EPISODE 3: WELCOME BACK

2025 Words
THE BALLERINA’S DOWNFALL CHAPTER 3 WELCOME BACK “WELCOME back to the Philippines, Chantal!” Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Mommy at ni Daddy. Nakabalik na rin ako sa Pilipinas. Pitong taon din ang itinagal ko doon sa Paris at ngayon ay nakauwi na talaga ako dito sa bansang kinalakihan ko. “Chantal! Oh my Gosh! My best friend!” Nakita ko namang patakbong lumalapit sa akin ang aking kaibigan na si Christine Calista Gomez. Kasama ko siya sa ballet dancing noong mga bata kami. Sabay kaming nag apply para sa scholarship sa ballet class sa Paris Opera Ballet School, pero sa kasamaang palad ay hindi kami parehong nakuha… ako lang. Pero kahit na hindi nakuha si Christine ay ipinagpatuloy niya pa rin ang pagba-ballet at pareho na kaming ballerina ngayon. Sabi pa nga niya ay friendship goal daw kaming dalawa. “I missed you, Channy! Finally, nayakap na talaga kita,” wika ni Christine ng makalapit siya sa akin at niyakap niya rin ako ng mahigpit. Ngumiti ako at niyakap ko rin siya pabalik. “I missed you too, Chris. Masaya ako na makita at makausap kita sa personal,” masaya kong sabi. “Sige na, mamaya na ‘yang chikahan niyo sa bahay. Kailangan na nating umalis dahil mukhang dudumugin tayo ng mga tao ngayon,” pagsingit ni Daddy sa usapan. Napatingin naman ako sa paligid at nakita kong may mga nakatutok ng mga cellphone sa akin at mga cameras. “Miss Chantal! Welcome back to our country! Fan na fan niyo ako!” sigaw ng isang babae habang may hawak siyang banner na may mukha ko. “Chantal, we love you!” Sinubukan ko ang lahat ng aking makakaya upang batiin sila pabalik at pasalamatan sila sa kanilang effort. Gustuhin ko man na lumapit sa kanila pero sigurado akong magkakagulo at ayokong madamay ang aking pamilya. Kumaway na lang ako sa kanila at nginitian sila. May lumapit na rin na mga security guards at tinulungan kami na makalabas sa airport ng hindi dinudumog ng mga tao. Sa lumipas na pitong taon ay nakilala na ako sa industriya ng ballerina. Nagkaroon na rin ako ng world tour at marami na rin akong tinatawag nilang fans. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na may mga humahanga pala sa akin. Ang gusto ko lang naman ay ang magsayaw at abutin ang pangarap ko. Siguro ay bonus na rin sa akin ang pagkakaroon ng mga fans sa hirap na dinanas ko para makuha ko ang lahat ng aking achievements ngayon. “Grabe! Trending na kaagad ang pag-uwi mo dito sa Pilipinas sa lahat ng social media sites, Channy. Sobrang swerte ko dahil bestfriend ko ang pinakamagaling na ballerina sa buong mundo!” wika ni Christine sa aking tabi at muli siyang kumapit sa aking braso. Nakasakay na kami ngayon sa isang kotse at pauwi na kami sa bahay. Si Mom at Dad ay doon nakasakay sa isang kotse kaya ang kasama ko lang ngayon dito ay ang aking kaibigan na si Christine. Bahagya naman akong nakaramdam ng hiya sa kanyang sinabi kasi hindi naman ako ang pinakamagaling na ballerina. Marami pa akong dapat na matutunan at kahit na marami na rin akong achievements sa field na pinili ko ay kailangan ko pa rin na mag-aral. “Ano ba, Tine. Nakakahiya naman… hindi naman ako ang pinakamagaling na ballerina,” mahina kong sabi. Napasimangot naman siya at umiling. “Hindi! Ikaw talaga,” sabi niya. Napa iling-iling na lang ako habang nakatingin sa aking kaibigan. “Ikaw nga eh, ang dami mo na ring achievements, Christine! Artista ka na nga eh. Nakita kita sa TV at uma-acting ka doon!” sabi ko sa kanya. Bahagyang namula ang kanyang pisngi at mahinang pinalo ang aking braso. “Shh! Nag extra lang ako, Channy. Mas malaki pa rin ang achievements mo kaysa sa akin kasi nakapag-aral ka sa Paris Opera Ballet School.” Humarap ako kay Christine at hinawakan ko ang magkabila niyang kamay at tinignan ko siya ng seryoso. “Christine, magkaiba man ang achievements nating dalawa sa napili nating field, ang importante ay natupad ang pangarap nating dalawa na maging isang ganap na ballerina,” seryoso kong sabi sa aking kaibigan at nginitian ko siya. Napanguso naman siya at parang maiiyak na. “Ano ba ‘yan! Bakit biglang naging emosyonal? I love you talaga!” sabi ni Christine at niyakap ako. Mahina akong napatawa at niyakap ko rin pabalik ang aking kaibigan. Nakarating na kami sa bahay at muli na naman nila akong sinurpresa. Nandito rin ang aking pamilya at at kahit na nasa Switzerland ang grandparents ko ay hindi pa rin nila ako nakakalimutan na batiin via video call. Nakipag video call din sa akin si Alessandra na nasa ibang bansa pa ngayon, pero uuwi na rin naman siya ngayong taon dito at ako lang ang nauna. “Chantal, for good na ba ang pag-stay mo rito sa Pilipinas?” tanong sa akin ni Tita Naime habang kumakain kami sa aming dinner. Kami na lang ng aking pamilya ang nandito sa bahay at umuwi na rin si Christine dahil may trabaho pa siya. Napatingin silang lahat sa akin at naghihintay sa aking kasagutan. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng pressure dahil kahit ako ay hindi rin alam sa aking isasagot sa katanungan na iyon. Umuwi lang ako rito dahil kasama sa world tour ko ang Pilipinas at parang bakasyon ko na rin ito at babalik na naman ako sa Paris at doon nagpapatuloy sa aking pagtatrabaho. “Nako Naime, pati nga kami ay hindi alam kung ano ang plano niyan ni Chantal eh. Pero sana nga ay mag stay na lang siya dito sa Pinas dahil miss na miss na namin siya ni Trevor,” sabi naman ni Mommy at kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Bumuntong-hininga naman ako bago magsalita. “May contract pa kasi ako sa Paris Opera kaya kailangan kong bumalik doon. Pero depende pa rin naman… hindi naman nila ako pinagbabawalan na bumalik dito sa Pilipinas eh,” sabi ko at ngumiti. “Ayon naman pala!” reaksyon ni Tita Isabelle. “Miss ka na talaga ng Mommy mo, Chantal,” nakangiting sabi ni Tito Luke. Napatingin naman ako kay Mommy at nakita ko siyang nakasimangot na nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. “Tatlong buwan naman ang stay ko dito sa Pilipinas kaya may panahon pa para makapag-isip ng maayos,” sabi ko. Muli kaming nagpatuloy sa aming pagkain ngayon dito sa dining area at nag-uusap na ngayon si Dad kasama si Tito Alec at Tito Luke tungkol sa business at nakisali na rin ang mga pinsan kong lalaki at ang kambal ko na kapatid sa usapan. Nang matapos na kaming kumain ay napagpasyahan ng magpipinsan na tumambay na muna kami sa labas, habang ang mga magulang naman namin ay nasa loob ng bahay at nagbo-bonding din. Nag gigitara ngayon si Kuya Caden habang kumakanta naman si Kuya Matthias at si Kuya Nik. Magkatabi kaming dalawa ni Lucianna ngayon at nakakakapit siya sa aking braso habang nakasandal sa aking balikat. “But I won’t hesitate no more, no more… It cannot wait, I’m yours….” Ang kinakanta ngayon ni Kuya Matt at Kuya Nik ay ang I’m Yours ni Jason Mraz at nakikanta na rin kaming lahat ngayon. Sayang lang at wala pa dito si Alessandra. Kumpleto sana kaming magpipinsan pero malapit na rin naman siyang umuwi. “Sana dito ka na lang, Chantal,” mahinang sabi ni Lucianna na nasa aking tabi ngayon. Napatingin naman ako sa kanya at nakita ko siyang nakangusong nakatingin sa akin. “Alam mo naman na kayo lang dalawa ni Alex ang babae kong pinsan sa father side, diba? Nakakamiss din kayong ka-bonding,” malungkot na sabi ni Lucianna. Ngumiti naman ako sa kanya at isinandal ko rin ang aking ulo sa kanya. “Magbobonding tayong tatlo kapag nakauwi na rin si Alessandra.” “Gusto ko ‘yan!” masayang sabi ni Lulu. Tumagal ng dalawang oras ang kantahan at chikahan naming magpipinsan sa labas hanggang sa naisipan na nilang magsiuwihan sa kanilang mga bahay dahil may trabaho pa bukas. Umuwi na rin ang mga Tito at Tita ko at nagpapasalamat din ako sa kanilang lahat sa effort na ginawa nila para surpresahin ako. Pinayagan na rin ako ng aking mga magulang na pumunta sa aking kwarto upang makapag pahinga. Gusto ko na rin na makapag pahinga dahil pagod na pagod ako sa byahe. Pupunta na sana ako sa aking kama ng may narinig akong katok sa pintuan ng aking kwarto kaya naglakad ako palapit sa may pintuan at binuksan ko ang pinto. Nakita ko naman ang nakangiting si Kuya Aiden ng mabuksan ko na ang pinto. Kumaway-kaway siya sa akin at suminyas siya kung pwede bang pumasok sa loob. Tumango naman ako at mas lalong binuksan ang aking pintuan upang makapasok sa loob si Kuya Aiden. “Welcome back pala, Princess,” wika ni Kuya Aiden bago siya umupo sa gilid ng aking kama at humarap siya sa akin. Lumapit naman ako sa kanya at tumayo sa kanyang harapan habang nakahalukipkip. “Thanks, Kuya. But what are you doing here? Matutulog na sana ako eh,” sabi ko. Napakamot naman siya sa kanyang batok at napangiwi. “Naistorbo ba kita? Gusto mo bang bukas na tayo mag-usap?” Umiling naman ako. “No, Kuya… it’s okay. Hindi pa naman talaga ako inaantok,” sabi ko at umupo sa kanyang tabi. “Hmm, okay, Chantal….” Kumunot ang aking noo habang nakatingin kay Kuya Aiden. “Bakit pala gusto mo akong makausap, Kuya?” Bumuntong-hininga siya at hinawakan ang aking kamay. Seryoso na ang ekspresyon sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin ngayon. “Ngayon na nandito ka na sa Pilipinas, gusto ko lang sana na malaman kung okay ka na ba?” seryoso niyang tanong sa akin. Mas lalo akong nagtaka sa naging tanong sa akin ni Kuya Aiden. “What do you mean na okay lang ba ako? Yes of course, Kuya Aiden. Okay lang po ako.” “I mean your heart, Chantal Kiara. Yes, it’s been seven years, but I know that you never had a new boyfriend or even flings in Paris after your breakup with him.” Oh…. Iyon pala ang ibig sabihin ni Kuya Aiden. He’s talking about me and Jayden. Huminga ako ng malalim at nginitian siya. “Kuya, ang tagal na nun. Seven years na ang nakalipas at naka move on na rin ako,” sabi ko sa kanya. Huminga siya ng malalim na para bang nakahinga siya ng maayos sa aking sinabi. Tumango siya at ngumiti sa akin. “That’s great to hear from you, Chantal. Gusto ko lang makasigurado dahil ayokong makita kang nasasaktan. Hindi imposible na magkita ulit kayo ni Jayden na ngayo’y nasa Pilipinas ka na. His family is a close friend of our family. Lalo na’t anak siya ni Tito Xavier.” “I know that, Kuya,” seryoso kong sabi. “And oh! By the way, he’s now an Orthopedic doctor, Chantal. Ipinagpatuloy niya talaga ang pagdodoktor niya.” Napaisip naman ako sa sinabi ni Kuya Aiden. Isa nang ganap na doktor si Jayden. I’m happy for him. Siguro ay gusto niya talagang maging doktor kahit noon pa. Isa na rin naman akong ganap na ballerina eh. Nakuha na namin kung ano ang mga gusto naming propesyon sa buhay. Hindi naman ako bitter at wala akong galit na nararamdaman para kay Jayden. Siya nga ang dapat na magalit sa akin dahil iniwan ko siya at mas pinili ko ang pangarap ko sa pagiging ballerina. Bahagya akong ngumiti sa sinabi ni Kuya Aiden at tumango. “Oh… that’s good. Alam ko na magaling siya at ginagampanan niyang mabuti ang trabaho niya bilang doktor,” sabi ko at muling natahimik. Wala na rin naman akong karapatan sa kanya eh. Pitong taon na ang nakalipas at sigurado rin akong naka move on na si Jayden at baka nga ay may pamilya na ‘yun. Hindi ko na dapat siyang isipin dahil matagal na kaming tapos. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD