THE BALLERINA’S POINT OF VIEW.
EPISODE 8
LET’S TALK
CHANTAL’S POINT OF VIEW.
NANDITO na talaga si Jayden. Totoo nga ang sinabi ng aking kaibigan na si Christine na pupunta si Jayden ngayon sa reunion namin.
“Okay! Miss Chantal, you can now continue your speech.”
Napakurap kurap ako sa aking mga mata ng marinig ko iyon na sinabi ng aking kaibigan. Oo nga pala, nandito nga pala ako sa entablado upang magbigay ng konting mensahe para sa aming event. Napahigpit pa lalo ang pagkakahawak ko sa mic at napalunok ako sa aking laway. Nakaramdam ako ng konting kaba lalo na’t nandito na sa loob ng hall si Jayden.
“Good evening, everyone! I’m so happy to see you at our grand reunion. Nakakahiya na pumunta ako dito kahit na hanggang junior high lang naman ako nakapag-aral sa Northville International School….”
“Okay lang, Chantal! Ikaw din naman ang pinunta namin dito!” wika ng isang ka batchmate namin na ikinasang-ayunan naman ng iba.
Napangiti ako sa kanilang sinabi at ipinagpatuloy ang aking konting speech ngayon.
“Maraming salamat sa mainit ninyong pagtanggap sa akin. Sana mag enjoy kayong lahat dito sa resort para sa ating grand reunion!” masaya kong sabi. Humiyaw silang lahat at nagpatugtog ng malakas na music ang DJ at si Christine na naman ang nag host.
Naglalakad na ako pabalik sa aking table ngayon ng makita kong same table pala kami ni Jayden. Muli kaming nagkatinginan dalawa at sa oras na ito ako na ang unang umiwas ng tingin sa kanya. Nakakainis naman ‘to si Christine! Alam ko na gusto kong makausap si Jayden para sa closure naming dalawa, pero pati ba naman dito sa event ay pinagtabi kaming dalawa ng upuan?!
Hindi ako maka tiempo ngayon na kausapin si Jayden dahil maraming lumapit sa kanya na dati naming mga kaklase at batchmates. Ganun din sa akin… maraming gustong makipagkaibigan at nagpapicture dahil idol daw nila ako. Hindi naman pwedeng hindi ko sila pagbigyan. Ang ginawa ko na lang ay habang nakikipag-usap ako ngayon sa mga lumalapit sa akin ay sunod-sunod ang pagtingin ko kay Jayden upang bantayan siya kung aalis na ba siya or hindi. Alam ko na hindi siya magsa-stay rito dahil busy siya na tao. Kaya ngayong gabi… kailangan naming makapag-usap dalawa.
Natigil ako sa pakikipag-usap sa mga lumalapit sa akin ng lapitan ako ni Christine at may binulong siya sa akin.
“Chantal, kausapin mo na ngayon si Jayden. Nakalimutan kong sabihin sayo kanina na aalis din pala kaagad siya dahil may shift pa siya sa hospital ngayon. Kailangan mo na siyang lapitan ngayon at kausapin,” seryosong sabi ni Christine.
Napatingin naman ako kay Jayden at nakita ko siyang parang nagpapaalam na sa kanyang mga kausap.
Oh my God! No. Kailangan pa naming mag-usap dalawa. Huwag na muna siyang umalis.
“Ma’am, tequila po?” tanong ng waiter sa akin na may dalang tray na may mga baso ng tequila.
Kumuha naman ako ng isang baso at mabilis ko na inubos ang laman ng baso na may lamang tequila. Bahagya akong napangiwi dahil sa aking ginawa. Kailangan ko ng lakas ng loob. Oh my God! Sana hindi ako mapahiya.
Huminga ako ng malalim at hinabol ko na si Jayden na papalabas na ngayon ng hall. Sh-t! Kailangan ko siyang maabutan kundi wala na talaga akong ibang chance.
Nakalabas na kami sa may hotel at papunta na siya ngayon sa may parking lot. Sh-t! Bakit ba ang bilis niyang maglakad?
“Jayden!” tawag ko sa kanya. Hindi ko na talaga siya kayang habulin dahil ang bilis niyang maglakad. Kailangan ko ng gumawa ng paraan upang mapansin niya ako.
Tumigil siya sa kanyang paglalakad at humarap siya sa akin. Nakita ko ang panlalaki sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Parang hindi siya makapaniwala na nandito ako ngayon at hinahabol siya. Huminga ako ng malalim at naglakad ako palapit sa kanya hanggang sa nasa kanyang harapan na niya ako ngayon.
“Chantal? What the hell are you doing here?!” hindi makapaniwala niyang tanong.
“J-Jayden, pwede ba tayong mag-usap? L-Let’s talk… ‘Wag ka munang umalis,” seryoso kong sabi habang patuloy pa rin na hinihingal ngayon.
Napakurap kurap siya sa kanyang mga mata at napatingin siya sa kanyang relo at tiningnan ang oras. Muli siyang nag angat ng tingin sa akin gamit ang seryosong ekspresyon sa mukha.
“May shift pa ako sa hospital ngayon—”
“Please? K-Kahit… kahit ngayon lang, Jayden?” pagmamakaawa ko sa kanya.
Natigilan siya sa aking sinabi at napatingin siya sa aking mga mata. Ipinasok niya ang kanyang mga kamay sa magkabila niyang bulsa sa pants at tinaasan niya ako ng kanyang kilay.
“What do you want to talk about, Chantal?” seryoso at malamig niyang sabi sa akin.
Wala na ba talaga siyang pakialam sa akin?
“J-Jayden, pwede ba nating pag-usapan ang nakaraan?” mahina kong sabi habang nakatingin sa kanyang mga mata.
Kumunot ang kanyang noo na parang nagtataka sa aking sinabi.
“What do you mean, Chantal? Our past? Wala na tayong dapat pag-usapan tungkol sa nakaraan, Chantal. It’s been eight years since we broke up. Ano pa ba ang gusto mong ungkatin? Ang pagpili ng pangarap mo kesa sa akin?” malamig niyang sabi habang nakatingin sa aking mga mata.
Hindi ko mapigilan na masaktan sa sinabi ni Jayden sa akin ngayon.
Huminga ako ng malalim bago magsalita. “You’re right… bakit ko pa ba gustong pag-usapan ang nakaraan? Ang tagal na kaya nun! Ang tanga ko talaga. Sorry kung naistorbo kita,” inis kong sabi at nagsimula nang maglakad palayo sa kanya.
Pero bago pa ako makalayo kay Jayden ay nakahawakan na niya ang aking braso at hinila niya ako palapit sa kanya kaya natigilan ako at nanlalaki ang mga matang napatingin sa kanya ngayon.
“Dammit, Chantal Kiara! Matapos mo akong iwan ng walang paalam ay bigla ka na lang lalapit sa akin ngayon at gustong pag-usapan ang nakaraan natin?! Anong gusto mong maging reaksyon ko ngayon, huh? Maging masaya?!” galit niyang sabi habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.
Tinignan ko rin siya ng masama at ginamit ko ang lahat ng aking lakas upang alisin ang kamay ni Jayden na nakahawak sa aking braso ngayon at tinulak ko siya palayo sa akin.
“Kaya nga gusto kitang makausap ngayon, diba?! Dahil kahit ilang taon na ang nakalipas… k-kahit… kahit na…” napalunok ako sa aking laway at umiwas ng tingin sa kanya. Bakit hindi ko masabi sa kanya? Bakit hindi ko maipagpatuloy ang aking sasabihin ngayon sa kanya?
“Kahit na ano, Chantal, huh? Kahit ilang taon na ang nakalipas ay ano pa rin ang nararamdaman mo, huh? Tapusin mo!”
“Ayoko! Bahala ka dyan mag overthink! Ayoko nang makausap at makita ka!” galit kong sigaw at nagmamadali akong umalis palayo sa kanya.
Kung kanina ay gustong-gusto ko siyang makausap, ngayon ay hindi na. Nawalan na ako ng gana na kausap ang lalaking ‘yun. Bahala na siya sa buhay niya! Siguro ay dahil matagal kaming hindi nagkita kaya ganun ang naramdaman ko ng magkita kami ng dalawang beses. Pero ngayon? Inis at galit na lang ang nararamdaman ko.
Habang naglalakad ako ngayon ay nagulat na lang ako at napatili nang may biglang humablot sa akin at isinandal ako sa may pader… nandito kami ngayon sa madilim na parte ng labas ng hotel. Nang mapatingin ako kung sino ang humablot sa akin ay nakita ko si Jayden na matalim ang tingin sa akin ngayon. Bakit ba galit na galit siya? Diba may shift pa siya sa hospital? Dapat umalis na siya!
“J-Jayden,” gulat kong sabi ng mapatingin ako sa kanyang mga mata.
“Sinong may sabi na pwede ka nang umalis, huh? You’re not going anywhere, Chantal. We’re not done talking.”
TO BE CONTINUED...