THE BALLERINA’S DOWNFALL
EPISODE 6
STILL HIM
CHANTAL'S POINT OF VIEW.
“SUPLADO na ba talaga si Jayden ngayon, Kuya Nik?”
Napatigil siya sa kanyang ginagawa at nag-angat siya ng tingin sa akin at tinaasan niya ako ng kanyang kilay. Nandito ako ngayon sa kanyang opisina at napagpasyahan ko na dalawin ko muna ang aking pinsan na si Kuya Alessandro Niklaus Villa Coleman. Siya ang pinaka-close ni Jayden sa aking mga pinsan.
“Nagkita na ulit kayo ni Jayden?” tanong sa akin ni Kuya.
Napatango naman ako.
“Yes, Kuya. Nagkita kami sa isang fitness gym. He said na co-owner daw siya roon. Is that true?” sabi ko sa kanya.
Mabilis naman siyang tumango.
“Yes, Chantal. Ang totoo nga nyan ay co-owner din ako ng fitness gym na iyon eh.”
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Kuya Nik. So pagmamay-ari niya rin ang fitness gym na iyon? Bakit hindi ko alam?
“Seriously, Kuya Nik? Ilan ba kayong owner sa gym na iyon?” muli kong tanong sa kanya.
“Hmm, three? Me, Jayden, and our friend Davien, Chantal. Why?”
Tahimik naman ako na napailing. So, totoo ang kanyang sinabi. Hindi niya ako sinundan doon—bakit niya naman ako susundan doon? Hindi ko nga raw siya stalker! At busy rin siya na tao dahil doktor siya.
“Chanty, may nararamdaman ka pa rin ba kay Jayden?”
Mabilis akong napatingin kay Kuya Nik at umiling-iling.
“W-What? N-No! W-Wala na, Kuya Nik. Matagal na akong naka move on!”
Last day ay eight years na simula ng magkahiwalay kaming dalawa ni Jayden. Oo, naalala ko pa talaga at may anniversary pa akong nalalaman sa paghihiwalay naming dalawa. Matalas lang talaga ang memorya ko kaya hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang mga pangyayari sa nakaraan.
“I’m just curious, Kuya Nik! ‘Wag ka ngang ma-issue dyan. Matagal na panahon na ang nakalipas, Kuya Nik,” muli kong sabi, pagtatanggol sa aking sarili.
Bahagya siyang ngumuso at nagkibit-balikat.
“Hmm, really? So okay lang sa iyo na makita siya ngayon dito sa office ko?” tanong ni Kuya Nik sa akin.
Kumunot naman ang aking noo habang nakatingin sa kanya.
“What do you mean na makikita ko siya rito?” nagtataka kong tanong.
Ngumisi lang sa akin si Kuya Nik at kinindatan niya ako. Makalipas ang ilang segundo ay may narinig na akong isang katok sa pintuan ng office ni Kuya Nik kaya nakaramdam na ako nagpagkataranta ngayon. Bakit ba ako natataranta?
Tumayo ako at akmang magpapaalam na kay Kuya Nik na aalis na nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking kanina lang ay pinag-uusapan namin ni Kuya Nik. Oh my God! Anong ginagawa niya rito? Napalunok ako sa aking laway at mabilis na tumalikod sa kanya kaya nakaharapan na ako ngayon kay Kuya Nik. Pinanlakihan ko siya ng aking mga mata na para bang sinasabi na bakit nandito ngayon si Jayden. Hindi man lang niya sinabi kanina.
“Doc Jayden! Finally, you’re here,” nakangiting sabi ni Kuya Nik at naglakad siya palapit kay Jayden at nagyakapan silang dalawa ngayon. Hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa kanya. Sigurado akong napansin na ako ni Jayden dahil hindi naman ako maliit na babae para hindi niya mapansin eh. Depende na lang talaga kung magbulag-bulagan pa siya.
“Ali,” narinig ko na bati ni Jayden sa aking pinsan.
“Oh! My cousin is here.” Bahagya akong nagulat nang bigla akong akbayan ni Kuya Nik at iniharap niya ako kay Jayden. Agad na nagsalubong ang mga tingin naming dalawa at para akong kinapusan ng hininga ng makita ko ang kanyang mga matang nakatingin sa akin ngayon.
“Alam kong kilala mo ‘tong pinsan ko, Jayden. Nagkita na ba kayo nito? Nakauwi na siya ng Pilipinas!” sabi ni Kuya Nik habang hindi pa rin mawala ang ngisi sa mukha.
Bahagya akong napapikit sa aking mga mata at pinakalma ang aking sarili upang hindi ko makurot ang tagiliran nitong pinsan ko ngayon.
Sana hindi na siya magkajowa! Nakakainis.
“Yes, Ali. Nagkita kami niyan ni Chantal noong isang araw sa fitness gym na pagmamay-ari natin,” malamig na sabi ni Jayden kaya napatingin ako sa kanya.
Napakurap kurap ako sa aking mga mata habang nakatingin kay Jayden. Hindi pa rin ako sanay na seryoso siya at iba ang pakikitungo niya sa akin. Siguro ay kailangan ko na talagang masanay.
“Hello again, Chantal,” pormal na pagbati sa akin ni Jayden.
Bahagya naman akong ngumiti sa kanya at tumango. “H-Hello rin sa iyo, Jayden.”
Tumango naman siya at muli siyang napatingin sa aking pinsan.
“Let’s talk about the business, Ali,” wika ni Jayden at naglakad palapit sa may couch na malapit lang sa table ni Kuya Nik.
Alam ko na magiging seryoso na ang kanilang pag-uusapan ngayon kaya napagpasyahan ko na lang na umalis at magpaalam sa aking pinsan. Nang makalabas ako sa office ni Kuya Nik ay napasandal ako sa may pader at napahawak sa aking dibdib. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko kapag nasa malapit si Jayden? Parang hindi mapakali ang aking puso at… at parang natataranta na kaagad ako.
Umiling-iling ako at ang nagmamadali sa aking paglalakad palabas dito sa building ng company ni Kuya Nik. Pagkasakay ko sa aking sasakyan at agad ko na tinawagan ang aking kaibigan na si Christine. Alam ko na busy rin siya sa kanyang mga rakets in life pero kailangan ko talaga ng makakausap ngayon.
“Hello, Chanty?” sagod niya sa aking tawag.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng sagutin ni Christine ang aking tawag.
“Christine, saan ka ngayon?” tanong ko sa kanya.
“Nasa trabaho ako dito sa restaurant, Chantal. Pero don’t worry breaktime ko naman ngayon kaya nasagot ko ang tawag mo ngayon,” sagot niya sa aking tanong.
Napakagat naman ako sa aking labi at nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba ang gusto kong sabihin ngayon sa aking kaibigan.
“Chantal, may problema ba?” alalang tanong ni Christine sa akin sa kabilang linya.
Bumuntong-hininga ako at napasandal sa aking kinauupuan.
“Maybe next time na lang siguro kung hindi ka busy—”
“Hay nako, Chantal Kiara Coleman! Ano pa’t naging mag bestfriend tayo, aber?! Saan ka ba ngayon? Pwede naman akong maagang umalis dito sa trabaho ko eh. Magpapaalam na lang ako ng maayos sa boss ko para makasama kita ngayon,” wika ni Christine.
Napangiti naman ako at hindi mapigilan na matuwa at ma-appreciate ng sobra ang sinabi at gagawin ngayon ni Christine para sa akin.
“Are you sure, Christine? Baka mapaalis ka dyan. Kaya ko namang maghintay sa free time mo….”
“Okay na okay lang, Chanty! May crush itong boss ko sa akin kaya malakas ako sa kanya,” sabi ni Christine at humalakhak.
Natawa na rin ako sa kanyang sinabi at nagpasalamat sa kanyang effort para makasama lang ako ngayon. Para hindi na mahirapan si Christine ay sinundo ko na lang siya doon sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya at umalis na kaming dalawa. Dahil hindi pa naman gabi ngayon at hindi pa kami pwedeng pumunta sa bar ay pumunta na lang kami doon sa isang karinderya na pinupuntahan namin noon ni Christine noong high school pa kaming dalawa.
Agad kaming nag order ng mga pagkain at ang aming favorite dito sa karinderya… ang kanilang bulalo.
Habang kumakain kami ngayon ni Christine ay nagsimula na siyang magtanong sa akin.
“Ano ba ang problema, Chantal? Kinakabahan ka ba sa show mo? Nako! ‘Wag ka ngang kabahan diyan. Ang galing mo kaya.”
Napangiti naman ako sa sinabi ni Christine. Nagpapasalamat ako dahil meron akong super supportive na kaibigan na katulad niya.
“H-Hindi ‘yun, Christine,” mahina kong sabi.
Kumunot naman ang kanyang noo habang nakatingin sa akin.
“Huh? Kung hindi iyon ay ano?”
Bumuntong-hininga ako at tinignan ko ng seryoso si Christine at sinabi ang totoo sa kanya.
“Nagkita na ulit kami ni Jayden… pangalawang beses na,” seryoso kong sabi at tinignan ang aking kaibigan.
Nanlaki ang kanyang mga mata at napatakip din siya sa kanyang bibig sa gulat.
“Oh my Gosh! Tapos? Anong pinag-usapan niyo? May nararamdaman ka bang spark?” sunod-sunod na tanong ni Christine sa akin.
Napahilamos ako sa aking mukha at napakagat sa aking labi. Nase-stress na talaga ako.
“Christine, ibang-iba na siya… sobrang ibang-iba na! I supposed to move on… pero bakit… bakit kinakabahan pa rin ako kapag magkakalapit kaming dalawa? Bakit lumalakas ang pagtibok ng aking puso kapag kausap at kaharap ko siya? Nababaliw na ako, Christine!” naiiyak kong sabi sa aking kaibigan ngayon.
Natigil siya sa kanyang pagkain at tinignan niya ako ng seryoso ngayon.
“Chantal, isa lang ang ibig sabihin niyan….”
Kumunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi.
“What, Christine?”
Bahagya siyang ngumiti sa akin bago magsalita.
“Chantal, mahal mo pa rin si Jayden. You’re still into him.”
Nagulat ako sa sinabi ni Christine at napailing-iling.
“M-Mahal? No, Christine! Ang tagal na simula nang mahiwalay kaming dalawa ni Jayden.”
Tumango siya. “Iyon na nga ang problema, Chanty eh… ang tagal na pero siya pa rin ang tinitibok ng puso mo. Hindi mo pa maamin sa sarili mo ang katotohanan pero halatang-halata na sa mga kilos at sa pananalita ang totoo mong nararamdaman, Chantal….”
Natulala ako sa sinabi ng aking kaibigan na si Christine at napaisip.
I’m still into him.
Siya pa rin ang lalaking mahal ko.
Still him.
TO BE CONTINUED...