EPISODE 4: FITNESS GYM

1170 Words
THE BALLERINA’S DOWNFALL EPISODE 4 FITNESS GYM CHANTAL’S POINT OF VIEW. “CHANTAL, next month ay magsisimula na ang preparation mo para sa iyong show dito sa Pilipinas. Marami ng nakabili ng ticket online para sa performance mo. Marami rin na mga offers para sa iyo, nasa sayo na lang kung tatanggapin mo ang offer nila,” wika ng aking manager na si Telle habang kausap ko siya sa phone. Nandito ako ngayon sa Siargao at nagbabakasyon. Dalawang linggo rin ako rito sa Siargao Island at parang gusto ko na lang na manatili rito. Matatapos na rin kasi ang isang buwan ko na bakasyon at balik na ako sa aking trabaho. Kailangan ko na rin na maghanda para sa gaganapin kong show sa isang sikat na theater sa Pilipinas at dadaluhan din ito ng mga sikat na personalidad kaya kailangan kong mas handa pa lalo. Ayokong mapahiya. Ayokong pumalpak. “Okay, Telle. Wala na bang ibang balita riyan?” tanong ko sa kanya habang nakahiga ako ngayon sa isang beach lounge chair habang nakaharap sa may dagat. “So far ay iyon lang ang bagong balita, Chantal. Pumunta rin pala ang kaibigan mo rito na si Christine at ang sabi niya ay gusto mo raw siyang makasama sa isang performance sa show mo? Chantal, alam mong hindi ito masyadong magaling na ballerina ang kaibigan mo. At lahat ng sasali sa mga performance mo ay galing din sa Paris Opera Ballet,” sabi ni Telle. Hindi ko naman mapigilan na makaramdam ng konting inis sa aking manager. Magaling si Christine na ballerina at magkasabay kaming mangarap. Nangako ako sa kanya na isasama ko siya sa aking show kapag nakauwi ako sa Pilipinas at ayokong sirain ang pangako ko sa aking nag-iisang kaibigan at gusto ko rin siyang ma-expose sa madla. “Telle, Christine is a professional ballerina. Ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Siya ang makakasama ko sa isang performance—kami lang dalawa ang sasayaw ng isang performance. Naintindihan mo ba ako, Telle? Hindi mo pwedeng alisin ang kaibigan ko sa aking show dahil ako ang sasayaw… ako ang magdedesisyon,” seryoso kong sabi sa aking manager. Narinig ko naman ang kanyang pag buntong-hininga sa kabilang linya. “Fine, Chantal. Pero sinasabi ko na sayo… hindi siya magaling—real talk!” sabi ni Telle bago ako babaan ng tawag kahit hindi pa ako makapagsalita. Napailing-iling na lang ako at muling napapikit sa aking mga mata. Gustuhin ko mang paalisin si Telle at palitan ang manager ko, magaling kasi siya at alam na alam niya ang kanyang trabaho. Si Telle rin ang pinagkakatiwalaan ng aking mga magulang kaya no choice ako kundi ang makisama sa kanyang ugali. Mabait naman siya, pero minsan ay nakakainis din ito kagaya ng ginawa niya kanina. NATAPOS na ang aking bakasyon kaya muli na akong bumalik sa Manila upang maghanda para sa darating ko na show. “Anak, kumain ka nga ng marami,” sabi ni Mommy ng makita niya ang aking pinggan na marami pang pagkain. “Mom, busog na po ako. Hindi rin po ako pwedeng kumain ng marami ngayon kasi may mini-maintain ako na figure,” sabi ko sa kanya. Kumunot ang kanyang noo habang nagtataka na nakatingin sa akin. “What? Chantal Kiara, kahit na may mini-maintain ka na figure—kung iyan man ang dahilan mo, hindi pa rin ‘yan pwede! Ubusin mo ‘yang pagkain sa pinggan mo kung ayaw mong magalit ako sayo,” seryoso na sabi ni Mommy habang masamang nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako at walang nagawa kundi ang sundin ang sinabi ni Mom at inubos ang lahat ng pagkain na nasa aking pinggan ngayon. Dahil papalapit na ang aking show, kailangan ko rin na ma maintain ang aking katawan at bawal akong tumaba. Ang bilis ko pa naman na lumubo kaya natatakot ako na mangyari ‘yun. Pagkatapos ko na kumain ay agad din akong umalis sa bahay at dumiretso sa pinakasikat at kilalang fitness gym. Pagpasok ko sa loob ay agad din akong inasikaso ng mga staffs at nagpa-member na rin kaagad ako dahil mukhang araw-araw ako dito dahil hindi ako makahindi kay Mom sa mga pagkain na pinapakain niya sa akin… kailangan ko itong lahat na ubusin. Agad ko na sinubukan ang kanilang treadmill. Sa araw na ito ay treadmill na muna ang gagamitin ko. Hindi ko rin pwedeng biglain ang aking katawan dahil matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag-exercise. Isinuot ko ang aking airpods sa aking tainga at agad ko rin itong na-connect sa aking phone at nagpatutog ng mga kanta habang nag te-treadmill ako ngayon. Seryoso ako sa aking ginagawa at nakatingin lang ako sa harapan. Dahil curious din ako sa paligid kung bakit dinarayo ito ng mga tao ay napatingin ako sa paligid. Maraming mga hottie guys ang nakikita ko na nag e-exercise rin na kagaya ko at ginagamit ang mga mabibigat at mahirap na gym equipment. Habang nag te-treadmill ako ngayon ay marami akong napapansin sa aking paligid… kagaya ng babaeng hindi kalayuan sa akin na nagpapapansin sa isang lalaki na ginagamit ngayon ang incline bench press. Ang nasa tabi ko naman na isang babae na nag te-treadmill din ay nanonood ng isang palabas sa kanyang phone na nakalagay sa harapan at kumakain din siya ngayon ng isang burger. Sandali nga… paano siya magbabawas ng timbang kung kumakain pa rin siya habang nag e-exercise? Itinigil ko muna ang aking pag te-treadmill at pinatay ko rin muna ang tugtog sa aking airpods at kinuha ko ang aking aquaflask at uminom ng tubig dito. Habang umiinom ako ngayon ay nakatingin pa rin ako sa mga tao sa aking paligid hanggang sa mapatingin ako malapit sa may entrance. “Good morning, Sir Jayden!” Muntik na akong mabilaukan ng makita ko kung sino ang pumasok sa loob ng fitness gym na pinuntahan ko ngayon… Walang iba kundi ang aking ex-boyfriend na si Jayden Adam Lockwood. Mabilis akong napatalikod at napatakip sa aking bibig habang nanlalaki sa aking mga mata. Sandali nga… bakit siya nandito?! Si Jayden ba talaga ‘tong bagong pasok sa gym? O kamukha at kapangalan niya lang? Ibang iba kasi siya sa Jayden na kilala ko at parang mas lalo siyang naging hot at ang laki rin ng kanyang katawan at ang gwapo niya… sobra. “Chantal?” Natigilan ako at parang binuhusan ng malamig na tubig sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang boses na iyon sa aking likuran. Napakurap kurap ako sa aking mga mata at natataranta. Anong gagawin ko? Hinay-hinay akong humarap sa nagsasalita at nakita ko na rin talaga ang kanyang mukha… nakita ko na rin talaga si Jayden ngayon sa malapitan. Siya nga talaga… Napalunok ako sa aking laway at mas lalong kinabahan dahil nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin… parang may ginawa akong masama sa uri ng tingin niya ngayon. “J-Jayden….” nauutal kong banggit sa kanyang pangalan. Sh-t. Bakit ba ako nakakaramdam ng kaba ngayon? At bakit ang lakas ng pagtibok ng aking puso?! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD