EPISODE 2: MEET HIM AGAIN

1903 Words
EPISODE2 MEET HIM AGAIN CHANTAL KIARA’S POINT OF VIEW. “You are more comfortable here, Chantal.” Napatigil ako sa aking ginagawa sa aking phone nang marinig ko ang boses ni Kuya Aiden. Pagkatapos ng event sa theater ay kumain kami sa labas kasama ang buong pamilya at dito na muna sila sa aking condo unit nag stay dahil gusto rin muna ng mga magulang ko na mamasyal dito sa Paris at mas makakatipid sila kung dito sila mag stay sa unit ko. Si Kuya Aiden lang ang nagpaiwan dito kasama ang mga magulang namin at si Kuya Caden naman ay bumalik din kaagad sa Pilipinas. Meron kasi siyang importanteng gagawin at siningit niya lang ang pagpunta rito upang mapanood ang first ever performance ko as the main lead and I am very happy dahil nag effort si Kuya para mapuntahan ako rito at ma-supportahan niya ako. Ngumiti ako kay Kuya Aiden. Umupo siya sa aking tabi at inakbayan ako. Kahit na kambal ang dalawa kong Kuya ay malalaman ko kaagad kung sino si Kuya Aiden at Kuya Caden kahit magkamukha sila. Si Kuya Aiden ay palangiti at malumanay rin siyang magsalita, si Kuya Caden naman ay palagi na lang nakakunot ang noo at malamig din ang kanyang boses kapag nagsasalita pero pareho silang sweet at close sa akin kaya love ko sila pareho at walang lumalamang. “I’m still adjusting my life here in Paris, Kuya Aiden, but I’m so happy with my school, and I think I made a lot of improvement in my skills and also my personality. I’m more independent, and I learned a lot of things while I am all alone here in Paris,” pag ku-kwento ko kay Kuya. Ngumiti si Kuya Aiden at bahagyang ginulo ang aking buhok. Napatitig siya sa akin habang may ngiti pa rin sa kanyang labi. “I saw that the first time I saw you backstage when we surprised you. And when you start performing on the stage, damn! I cried a lot. Caden laughed at me because I looked stupid, but I didn’t care. I’m just so proud of you, our Princess.” He caressed my cheeks, and he smiled at me. “Thank you, Kuya Aiden.” Wala akong ibang masabi sa kanya ngayon. I’m so happy. Even though I’m still broken these days, I still have my family who always support me. “I’m sad. I feel I lost my baby princess. My baby is not a baby anymore because she has already grown up,” nakangusong sabi ni Kuya Aiden habang maluha-luhang nakatingin sa akin. I chuckled. Lumapit ako kay Kuya Aiden at niyakap siya. This is what I love about my family, wea re really close to each other and even though we aready grown up, we never forget to be sweet and clingy to each other, even Kuya Caden na masyadong cold pero kapag nasa bahay siya at bini-baby siya ni Mommy ay wala na siyang magagawa kundi ang pagbigyan ang Mommy namin. “Hindi mo kasama si Sabina?” I asked Kuya Aiden while still hugging him. Kuya Aiden’s girlfriend is Sabina Generoso Santiago, Tita Sabrina’s first daughter, and Tita Sabrina is Daddy’s best friend when they are still in college. Kuya Aiden and Sabina have been together since high school, and they are so in love with each other. “Sabina’s busy in her modeling career, and she’s going home to their province, so she has no time to come with me here, but she wants to say congratulations to you,” Kuya Aiden’s said and kissed my forehead. I smiled and nodded. “Ikaw, kumusta ka na?” Napakunot ang aking noo at napatingala kay Kuya nang tanungin niya iyon sa akin. “How am I? I’m fine, Kuya,” sagot ko sa kanyang tanong kahit na naguguluhan ako. Mahina siyang tumawa at bahagyang lumayo sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat. “I mean your heart, your feelings, baby princess,” seryosong sabi ni Kuya Aiden habang nakatitig sa aking mga mata. Napakagat ako sa aking labi at umiwas ng tingin sa kanya. Naramdaman ko rin ang malakas na pagkabog ng aking puso at pinagpapawisan din ako. Hindi ako makasagot sa tanong ni Kuya Aiden sa akin dahil pati ako ay hindi ko alam kung kumusta na ba talaga ako. Mag da-dalawang taon na rin ako rito sa Paris at ganoon din ang paghihiwalay naming dalawa ni Jayden. “He’s now taking medicine degree, Chantal. He wants to be a doctor.” Muli akong napatingin kay Kuya Aiden nang sabihin niya iyon sa akin. Hindi ko mapigilan na magulat sa kanyang sinabi dahil iyon ang ayaw kong propesyon na kunin niya. Napag-usapan kasi namin noon kung ano ang mga propesyon na ayaw naming makita sa isa’t isa at ang sagot ko sa kanya ay doctor habang siya naman ay Ballerina. Kahit noong nagsisimula pa kami sa relasyon namin ni Jayden ay ramdam kong ayaw niya sa pinili kong track pero wala siyang sinasabi dahil nire-respeto niya pa rin ako. Ngayon ay nag ta-take siya ng course na medicine at hindi ko talaga mapigilan na magulat. Civil Engineering ang gusto niyang kunin kasama si Matthias na pinsan ko pero hindi ko akalain na sa ibang propesyon pala siya dadalhin. Ginawa niya ba ito dahil mas pinili ko ang pagiging ballerina ko kaysa ang makasama siya? “Oh? Bakit tulala ka diyan?” tanong sa akin ni Kuya Aiden habang kinakaway ang kanyang kamay sa aking harapan. Napakurap ako sa aking mga mata at bahagyang ngumiti sa kanya bago tumayo. “N-Nothing. Gusto ko nang matulog, Kuya Aiden. Samahan na lang kita sa LV shop bukas para makabili ka ng regalo para kay Sabina,” sabi ko kay Kuya. Ngumiti naman siya at tumango. “Okay, baby princess. Good night!” Kumaway ako kay Kuya bago naglakad papunta sa aking kwarto. Maaga rin nagpahinga ang mga magulang namin dahil plano raw nilang mag date rito sa Paris bukas at pinagbigyan naman namin ni Kuya sila Mommy at Daddy dahil masyado rin silang busy sa trabaho nila kaya deserve rin nilang magpahinga at mag date. Nang makarating ako sa aking kwarto ay agad akong dumiretso sa CR upang makapag-ayos sa aking sarili at mag bihis para makatulog na ako. Nang matapos ko na mag ayos ay humiga na ako sa aking kama at aakmang ipipikit ko na ang aking mga mata nang marinig kong tumunog ang aking phone. Kinuha ko muna ito at tinignan kung sino ang nag text. Hindi ko mapigilan na mapangiti nang makitang si Kuya Caden pala ito. From Kuya Caden: Good night, baby princess! My Kuyas are so sweet. Wala man akong boyfriend, may dalawang kuya naman akong super sweet at super alaga sa akin kaya it’s fine. -- Maagang umalis sila Mommy at Daddy para mag date at nag luto na rin muna ako ng breakfast namin ni Kuya Aiden bago kami lumabas ng unit ko at pumunta sa pinakamalapit na LV shop dito dahil bibilhan niya ng regalo ang kanyang girlfriend na si Sabina. Kuya Aiden is so sweet and I hope na sila na talaga ni Sabby hanggang sa ikasal sila. “Ano bang magandang iregalo kay Sabina, Chantal?” tanong ni Kuya habang nagkakamot sa kanyang ulo. Nandito na kami sa LV shop at may dalawang sales lady na rin na lumapit sa amin at ina-assist kami kung ano ang aming bibilhin. Napanguso ako dahil hindi ko rin alam kung ano ang bibilhin dahil hindi naman kami gaanong close ni Sabina pero she’s so kikay and she’s a model kaya baka matutuwa ‘yun pag binilhan siya ng damit or coat. “Try dresses and coats, Kuya,” wika ko sa kanya. Tumango naman siya at nag tanong sa sales lady. Nagpaalam na muna si Kuya sa akin at ako naman ay nilibang ang aking sarili sa paghahanap ng bibilhin ko para sa aking kaibigan na si Christine. Ipapadala ko na lang kay Kuya Aiden ito upang ibigay sa aking kaibigan na nandoon sa Pilipinas. Habang namimili ako ng mga damit ay hindi ko mapigilan na mapatingin sa lalaki sa aking harapan na malapit lang din sa akin. Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na napatalikod nang makakita ako ng isang lalaki na napaka-pamilyar sa akin. Bakit siya nandito?! Mabilis kong tinakpan ang aking mukha at nagtago bago patakbong pumunta kung nasaan si Kuya Aiden. Nakita ko siya sa may mga coats at busy siya habang nakatingin sa mga naka display na coats pero natigil lang siya nang hilain ko siya paharap sa akin. “What the hell? What’s wrong with you, Chantal?” nagtatakang tanong ni Kuya. Pinakalma ko na muna ang aking sarili at napalunok sa aking laway bago mag salita. “I saw Jayden here at LV shop,” seryoso kong sabi. Tumango naman siya na para bang hindi na siya nagulat. Pinanlakihan ko siya ng aking mga mata. “Kuya! I said he’s here!” muli kong sabi. Inirapan niya ako. “I know, Chantal. I saw him earlier, and we greeted each other. It’s not impossible that he’s here. Chantal, his mother is half-French, and they also live here, remember?” Napabuntong hinga ako at napahilamos sa aking mukha. Ngumiti si Kuya sa akin at tinapik ako sa aking balikat. “Don’t be affected that he’s here, baby princess. Hindi ka pa rin ba naka move on?” nakangisi niyang tanong. Matalim ko siyang tinignan at inalis ang kanyang kamay sa aking balikat. “I already moved on, Kuya! Diyan ka na nga!” inis kong sabi at tumalikod sa kanya. Ano naman kung nandito siya?! Mag da-dalawang taon na simula noong nag break kami at naka move on na rin ako—well, a little bit? Pero hindi naman ako dapat na maging affected! “Chantal?” Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang boses na iyon sa aking likuran. Hinay-hinay akong humarap sa kanya at nakita ko na rin siya sa wakas. Para akong tinakasan ng hininga habang kaharap siya ngayon. Ngumiti siya sa akin. “You’re here!” masaya niyang sabi. Napakurap ako sa aking mga mata. He’s not mad at me? Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti. “Y-Yeah, I’m… I’m here,” nauutal kong sabi. Lihim kong kinurot ang aking likuran dahil nauutal ako. Nagmumukha akong ingot sa harapan ni Jayden. “I heard from Aiden that you performed yesterday in Paris Opera Theater congratulations, Chantal.” Bahagya akong ngumiti kay Jayden. “Thank you—” “Jayden!” Hindi ko na naituloy ang pagsasalita ko nang may biglang lumapit kay Jayden na isang babae at kumapit ito sa kanyang braso at sumandal sa balikat ng lalaki habang nagpapa-cute. “I can’t find my dream dress here, Mon beau,” malumanay na sabi ng Babae. Ngumiti si Jayden at bahagyang hinaplos ang pinsgi ng babae. “Okay, Ma belle. Let’s go to another store,” wika ni Jayden. Muling tumingin sa akin si Jayden at ngumiti. “It’s nice to see you again, Chantal. Uuna na kami sa inyo ni Aiden,” paalam ni Jayden at umalis na sila ng babaeng kasama niya. Tulala ako hanggang ngayon. Kaya ba parang wala na lang ako kay Jayden dahil meron na siyang girlfriend? Napahawak ako sa aking dibdib at huminga ng malalim. Bakit ang sakit pa rin? TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD