay ko. "I am Jake, Pleasure to meet you too. Thanks for helping my niece."
Hindi ko tinulungan ang pamangkin niya. Nagpumilit lang itong sumama sa akin.
Mukha namang mabait itong si Jake bakit kaya ang maldita ng pamangkin niya. Halatang hindi sa kanya nagmana. Siguro sa tatay or nanay ito nagmana. O kaya pinaglihi sa sama ng loob kaya ganyan ang ugali niya.
"Iuwi mo na iyang pamangkin mo. H'wag n'yo hayaang makalabas ulit iyan, baka tuluyan ng mawala."
"Hindi ako nawala. I just lost my way at lalong hindi mo ako napulot."
"Pareho rin iyon."
"No, it's not."
"Hep, hep. Tama na. Para kayong aso't pusa," saway sa amin ni Jake. Pumagitna pa siya sa aming dalawa. "Thanks again for taking care of my niece. She's just a little bit spoiled so I hope you don't mind her attitude."
"What's her name?" bulong ko.
Nagtatakang tumingin ito sa akin."She doesn't want to tell me."
"Antalia. Her name is Antalia."
Tumango-tango naman ako. Antalia. In fairness ang ganda ng pangalan niya. Ugali lang talaga ang hindi.
"Are you asking for my uncle's autograph?" singit ni Antalia at pumagitan sa aming dalawa.
Antalia. Ngayon alam ko na ang pangalan niya.
"Paki mo?" Nameywang ako habang pinagtataasan siya ng kilay.
"May paki ako because he is my uncle. We will go na. Thanks for helping me. See you again soon."
"You are welcome. But I don't want to see you again," I said and gave her a sarcastic smile. Bumaling ako kay Jake. "Mauna na ako."
"Wait. Here is my calling card." May inabot siya sa aking maliit na card. "Call me if you need help. Kahit ano. Pasasalamat sa ginawa mo para sa pamangkin ko."
"Sige, salamat." Isinuksok ko sa likurang bulsa ko ang calling card. Hindi naman ako hihingi ng kapalit sa ginawa ko pero in case of emergency baka magamit ko ito. "Bye."
Tumalikod na ako at bumalik sa bisikleta ko. Pang-asar ko pa na dinilaan si Antalia bago ako tuluyang tumalikod sa kanila.
Totoo nga na pamangkin ito ni Jake pero hindi ko inaasahan na sa iisang subdibisyon lang kami nakatira. Siguradong matutuwa si Kelsey kapag nalaman niya ito pero syempre hindi ko sasabihin sa kanya. May pagkastalker pa naman iyon minsan, mahirap na.
Hindi pa naman ako nakakalayo ng husto
JAKE
Natatawa ako habang nakatanaw sa papalayong si Katarina sakay ng kanyang bisiklita. She's like a kid. Sinasabayan niya ang katarayan ng pamangkin ko.
"What's funny?" mataray na tanong ni Antalia. She gave me a bored look.
Ginulo ko ang buhok niya dahilan para makatanggap ako ng mas matalim na tingin buhat sa kanya.
"Don't ruin my hair," Anito at nauna nang sumakay sa kotse.
"Nakahanap ka ng katapat mo," komento ko bago ini-start ang kotse.
"I like her. She's nice."
"Nice?" I looked at her with disbelief. "You two are like cat and dog." I saw how they treat each other a while ago. Tila lagi silang magsasabong kapag magkasama sila.
"She just have smart mouth."
"Like you?"
Lumabi ito bago inirapan. Hobby na talaga nito ang umirap tuwing naiinis o napipikon.
Mabilis din kaming nakarating sa bahay ko dahil nasa loob lang din naman ito ng subdivision. This is my hidden sanctuary. A place where I can rest without the press.
I dialed my brother number to inform him that I already found her daughter who is now sitting like a boss in the living room.
Lumapit ako sa kanya at naupo sa pang-isahang sofa.
"Bakit mo ba naisipang umalis ng bahay ng mag-isa? Dapat sana nagpasama ka sa driver or nagsabi ka nina manang," paninimula ko.
Lahat nag-aalala dahil bigla siyang nawala. Habang ito parang wala lang sa kanya ang lahat.
Paano kung napahamak ito. Kung nakidnap? Sa panahon pa naman ngayon uso na ang masasamang loob. Mabuti na lang talaga at isang gaya ni Katarina ang nakakita dito.
"I told you. I was freaking bored. They were all busy, so I didn't bother them. The taxi driver just dropped me off in front of the subdivision's gate. And I don't know your exact address. That's why I asked for Katarina's help," she explained. She even scratch her nose.
"Next time call me and I will fetch you. Don't go out alone. If you are not afraid of bad guys be afraid to your father's anger because he can eat all of us alive."
Kapag napahamak kasi siya lahat kami mananagot. Sa sobrang ikli pa naman ng pasensya ni Kuya sigurado akong nasigawan na nito ang mga katulong sa mansyon niya matapos malaman na nawawala ang pasaway niyang anak.
"He will not be angry to me. He loves me," she said with a smug smile. "And my daddy is not a monster to eat all of us."
"But how about to the people around you? They are the one who will recieve punishment because of your fault. So next time, don't be too naughty. Okay?"
Napipilitang tumango naman ito but I doubt kung makikinig ba talaga ito sa mga sinabi ko. Sa tigas ng ulo nito, si kuya lang ang nakapagpapaamo dito.