Nagpaalam ako sakanila na magpapahinga na dahil nakaramdam ako ng pagkahilo dahil siguro sa byahe.Pumasok ako sa dati kong silid at napangiti dahil walang nagbago dito kahit pa nawala ako ng dalawang taon.Humiga ako at ipinikit ang mga mata habang sila inay at ang dalawang kapatid ko ay naiwan sa sala dahil hanggang ngayon ay nag aagawan sa mga dala ko.Hindi ako makatulog kahit pa nakapikit na ako feeling ko kasi umiikot ako kahit pa nakahiga lang naman.
Napamulagat ako ng maalala ang kaibigan kong si shane."total hindi rin naman ako makatulog kaya kakamustahin ko nalang siya." sabay bangon at kinuha ko ang papel na nakasulat ang numero niya.
Nakailang ring na ay wala paring sumasagot.Naka tatlong beses na ata akong dayal pero wala parin,napagpasyahan kong sa ibang araw nalang siya tawagan ulit dahil baka busy siya pero bago ko icancel ang tawag ay siya namang pag sagot nito.
"Hello?" bungad niya.napangiti naman ako at parang ayaw ko pang magsalita dahil gusto ko pang marinig ang boses nito kaya kinagat kagat ko ang daliri ko habang napapangiti.
"Hello Sino ito?kung nangtitrip ka lang ibababa ko na ito." pag susungit niya kaya napatawa ako ng malakas na ikinagalit ata niya.
"Pinagloloko mo ba ako!?" iritang sabi niya saakin.
"I miss you shane." biglang tumahimik ito. "Sorry kung hindi kita natatawagan o nakakamusta noon,busy lang talaga ako."dugtong ko
"Wait! is this Lali?" Parang sumisigaw ito sa lakas ng tono ng boses kaya napakamot ako sa ulo.Tumango ako bilang sagot kahit pa hindi ako nito nakikita.Akala ko nakalimutan na niya ako. "Lali ikaw ba ito?" dugtong niya.
"Oo Shane.I miss you."
"Oh my god! nakauwi kana!?" ang lakas ng boses nito kaya bahagya kong inilayo ang cellphone sa aking tenga.
"Oo kanina lang,kumusta kana?"
"Naku mabuti kung ganun!okay na okay ako bruha! kita naman tayo oh miss na miss narin kasi kita." natawa naman ako halatang masaya ito sa boses palang kasi ay halata na.
"sure! siyanga pala,congrats ha dahil kinasal kana pala at my bonus pang baby hehe celebrate tayo?sa sunday pwede ka?double celebrate!" masigla kong turan.
"Thats a great idea!Thank you Lali.ikaw ba may nobyo na?" balin niya saakin.
"Wala hahahaha." tawa ko.eh sa wala naman talaga at panigurado akong sermon nanaman ako nito
"What!?" at bulalas nga niya.sakit sa tenga! "Hanggang ngayon ba naman!?naku lali nakakatakot kana ha."
"At bakit naman nakakatakot aber?" makareact naman ito parang dipa ako kilala samantalang kilalang kilala naman ako nito.Napaikot tuloy ang mga mata ko sa sinabi niya.
"My god your 29 and No BOYFRIEND SINCE BIRTH lali!" pangalandakan talaga?hahahahaa eh anu namang kaso nun sakin wala naman akong pakialam. "Buti sana kung panget ka maintindihan ko pa kaso hindi eh,maganda ka!maganda ka!" kulang nalang ay hampasin ako nito sa taas ng boses at pagkainis kaya salamat naman at sa cellphone palang kami nag uusap.
"Makareact ka noh parang napaka big deal ng bagay na iyon."
"Hoy babae,tumatanda kana kaya big deal iyon." bata pa naman ako ah.
"Eh kasi naman wala pa talaga akong makita tsaka pampagulo lang kasi talaga iyong lalaki."
"Grabe ka talaga.oh siya saan tayo magkikita sa Sunday ?" pag iiba ni shane ng usapan halatang irita ito nag iba kasi ang tono ng boses.
"ikaw nalang bahala,dapat sunduin moko mayaman kana eh hahaha." para menus gastos sayang din tsaka mayaman naman na talaga siya gaya ng sinabi ni inay kaya walang problema sakanya iyon.
"Okay okay.sige sunduin kita dyan ng umaga mga 8am sa sunday?"
"Sige thank you!iba na talaga kapag rich!hahahaha"
"Hindi naman ako mayaman gaga.yung asawa ko iyon hindi ako." sus asawa nga eh diba eh di mayaman narin.
"Hahaha ayaw pa aminin nito,anung feeling makahawak ng maraming pera girl?naku ako kaya kelan yayaman,kahit magkanda kuba ako sa pagtatrabaho ay ganun parin estado ko kaloka!" siguro nga ay nakatadhana na saakin na hanggang sa gitna lang ako Hindi mayaman hindi mahirap kahit pa magtrabaho ako buong araw ay ganun at ganun parin.Hindi naman ako nagrereklamo as long as nabibigay ko mga kailangan ng Mahal ko sa buhay ay okay na okay na ako.at pasasalamat ko iyon sa panginoon dahil hindi niya kami pinapabayaan.
"Ewan ko sayong babae ka.kung hindi lang kita kaibigan ay hindi talaga ako magpapakita saiyo.miss na miss na kasi kita eh."
"Ahahaha I miss you too shane."
"Sira! speaking of yumaman.gusto mo yumaman? mag asawa ka ng mayaman ganun gamitin mo iyang utak at ganda mo hahaha." sabi nito na nakakaloko sabayan pa ng tawa.
"Tsk! ganyan ba ginawa mo sa asawa mo hahahaha!" biro ko.
"Ay baliw ka! hindi noh!di ako ganun,kaya nga magkaibigan tayo eh kasi matino tayo!" depensa nito.Sobrang saya ko na nakakausap ko na ulit ito.
"Hahaha tama ka.alam mo naman pala iyan eh,"
"Naku ipapakilala kita sa asawa ko at sa kaibigan niyang si carl gwapo iyon mahuhulog panty mo dun." sabi nito na parang si angel haha.pero teka! carl ba ang sinabi niya? bigla akong kinabahan dahil sa binanggit niyang pangalan.no!no!no! baka kapangalan lang iyon kaya kalma ka lang.pagpapahinahon ko sa sarili.Sa laki ng mundo at lawak ay malabong iisang tao ang sinasabi niya at ang taong nasa isip ko.
"ganun." tipid kong sagot.bigla akong nawalan ng gana dahil sa pangalan na narinig ko.naalala ko nanaman tuloy ang bastos na iyon.
"Oh ayan nanaman hindi mo pa nakikita ganyan na agad reaction mo.promise ibang iba yun sa mga lalaking nakaharap mo." sabi ni shane.Hindi ko alam pero talagang hindi ko gusto ang balak nito.Kinakabahan ako.
"Okay!okay! oo na.kahit pa hindi ko gusto." dahil ayoko ng pag usapan pa talaga
"Great! makikilala mo iyon sa baby shower busy din kasi iyon nagpapayaman ng husto.Saktong sakto din mayaman yun diba gusto mo yumaman hahaha."
No!hindi pwede!baka talagang nagkataon lang na kapangalan nito at mayaman din."we will see." sagot ko at nagpaalam na. lalo akong nahilo sa sinabi niya.