Nakaayos na ako lahat lahat at tanging si shane nalang ang hinihintay ko.excited akong makita ito kaya habang nagsusuklay ng buhok ay napapangiti ako sa harap ng salamin.
"Ate! nasa labas na si ate Shane!" sigaw ni mina.ang kapatid kong si vica ay nasa trabaho ang alam ko ngayon ang araw na sasabihin niyang magreresign na sa trabaho.Si inay naman ay pumunta ng palengke,nagbilin ito na sasaglit lang pero mukhang hindi ko na mahihintay pa dahil dumating na nga si shane.
Agad akong umayos at kinuha ang sling bag saka lumabas na ng aking silid.halos takbuhin ko ang pinto palabas dahil sa sobrang kasiyahan.Napatawa naman ang aking kapatid na si mina dahil muntikan na akong matisod samantalang simpleng wedge lang naman ang suot ko na hindi kataasan.Nakasuot ako ng tattered jeans na tinernuhan ko ng sleveless crop top.
"Mina ikaw ng bahalang magsabi Kay mama ha tagal niya eh." bilin ko at tuluyan ng lumabas ng tumango ito.
Pagkalabas ng pinto ay bumungad saakin ang kaibigan kong si shane kahit pa buntis ito ay masabi kong lalo itong gumanda.mayaman na eh haha! nadako ang paningin niya saakin at halos lumuwa ang mga mata nito ng masilayan ako.Napangiti ako,iyong ngiti na kulang nalang ay umabot sa tenga.Niyakap ko ito ng mahigpit at humalik sa pisngi.
"Namiss kita bruha." sabi ko.gusto ko itong hampasin sa braso na gaya ng dati naming lambingan kaso hindi ko magawa ngayon dahil buntis ito.
"Grabe Lali.your so beautiful!lalo kang gumanda at sumeksi!" sabay hampas sa braso ko.Hindi ako makaganti kaya itinawa ko nalang.
"Ayts Hindi oobra saakin iyan lalo pat mayaman kana.Hindi mo ako mauuto." sabi ko dahil baka niloloko lang ako nito para ako ang taya.
"Hahaha baliw ka talaga!I'm just telling the truth!" sabi nito sabay angkla ng kamay sa braso ko at hinila ako papasok ng kanyang sasakyan.may kasama itong driver.iba na talaga kapag mayaman.
"ayaw akong paalisin ni jake na ako lang kaya ito." sabi niya sabay nguso sa driver.Ngumiti naman ako bilang sagot.
Dinala niya ako dito sa mamahaling restaurant.Medyo may kalayuan dahil inabot kami ng kalahating oras kahit pa walang traffic kaya pala imbes na alas otso ng umaga ay mag 7 ako nito sinundo mabuti nalang talaga at maaga akong nag ayos dahil sa sobrang excitement.
Masaya kaming nagtatawanan habang kumakain ng cake.Naikwento rin niya na nagkaroon siya ng matalik na kaibigan.Noong una ay nakaramdam ako ng selos pero unti unti ay naglaho din iyon dahil sa mga kwento niyang masarap kasama ito at magkakasundo daw kami.Nalaman ko ding na ang kaibigan niyang iyon ang naging dahilan kung paano niya nakilala ang naging asawa dahil ito ay magkapatid.Sa panahon talaga ngayon ay hindi mo masasabi kung anu at Sino ang nakatadhana para sayo.
Naikwento ko din sakanya ang mga naging karanasan ko sa Canada at isa na doon ang tungkol sa lalaking nambastos saakin.Halos maluha ito sa kakatawa dahil may taong hindi natakot saakin.
"I really can't believe this!hahaha.I wanna meet that guy Lali promise!" tawa tawa nitong turan.napairap naman ako.INIS na inis ako habang ito naman ay panay ang tawa wala naman nakakatawa doon.Hindi ko binanggit ang pangalan ng bastos na iyon kaya pinangalanan ko nalang itong manyak.
Patuloy sa pagtawa itong si shane na ayaw atang paawat kaya hinayaan ko nalang kaya imbes na sumagot ay sumubo nalang ako ng pagkalaki laking cake.Nagsisi tuloy ako bigla na kinuwento ko pa ang bagay na iyon.
"Uy ano gwapo ba?kwento kapa Dali!"sabi niya. ganito ba talaga ang buntis?tanong ng isip ko habang kunot noong nakatingin Kay shane.
"Gwapo nga bastos naman."tipid kong sagot.Totoo namang gwapo si carl hindi ko itatanggi iyon,sadyang pinapainit lang niya ang dugo ko.
"Oh my god!nakakaexcite naman ang lalaking iyon!" tili nito.nababaliw na ata ito.sasagot na sana ako ng biglang nag vibrate ang cellphone ko.Agad kong tinignan ang screen nito at kahit hindi ito nakasave ay kilalang kilala ko kung kanino galing ang mensahe dahil minsan na itong tumawag saakin.
0956*******
goodmorning babe!have a great day,hope to see you soon!
Halos manindig ang balahibo ko dahil sa nabasa kong mensahe.Napaka kapal talaga ng mukha nito.Anong great day ang sinasabi niya eh alam naman niyang masisira lang ang araw ko dahil sakanya.Talagang nananadya ang gago!
Napatingin ako Kay Shane na busy sa pagkain habang may ngiti parin sa labi.Balak ko na sanang burahin ang mensahe ni carl pero biglang nagsalita itong si shane.
"Total galit ka sa lalaking iyon,bakit hindi mo hamunin ngayong nandito ka sa pinas." napaangat ako ng tingin sa sinabi niya.
"What do you mean?" tanong ko na punong puno ng pagtataka.Anong sinasabi niyang hamunin.
"Diba hindi naman niya alam kung nasan ka?eh di eh dare mo siya na hanapin ka.pag Nagawa niya iyon naku bilib nako sakanya." paliwanag ni shane.Hindi ko gustong makita ang lalaking iyon pero parang gusto ko ang sinabi niyang ideya.bakit nga ba hindi? napatango ako habang may ngisi sa mga labi.Alam kong malabo niya akong mahanap dahil kampante ako sa sarili na hinding hindi ako nito makikita dahil sobrang laki at lawak ng pinas.
Agad kong ibinalik ang atensyon sa aking cellphone at mabilis na pumasok sa isip ko ang balak kong Plano para dito.sigurado naman ako na hindi ko na makikita pa ang pagmumukha nito kaya hahamunin ko ito sa paraang alam kong ikatutuwa ko.let's play a game asshole!
"Hope to see you soon your face manyak!pero sige pagbibigyan kita.Kapag nahanap mo ako gagawin ko ang gusto mo.yun ay kung makikita moko!" paghahamon ko sa text.alam kong walang makukuhang inpormasyon ito sa kaibigan kong si angel dahil ultimong si angel ay hindi alam kung saan ang totoong address ko dahil ang sinabi ko lang ay taga manila ako.iyon yung panahong nagrerenta pako haha.
Pangisi ngisi ako sa isiping mahihirapan ang manyak na iyon sa paghahanap saakin.Nag vibrate agad ang aking cellphone.bilis ah!
"Wow!I like that! okay deal!lahat ng gusto ko ha?hahahahaa I'm so excited." reply nito saakin.kinikilabutan ako kahit sa text lang iyon.Para kasing naiimagine ko ang itsura nito habang sinasabi ang mga katagang ito.tsk!