SIMULA

1079 Words
THE BALLERINA’S DOWNFALL SIMULA “I don’t want this anymore. I’m so tired of being the number two, Chantal.” Napakurap ako sa aking mga mata at napaawang sa aking bibig habang kaharap ang boyfriend ko na si Jayden Adam Lockwood. Masaya akong pumunta dito sa classroom nila para ibalita sa kanya na makakuha ako ng invitation sa pinapangarap kong ballet school sa Paris, pero hindi ako makapaniwala na ganito ang mangyayari sa pag-uusap namin ngayon. “A-Anong sabi mo?” tanong ko sa kanya. Ang lakas ng t***k ng aking puso at kinakabahan ako kung saan patungo itong pag-uusap namin ni Jayden. Mahal ko si Jayden. Mahal na mahal ko siya at mahal ko rin ang pagiging ballerina ako. Bata pa lang ako ay alam ko na kung saan patungo ang buhay ko at ito ay maging isang ballerina. Pero nang makilala ko si Jayden at napamahal ako sa kanya ay nadagdagan ang pangarap ko at ito ay ang makasama siya habambuhay. Bumuntong hininga siya at napahawak sa kanyang beywang bago muling nag-angat ng tingin sa akin. “You need to choose, Chantal. Pagod na pagod na akong mag adjust palagi sa relasyon na ito,” muli niyang sabi. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na maging emosyonal habang nakatingin sa kanya. “H-Hindi mo na ba ako mahal?” mahina kong tanong sa kanya. Umiling siya at malungkot akong nginitian. “Chantal, mahal na mahal kita. Mahal kita pero pagod na ako sa ganito… pagod na ako na palagi na lang akong number two diyan sa buhay mo. Palagi ka na lang ballet, ballet school, practice, wala ka nang panahon sa akin! Boyfriend mo pa rin ba ako? Bakit nararamdaman kong boyfriend mo lang ako kapag natapos ka diyan sa pagsasayaw mo,” wika ni Jayden. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na napaiyak habang nakatingin sa kanya na sinasabi iyon sa aking harapan. Ang sakit. Ang sakit marinig ang mga salitang iyon galing sa lalaking pinakamamahal mo. Akala ko supportive siya sa mga ginagawa ko, hindi pala. Mas pingabubutihan ko pa naman ang mga practice ko para maging proud pa siya sa akin pero hindi pala. Tutol siya sa pagiging ballerina ko, sa aking talent. “J-Jayden, mahal naman kita. Boyfriend pa rin naman kita,” humihikbi kong sabi. Matalim niya akong tinignan. “Then, tigilan mo ang pagsasayaw mo! Focus on me! Treat me as your boyfriend! Hindi iyong ako na lang palagi ang mag a-adjust, Chantal Kiara Coleman!” galit na sigaw ni Jayden. Buti na lang at walang ibang tao rito sa hallway kundi nakakahiya talaga dahil maririnig nila ang pag-aaway naming dalawa ni Jayden dito. “J-Jayden, hindi ko naman ata kaya ‘yan,” mahina kong sabi. Umigting ang kanyang panga at malamig akong tinitigan. “You need to choose, Chantal. Mahal mo ako diba? Choose me.” Napakagat ako sa aking labi at napahikbi habang nakatingin sa seryosong mukha ni Jayden. Hindi siya nagbibiro at kayang-kaya niya akong iwan kung hindi man siya ang piliin ko. Humakbang ako papalapit sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay at bahagya itong hinaplos. Muli akong napahikbi at tumingala sa kanya. Umiling ako at nagmamakaawa na sa aking boyfriend. “Jayden, don’t do this, please. Ballet is my life! I can’t live without doing ballet dancing, Jayden,” umiiyak kong sabi habang nakatingin sa kanyang mga mata. Unti-unti niyang inalis ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay at bahagyang umatras upang mapalayo siya sa akin. Natulala ako at hindi makahinga ng maayos habang nakatingin pa rin sa kanya. “What about me, Chantal? What am I to you?” he asked. Napapikit ako sa aking mga mata at huminga ng malalim. Hindi ko kayang mawala sa akin si Jayden pero mas hindi ko kayang isuko ang pag ba-ballet ko sa isang lalaki lang. Hindi ko kayang isakripisyo ito dahil bago ko makilala si Jayden ay na-diskobre ko na itong pagsasayaw ko. “You’re my boyfriend, Jayden,” sagot ko sa kanyang tanong at muli siyang tinignan. Sarkastiko siyang tumawa. Hindi ko rin mapigilan na mas lalong masaktan nang makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. “I can’t feel it, Chantal. Parang… parang hindi mo naman ako boyfriend,” sabi niya at muling tumawa kahit wala namang nakakatawa. Umiwas ako ng tingin sa kanya at hindi nagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. “I want you to choose, Chantal. But I am still hoping that you choose me,” mahina niyang sabi. Muli akong napatingin kay Jayden at nakita ko ang pag tulo ng luha sa kanyang mga mata kaya hindi ko na ulit mapigilan ang sarili ko na umiyak. Masaya naman kami ni Jayden sa unang taon namin sa aming relasyon, pero habang tumatagal ay mas napapadalas na rin ang pag-aaway naming dalawa at ngayon ay alam ko na ang dahilan kung bakit siya nag bago. “Jayden…” Hindi siya nagsalita. Hinihintay niya ang susunod kong sasabihin. Alam kong mahal na mahal ako ni Jayden at ramdam ko iyon. Hindi ako dapat ang magalit sa kanya dahil ako naman ang nagkulang sa relasyon namin. Inaamin kong naging pabaya talaga ako at palagi kong iniisip na okay lang kay Jayden ito dahil hindi naman siya nag co-complain at nagsasalita, pero hindi ko akalain na tinago lang pala niya ito sa akin at ngayon ay napagod na siya at sinabi niya na rin sa wakas. Malungkot akong ngumiti kay Jayden at muling umiyak. “I can’t give up my dream,” mahina kong sabi sa kanya. Bahagya siyang ngumiti at napayuko. Alam niya. Alam niya kung ano ang pinili ko. Muli siyang nag-angat ng tingin sa akin at huminga ng malalim. “Good luck with your dream school. I hope you succeed and achieve your dream,” Jayden said and turned away from me. Napatakip ako sa aking bibig at tahimik na umiyak. I choose my dream more than him. He left me. Don’t worry, Jayden. Hindi ko hahayaan na masayang lang ang pagsasakripisyo ko sa pag-ibig ko sa ‘yo. Magiging sikat na ballerina ako at matutupad ko ang pangarap ko. Naniniwala pa rin ako na may perpektong oras at panahon para sa aming dalawa ni Jayden. Kailangan na rin talaga naming maghiwalay dahil naging toxic na kaming dalawa at kapag pinatagal pa namin ito ay hindi na talaga namin masasalba ang isa’t isa. Until the next time we meet, Jayden Adam Lockwood.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD