"Simba tayo bukas ate." bungad saakin ni mina.Tumango naman ako bilang sagot dahil halos hindi parin pumapasok sa utak ko iyong sinabi niya dahil antok pako.Nilagpasan ko ito at sumenyas na kakain ako na ikinangiti naman nito.Hihikab hikab ako habang naglalakad papunta sa kusina.Sabado na ngayon at tila ilang araw ko ng nararamdaman ang pagod na dati ay diko naman alintana.
"Kain ate."si vica.Mahilig talaga itong kumain,halos kalahati ng araw ay palaging nasa kusina ito.Kay lakas lakas kumain pero hindi naman tumataba,may maganda itong pangangatawan na kahit lumamon ng lumamon ay hindi mamomroblema kung paano magpapayat dahil sa hobbies na kumain ay neh minsan hindi pa ito lumagpas sa katamtamang katawan.
"Anong ulam?" naupo ako sa tabi niya.Napakunot noo at napanguso ako sa ayos nito.Nakaupo ito na sarap na sarap sa pritong manok habang nakataas ang isang paa. "Hoy vica,bakit ganyan ka kumain nakataas pa ang paa." irita kong tanong pero mahahalata parin saakin na antok dahil sa paghikab hikab ko.
"Mas kumportable kasi ako ate isa pa tayo tayo lang naman ang nandito buti sana kung may iba pa." depensa nito habang ngumunguya.
"Kahit pa vica.ke babae mong tao ganyan ka umupo.paano nalang kung sa ibang bahay ka eh di nakita na ng iba iyang singit mo.hilig hilig mo paman ding magsuot ng mga ganyan." sabay nguso ko sa suot nitong short na ubod ng ikli.Natawa naman ito sa pag sermon ko kaya tinignan ko ito ng matalim.
"Ate syempre hindi naman ako magtataas ng paa gaya nito kung may ibang tao,grabe ka manermon aga aga ganyan bungad mo.daig mo pa si mama eh.Bumalik kana nga ng Canada para makita mo ulit iyong bastos mong Prince charming hahahaha." sabi nito na ikinasira ng umaga ko."ouch!! ate naman!" binatukan ko ito dahil sa huling sinabi niya.Nakwento ko kasi sakanilang dalawa ni mina ang tungkol Kay Carl,kung paano ako bastusin at pahiyain nito na ikinakilig pa ni mina.Palibhasa may nobyo.Kinausap ko din ang mga ito na wag ng banggitin pa Kay inay baka biglang magpafiesta dahil may nagtangkang kumuha ng halik saakin.
"Tigil tigilan moko vica ah,wag mo tuluyang sirain ang araw ko.never na akong babalik doon.isa pa,anung Prince charming!?yuck! sayo nalang siya gusto mo?" sabay irap ko sakanya.kukuha pa sana ito ng isa pang hita ng prito ng manok pero mabilis kong kinuha ang Plato na may natitira pang tatlong piraso at inilayo sakanya. "uubusan mo pa ako.uy may ibang tao dito hindi lang ikaw." sabi ko at kumagat sa isang hita ng manok.
"Grabe to! nakadalawa palang kaya akong manok.meron namang hotdog diyan oh at tocino bakit yan pa ang kinuha mo." pagrereklamo niya saakin.
"Uy excuse me,ako ang bumili nito diba.di ka pa nagsasahod eh haha." pang aasar ko na ikinabusangot naman niya.
"Eh nagtitipid ako eh,balak ko kasing mag resign na at sumubok ng ibang trabaho ate." sabi nito habang nilalaro laro ang daliri sa mesa.
"Bakit pa?maganda naman trabaho mo diba ?isa kang supervisor tapos aayawan mo lang?gaga ka talaga. mahirap maghanap ng trabaho ngayon."
"Nagsasawa nako sa trabaho ko,minsan halos sadyain kong gumawa ng Mali mapatalsik lang ako kaso walang effect haha." namilog ang mata ko sa sinabi nitong rason.Halos lahat ng tao naghahangad ng magandang trabaho pero itong si vica ay iba.parang ewan."Gusto kong itry iyong nasa mababa lang ba,ung maraming kapantay na hindi ako tinatawag na ma'am." napaikot ako ng mata dahil sa pinagsasasabi nito kaya imbes na sumagot ay kumain nalang ako ng kumain kesa uminit lang ang ulo ko dahil sa babaw ng dahilan nito.
"Ate,nasabi ko na Kay mama na magsimba tayo bukas." napatingin naman ako dito Kay mina bigla kasing sumulpot.
"Ha? Sunday bukas may lakad ako sa sunod nalang mina."
"Ano!?kanina lang pumayag ka ah.anu ba yan nasabi ko pa naman na Kay Alfred para sana makilala mo siya." napabusangot nitong sagot.
"Hoy mina.hindi ko alam yang sinasabi mong pumayag ako ah.isa pa dalhin mo dito iyang Alfred mo kung gusto mo talagang makilala ko ng masabon sabon ko ng mga salita." unti unti nakong nawawalan ng gana dahil sa dalawang kapatid kong ito.kung si mina ay makulit,si vica naman ay ubod ng pasaway.
"Tumango ka kasi kanina eh nung tinanong kita."
"Sorry antok pa kasi ako kanina kaya tango tango lang ako pero diko talaga naintindihan. Next Sunday nalang sabihin mo Kay mama kasi magkikita kami ni shane bukas eh at yang boyfriend mo....naku!naku! bahala kana nga."
"Sige na nga." tipid nitong sagot at kumuha ng isang hotdog saka bumalik sa sala.Napatingin naman ako sa katabi kong si vica habang kinakain ang huling pritong manok.
"Akin yan eh!" taas tono kong sabi pero nag peace sign lang ito saakin."Vica lamon ka ng lamon,sana lang one day maging baboy ka ewan ko nalang sayo."
"Grabe ka talaga." inirapan ko lang ito at tinuloy ang kinakain.
"Ate may tumatawag sa cellphone mo!" sigaw ni mina mula sa sala.Tumayo ako at Dali daling pumunta sa kwarto ko at tinignan ang screen ng cellphone ko.unknown number!
"Sino to?" tanong ko agad ng sagutin ko.
"Hi lali.it's me carl." nanlaki ang mata ko sa narinig kong pangalan Kaya tinignan ko ulit ang screen kung Tama ba akong may kausap o antok parin ako pero hindi ako nananaginip dahil talagang may kausap ako!Biglang uminit ang ulo ko.
"Hoy lalaking bastos! paano mo nakuha ang numero ko!?" halos sigaw kong sagot.
"Aaaahahaha hindi ka parin ba nakaka move on?tagal ng may mangyari saten ha at hanggang ngayon ay galit ka parin." tawa tawa nitong turan.ang yabang talaga ng Hayop na ito.
"Excuse me Mr.manyak! itatama ko lang ha? wala pong nangyari saaten okay?isa lamang iyong halik kaya pwede ba tigilan moko!saan mo nalaman ang numero ko!?" para na akong mapuputulan ng ugat sa inis ko dito.
"Haha okay okay.Kay angel ko nalaman,so nandito kana pala sa pinas."
sabi nito na halatang may pang aasar sa tawa.
"Wala kang pakialam!" sigaw ko pero lalo lang itong tumawa. "Asshole! wag ka ng tatawag!"sabay off ko sa cellphone.Napahawak ako sa dibdib hindi ko alam pero parang ang lapit lapit lang ng bastos na iyon saakin.Tuluyan ng nasira ang araw ko dahil sakanya.kelan mo ba ako tatantanan! mahina kong sigaw sabay hila sa dulo ng mga buhok ko dala ng sobrang pagkainis.