EPISODE 5: THE NEW JAYDEN

1052 Words
THE BALLERINA’S DOWNFALL EPISODE 5 THE NEW JAYDEN CHANTAL’S POINT OF VIEW. “J-Jayden…” you’re here. Oh my God! He’s here too. Anong ginagawa ni Jayden dito? Sa dami ng fitness gym sa Pilipinas ay magkikita pa talaga kaming dalawa dito? What a small world. Seryoso pa rin ang kanyang tingin sa akin ngayon at parang iba na ang facial expression ng kanyang mukha compare noong huli ko siyang nakita sa Paris. Parang ang seryoso na niya masyado at hindi na siya pwedeng ma-joke pa dahil hindi ito tatawa—ikaw pa mapapahiya. “What are you doing here?” malamig niyang tanong sa akin. Napalunok ako sa aking laway at sinagot ang kanyang tanong. “I’m here to exercise, Jayden. Ikaw?” “I’m a member here,” maikling sagot niya sa aking tanong at nagsimula na siyang maghanda at sinet ang treadmill na nasa aking tabi lang. Nakatingin lang ako sa kanya ngayon at hindi ko mapigilan namamangha. Nakasuot lang ngayon ng sando si Jayden kaya kitang-kita ko ang kanyang biceps na parang bato na sa sobrang tigas. Ano kayang feeling kapag nahawakan mo ang biceps niya? Grabe… nag gi-gym na pala siya ngayon? “Chantal, you’re drooling. Stop staring at me.” Napakurap kurap ako sa aking mga mata at mabilis na umiwas ng tingin sa kanya. Lihim akong napahawak sa gilid ng aking labi at wala naman akong nararamdaman na laway. Nakakainis! Baka nag a-assume na ang lalaking ‘to na may feelings pa rin ako sa kanya kahit wala naman. Tinitignan ko lang naman ang kanyang katawan ah? Wala namang mali sa ginawa ko. Tama… tama ako. “Sinusundan mo ako rito?” pag-iiba ko sa usapan at tinanong ko siya. Alam kong nagmumukha na akong assuming sa tanong ko sa kanya ngayon pero hindi naman pwedeng coincidence lang itong pagkikita naming dalawa eh. Sikat ako—sabi nila. Maraming kumukuha sa akin na mga litrato at alam kong alam na nilang nandito ako sa isang fitness gym ngayon. Bahagya siyang napatigil sa kanyang ginagawa at humarap siya sa akin. Naningkit ang kanyang mga mata at nakita ko ang bahagyang pag-angat ng kanyang labi. “I’m a five-year member here in this fitness gym and counting, Chantal. I’m also the co-owner of this gym. I’m an orthopedic doctor, and I have a hectic schedule. Do you think I still have free time to stalk you?” Nakaramdam ako ng konting hiya sa sinabi ni Jayden ngayon. Parang bumalik sa akin ang naging tanong ko sa kanya. Mukhang ako pa nga ang nag mukhang stalker ngayon kahit hindi naman. Bakit ko ba kasi ‘yun na tanong sa kanya?! Minsan talaga hindi ko na ‘to maintindihan ang bibig ko kasi kung anu-ano na lang ang nilalabas na salita kahit hindi ko naman pinag-isipan. “Hindi ko nga alam na nakauwi ka na sa Pilipinas. It’s been hmmm… what? Seven years? Eighth years?” “Eighth years, Jayden.” Napatango siya. “Yeah… eighth years.” Habang nakatingin ako ngayon sa mga mata ni Jayden ay hindi ko na nakikita ang Jayden na kilala mko noon. Palangiti si Jayden noon at puno ng good vibes ang kanyang aura. Bakit pa ba ako magtataka? Ilang taon na ang nakalipas kaya sigurado akong magbabago talaga si Jayden. Mas naging mature siya sa huli naming pagkikita at kitang-kita mo talaga sa kanyang tindig ngayon at aura ang kanyang pagiging respetado na doktor. “I-I’m sorry, Jayden. Hindi lang talaga ako makapaniwala na nakita kita ngayon. Unexpected masyado,” mahina kong sabi at maliit na ngumiti sa kanya. Seryoso naman siyang tumango sa akin. “It’s okay, Chantal. I’m glad to see you again. Is it for good that you’re here in the Philippines?” tanong niya sa akin. Muli akong napakurap kurap sa aking mga mata sa naging tanong niya. “H-Hindi pa sure, Jayden. I have a show kasi dito sa Pilipinas, part of my world tour show. Pinag-iisipan ko pa kung mananatili ba ako rito, o babalik ako doon sa Paris,” sagot ko sa kanyang tanong at ngumiti sa kanya. Tumango naman siya na parang walang pakialam sa aking sinabi at muling ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Unti-unting nawawala ang ngiti sa aking labi at umiwas ng tingin sa kanya. Bakit ba ang daldal ko? Pwede namang oo at hindi ang isagot mo sa katanungan ni Jayden eh. Muli akong napatingin kay Jayden at nakita kong nagte-treadmill na siya ngayon at may suot na siyang airpods sa kanyang tainga kaya hindi na niya ako maririnig. Nakatingin na rin siya sa harapan na para bang wala na siyang pakialam sa akin na nasa tabi niya ako ngayon. Huminga ako ng malalim at napagpasyahan ng kunin na ang lahat ng aking gamit at tapusin na ang aking pag gi-gym ngayon. Nawalan na ako ng gana sa pag gi-gym at ayoko na rin na muling makita si Jayden. Ewan ko ba pero nakakaramdam ako ng sakit ngayon. Hindi ako sanay sa treatment na binibigay sa akin kanina ni Jayden. May pinagsamahan naman kaming dalawa at mabait naman siya sa akin noong huli naming pagkikita sa Paris, ah? Bakit nagbago na siya? Bago ako umalis ay napatingin na muna ako ulit kay Jayden at parang may kausap na siya ngayon sa kanyang airpods dahil nakangiti siya habang nagsasalita. Siguro ay girlfriend niya ang kanyang kausap? Bakit ko pa ba iniisip ‘yun? Ano namang pakialam ko? Umiling-iling ako at naglalakad na ako paalis habang bitbit ang aking mga gamit. Gusto ko sanang magpaalam kay Jayden pero baka hindi na niya ako pansinin. Bakit ko pa siya papansinin kung hindi niya naman ako papansinin pabalik, diba? Tama nga talaga ang sinabi ng kaibigan ko na si Christine noon na ‘wag na akong magulat kung pagbalik ko dito sa Pilipinas ay marami ng magbago dahil ilang taon din akong nawala. Nagbago na si Jayden. Isa pa ay may karapatan naman siyang magalit sa akin at ‘wag akong pansinin dahil ako naman ang lumayo sa kanya… mas pinili ko ang pangarap ko kaysa sa kanya. Kaya wala akong karapatan na mag-demand na pansinin niya ako dahil kasalanan ko naman. The old Jayden is long gone. The New Jayden is the man I met earlier, and I don’t like him. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD