EPISODE 1: THE SWAN QUEEN

1336 Words
EPISODE 1 THE SWAN QUEEN CHANTAL KIARA’S POINT OF VIEW. “Chantal Kiara Uy Coleman!” Napatigil ako sa pag-aayos sa aking sapatos nang marinig ko ang boses na iyon. Napalingon ako at hindi mapigilan na manlaki ang mga mata nang makita kong patakbong papalapit sa akin ang aking ina na si Kira Tia Coleman. “M-Mommy!” Nang magkalapit kaming dalawa ay nagyakapan kami ng mahigpit at naramdaman ko rin ang paghalik niya sa aking noo. Nang matapos na kaming magyakapan dalawa ay hinawakan niya ang aking pisngi at tinitigan ako. Hindi ko mapigilan na maging emosyonal dahil hindi ako makapaniwala na nandito ang aking ina sa aking harapan. I’m here at The Paris Opera Ballet School and it’s in Paris, France! My parents never said anything na pupunta sila ngayon dito para sa akin. “I missed you, daughter,” malambing na sabi ni Mommy at muli akong niyakap. “Payakap naman sa anak natin, Tia.” Nagkalayo kaming dalawa ni Mommy at sabay kaming napatingin sa nagsalita. “Daddy!” hiyaw ko. Nakita ko ang aking pogi at mapagmahal na ama na si Trevor Gideon Coleman. Mabilis akong lumapit papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Narinig ko ang kanyang mahinang pag tawa at hinikan niya rin ang tuktok ng aking ulo. Nang mapatingin ako sa likuran ni Daddy ay hindi ko napigilan na manlaki sa aking mga mata nang makita ko ang mga kuya ko na si Kuya Caden and Kuya Aiden. Oh My Gosh! My whole family is here to watch my performance! Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mapaiyak sa sobrang tuwa. Nilapitan din ako ng mga kuya ko at niyakap nila ako. “B-Bakit hindi niya sinabi na pupunta kayo ngayon? Y-You surprised me!” sambit ko sa kanila at maingat na pinunasan ang aking luha dahil may make-up na ako sa aking mukha. Inakbayan ako ni Kuya Aiden at muli akong hinalikan sa aking pisngi. “Hahayaan ba naming mag isa ang baby sister namin sa first ever performance niya as the ballet swan queen?” nakangising sabi ni Kuya Caden habang tinaasan ako ng kilay. Nagtawanan naman kami. Mag pe-perform kami ngayon sa maraming tao at napili ako ng ballet teacher namin na maging main character sa aming performance. Ang saya ko nang mapili ako dahil nasa akin ang spotlight mamaya at gagawin ko ang lahat para maipakita sa kanila na hindi sila nagsisi na inimbitahan nila ako rito sa Paris Opera Ballet School. Noong unang buwan ko rito sa Paris ay marami akong nakuhang pangungutya lalo na sa mga European classmates ko at minamaliit nila ako dahil hindi raw ako kasing galing sa kanila. Pero hindi ko hinayaan na maging ganoon lang ang tingin nila sa akin. I worked hard at kada oras akong nag pa-pratice para maging magaling ako at hindi nila ako kutyain at sa nakalipas na isang taon ay nakuha ko na rin ang aking minimithi, ang maging star ballerina sa aming performance ngayon. Mas lalo akong naging masaya dahil kompleto ang pamilya ko rito na pumunta upang panoorin ako na sumasayaw at para suportahan ako. Lumapit sa akin si Daddy at at tinapik ako sa aking balikat. Hinaplos niya ang aking pisngi at nginitian ako. “You can do this, Princess. Bata ka pa lang ay nakikitaan ka na namin ng Mommy mo nang kagalingan sa ballet dancing. Ilang taon mo na rin itong pinag-aralan at alam kong magiging perfect mo ang performance mo ngayon. Just enjoy the show and always remember that we are always here for you no matter what happened, okay?” malambing na sabi ni Daddy sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Humakbang ako papalapit kay Daddy at muli siyang niyakap. “Thank you, Dad. It helps me a lot. I will do everything to make you proud,” wika ko. Hinalikan niya ako sa aking noo. “No need, Chantal Kiara Coleman. We are already proud of you,” sambit ni Daddy at hinalikan ako sa aking noo. Bago sila umalis sa backstage ay niyakap muli nila ako at nagpaalam nang maupo sila sa kanilang mga pwesto sa may audience. “Miss Coleman, the event is about to start,” rinig kong sabi ng isang staff dito sa theater. Tumango ako at huminga ng malalim bago naglakad papunta sa mga kasamahan ko. May nangyaring last minute instruction ang aming choreographer at nakinig naman kaming lahat sa kanya. Magkatabi kami ng partner ko na si Dominique na gaganap bilang Prince Siegfried at magiging partner ko sa sayaw mamaya. Nang patayin na ang ilaw sa may stage ay nagsilabasan na ang mga kasamahan namin kung saan sila ang unang sasayaw. Huminga ako ng malalim at pinakalma na muna ang aking sarili. Confident ako sa aking pagsasayaw ngayon pero hindi ko pa rin mapigilan na kabahan dahil nandito ang buo kong pamilya at ayokong ma disappoint ko sila, pero sabi naman ni Daddy na mag enjoy lang ako kaya iyon ang gagawin ko. Nagsimula nang tumugtog ang kanta at sumayaw na rin ang aking mga kasamahan na ballerina. Unang lumabas si Dominique at nagsimula na siyang sumayaw habang uma-arte bilang Prince Siegfried. Yes, we’re dancing, but our dance has a storyline just like what we do right now. We are performing Swan Lake. The swan lake ballet performance is about a prince fall in love with a Swan queen who is cursed by evil sorcerer Baron von Rothbart. The swan queen only can turn into human between midnight and daybreak. “Chantal, its your turn,” rinig kong wika ng choreographer namin. Huminga na muna ako ng malalim bago lumabas at nagsimulang lumabaw. We danced gracefully and full of emotions. Tahimik ang audience at hindi ko rin nakikita dahil masyadong maliwanag dito sa stage at masyado kaming focus ni Dominique sa aming pagsasayaw. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin kaming lahat sa pag pe-perform at nag pose kami sa harapan at ngumiti. Unti-unti ay lumakas ang palakpakan ng mga tao sa audience at gustong-gusto ko man mahanap sa paningin ko ang aking pamilya pero hindi ko mahanap dahil madilim pa rin sa kanilang pwesto at maraming taong nanonood. Bago kami umalis ay lumabas ang aming choreographer at isang sikat din na ballerina na si Madame Sylvie Chevrolet. Nag palakpakan kaming lahat para kay Madame dahil malaki rin ang naitulong niya sa amin lalong lalo na sa akin. Nang matapos na kami sa stage ay bumalik na kaming lahat sa may backstage at masayang-masaya kami dahil hindi kami nagkamali. “Good job, Coleman,” nakangiting sabi ni Dominique at tinapik ang aking balikat. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Umupo ako sa may upuan at bahagyang inikot-ikot ang aking paa nang makaramdam ako ng sakit nito. “Chantal!” Muli akong napatayo nang marinig ko ang boses ni Madame Sylvie. Ngumiti ako sa kanya at tumnago. Nang makalapit sa akin si Madame ay niyakap niya ako at hinalikan ang aking pisngi. “You’re amazing! You look so perfect while performing earlier as a swan queen,” nakangiting sabi ni Madame. Hindi ko mapigilan na maging emosyonal dahil idol na idol ko si Madame at isa siya sa nga hinahangaan ko rito sa paaralan namin at isa siya sa naging dahilan kung bakit naging dream school ko ang The Paris Opera Ballet School. “Thank you so much, Madame. You helped me a lot to improve my ballet dance. I am so happy that you choose me to be the swan queen, and I’m forever grateful about that,” nakangiti kong sabi kay Madame. Ngumiti siya at tinapik ang aking balikat. “You deserve it, Miss Coleman. There are more a lot of opportunities come to you after this so ready,” wika niya at kinindatan ako bago umalis. Hindi mawala ang ngiti sa aking labi kahit nakaalis na si Madame Sylvie. Unti-unti nang natutupad ang aking pangarap at ito pa lang ang simula, marami pa akong mararating sa aking ginagawa. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD