THE BALLERINA’S DOWNFALL
EPISODE 7
THE REUNION
CHANTAL’S POINT OF VIEW.
“CHANTAL, hindi ka pwedeng hindi pumunta! Ikaw ang highlights sa reunion na ito kaya kailangan mo talagang dumalo,” nakasimangot na sabi ng aking kaibigan na si Christine.
Busy ako sa pag eensayo ngayon para sa darating ko na show. May free time pa naman kaya makakadalo ako sa reunion na sinasabi ni Christine ngayon pero nagdadalawang isip ako na pumunta dahil hindi naman ako nag senior high dito sa Pilipinas, agad din akong pumunta ng Paris nang matanggap ako sa The Paris Opera Ballet School. At isa pa ay nandoon din si Jayden.
“Christine, alam mo naman na busy ako—”
“Oh shut up, Chanty! Anong busy? Nakita ko ang schedule mo ‘no. Kahit hindi kami close ng manager bruha mo na si Telle ay tinanong ko talaga sa kanya ang tungkol sa schedule mo at pwedeng-pwede kang umattend sa high school reunion natin. Chantal, please! Pumunta ka na kasi,” sabi ni Christine at ngumuso siya at kumapit sa aking braso.
Huminga ako ng malalim at napatingin ako sa aking kaibigan. Nakanguso siya ngayon habang nagpapacute sa akin para sumama ako.
“Christine, alam mo naman na—”
“Na pupunta rin si Jayden kasi schoolmate natin siya?”
Natigilan ako sa sinabi ni Christine. Hindi pa rin ako makapaniwala na may nararamdaman pa rin ako hanggang ngayon kay Jayden. Oh my God! It’s been eight years since we broke up. Bakit hanggang ngayon ay siya pa rin ang mahal ko? Bakit hindi pa rin siya mawala sa puso at isipan ko?
“Uyyy! Iniisip si Jayden….” panunukso niya sa akin.
Tinignan ko ng masama si Christine ng sabihin niya iyon. Alam niya na ngang namomroblema na ako rito, pinagkakatuwaan niya pa ako.
“Christine, gusto ko nang umiwas sa kanya, okay? Ayoko na… gusto ko nang matapos ‘to,” seryoso kong sabi sa kanya.
Bumuntong-hininga si Christine at hinawakan niya ang aking kamay.
“Alam mo Chantal, meron akong solusyon dyan sa problema mo,” seryosong sabi ni Christine sa akin.
Kumunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi.
“Ano namang solusyon ‘yang pinagsasabi mo?” tanong ko sa kanya.
“Kailangan niyong mag-usap ulit ni Jayden… iyong matinong usapan—heart to heart talk,” wika ni Christine.
Bahagya naman akong napalayo sa kanya at tinignan ko siya ng masama.
“Gusto ko na ngang mag move on tapos gusto mo pang mag-usap kami ulit?!”
Bumuntong-hininga siya at umiling-iling.
“Kailangan niyo ng closure dalawa, Chantal Kiara! Diba hindi naging maganda ang huling pag-uusap niyo? I mean iyong breakup scene niyong dalawa noon. Para tuluyan ka na talagang maka move on ay kailangan mo nang closure,” seryosong sabi ni Christine sa akin.
Napaisip naman ako sa kanyang sinabi at sumang-ayon din ako. Oo, hindi nga naging maganda ang paghihiwalay naming dalawa. Hindi kami nakapag-usap ng matino dahil sa sumunod na araw ay hindi ko na siya mahagilap nun sa campus at sa sumunod naman na araw na iyon ay ang flight ko papunta sa Paris. Ang bilis ng mga pangyayari ng mga araw na iyon at wala na talaga akong panahon para kausapin ulit si Jayden at ipaintindi sa kanya ang lahat.
Huminga ako ng malalim at napatingin kay Christine at tumango.
“You’re right, Christine. I need to talk to him again. Kailangan ko ng closure—kailangan namin ng closure. Hindi matatapos ‘to kung hindi kami mag-uusap ng maayos,” seryoso kong sabi.
Ngumiti sa akin si Christine at muli niyang hinawakan ang aking kamay.
“You’re a strong woman, Chantal. Alam ko na malalampasan mo rin ito,” sambit ni Christine.
Ngumiti ako at niyakap ang aking kaibigan.
“Thank you, Christine.”
Nakapag Desisyon na ako… pupunta ako sa reunion namin. Dahil si Christine ang coordinator ng aming magaganap na reunion, binigyan niya ako ng solicitation letter at hindi naman ako maka-hindi kaya nagdonate na rin ako sa magaganap naming reunion ng mga kaklase at schoolmates ko sa high school.
“Sure ka ba talagang pupunta si Jayden sa reunion, Christine?” tanong ko sa kanya.
Bukas na kasi ang reunion na magaganap sa isang private resort na pagmamay-ari ng pamilya namin. Donation ko na rin ang venue para sa reunion namin. Maliit na bagay lang din naman ito at wala namang gagamit sa resort namin bukas at gusto ko rin na maging komportable ang lahat habang nag eenjoy.
“For sure na iyan, Chantal. Pinuntahan ko pa talaga si Jayden sa hospital para ibigay sa kanya ang invitation letter para sa reunion na magaganap bukas. Aayaw sana siya dahil busy raw, pero ng sabihin ko na pupunta kay ay nag go na kaagad siya! Oh diba, pati siya ay hindi pa rin tapos sayo. Gusto niya ulit na masilayan ang kagandahan mo,” sabi ni Christine at nginitian at kinindatan ako.
Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi kaya agad akong napaiwas ng tingin sa kanya at napahawak sa aking pisngi.
“Stop it, Christine,” mahina kong sabi.
Humalakhak siya.
“Oy! Hindi closure ang gusto….” nakangising sabi ni Christine at tuloy pa rin siya sa panunukso sa akin.
Inirapan ko na lang siya at umiling-iling.
“Ewan ko sayo, Christine! Kung anu-ano na lang talaga na kalokohan ang naiisip mo eh,” nakasimangot kong sabi.
Pinanlakihan niya ako ng kanyang mga mata. “Hoy! Sinong may sabing kalokohan ko ‘to? Pustahan tayo, magkakabalikan kayong dalawa ni Jayden pagkatapos ng pag-uusap niyo!” sabi ni Christine.
Hindi na lang ulit ako nagsalita at hinayaan na lang siya.
SA sumunod na araw ay nag handa na ako para sa magaganap naming reunion. Magiging two days and one night ito kaya kailangan din na magbaon ng damit pamalit at pangligo kung gusto mag swimming.
Dahil walang sasakyan si Christine ay sinundo ko na siya sa kanilang apartment at sabay na kaming pumunta sa resort kung saan ang venue ng aming reunion. Dahil si Christine ang coordinator ay kailangan niyang pumunta ng maaga sa venue kaya napaaga na rin ako ng punta at kailangan ko rin na sumama kay Christine dahil dito naman sa aming resort magaganap ang event.
Habang busy ang aking kaibigan na si Christine sa pag organize para sa event mamaya, ako naman ay naglalakad-lakad na muna sa resort at bumisita sa iba’t ibang mga departments dito sa resort at sa hotel. Ngayon lang din ako nakabalik dito at marami na rin na nadagdag na mga buildings at na-renovate na mga pools at mga buildings.
Lumipas ang ilang oras ay gumabi na at nagsisimula ng magdatingan ang mga dati naming mga kaklase sa high school at mga schoolmates. Tinulungan ko si Christine sa pagwelcome sa kanila at marami rin ang bumati sa akin at naki picture.
“Chantal, sobrang ganda mo na! Ang sikat mo na rin talaga. May libre ka ba dyan na ticket sa show mo? Bigyan mo naman kami!” sabi ng isa kong schoolmate na hindi ko naman kilala.
Nginitian ko na lang ito at sinabihan na wala akong tickets dito at kailangan talaga nila mag purchase.
Nasa loob na kami ng venue ngayon at nagsimula na rin ang program, pero may hinihintay pa ako na hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating. Nasaan na siya? Akala ko ba ay pupunta siya?
“Chantal, tinawag ka ni Christine!”
Natigil ako sa aking pag-iisip ng tinawag ako ng aking mga kaklase. Napatingin naman ako sa may stage at nakita ko ang aking kaibigan na si Christine na may hawak na mic ngayon at kinakawayan niya ako at pinapapunta sa harapan.
Nagulat naman ako dahil hindi ako prepared. Pero wala akong choice kundi ang pumunta sa harapan at kunin ang mic na binigay sa akin ni Christine. Nagpalakpakan ang mga nandito sa event ngayon at ang iba naman ay kumukuha sa akin ng mga litrato at videos.
Bago ako magsalita ay may nakita akong pumasok sa entrance ng hal… walang iba kundi ang lalaking kanina ko pa hinihintay—si Jayden.
Napalunok ako sa aking laway at naramdaman ko ang panlalamig sa aking katawan.
“Bago magsimula si Miss Chantal sa kanyang speech, let’s acknowledge the presence of our hottie orthopedic doctor, Jayden Adam Lockwood!” sabi ni Christine.
Natigil si Jayden sa kanyang paglalakad at napatingin siya sa harapan… nagkatinginan kaming dalawa. Nakita kong napa kurap kurap siya sa kanyang mga mata at siya na rin ang unang umiwas ng tingin sa amin at bahagya siyang kumaway sa mga nandito ngayon sa hall na pumapalakpak sa kanya ngayon.
Huminga ako ng malalim at mahigpit na napahawak sa mic.
Kailangan ko talagang makausap mamaya si Jayden.
TO BE CONTINUED...