Habang papalapit ng papalapit ay paganda ng paganda ang islang natatanaw namin.Ito ba un?wow! sa kasiyahan gusto kong isigaw iyon pero dahil pag mamay ari ito ng manyak ay pinipigilan ko ang sarili.Hindi ko makakalimutan ang lahat ng pinag gagagawa niya saakin at iyong nangyari kanina.Inabot man kami ng trenta minutos bago makarating ay worth it naman dahil sa ganda ng isla.Tingin palang sa lugar ay halatang masarap ng magpahinga dito.
Napangiti ako ng pagkalawak lawak ng maramdaman ko ang buhangin sa mga paa ko.Sa sobrang tuwa ko ay tinanggal ko pa ang suot kong tsinelas para mas lalo kong madama ang buhangin.Hindi ko na napigilan ang sarili at napatili pa talaga ako sa sobrang kasiyahan.Napatawa naman ang tatlo sa pag tili ko kaya agad kong natutop ang bibig.Nilingon ko si carl at nakatingin ito saakin na nakasunod habang ang dalawang kamay ay nasa likod ng ulunan nito.Inirapan ko ito ng bigla siyang sumipol sabay tingin sa ibang dereksyon.ang galing talagang mambwesit!
"Baby carl!" tili ng patakbong babae.Napatingin kaming lahat sa gawi ng babae at ng makalapit ito Kay Carl ay halos lumundag ito para lang mayakap itong si manyak.babaero talaga!inis kong sabi.may girlfriend naman pala siya bakit sinasabi pa niyang gusto niya akong maging girlfriend!?
"Hey,why are you here Samantha?" tanong ni carl.
"Hinahanap kita at nagbakasali lang ako na makikita kita dito,at Tama nga ako hehe." sabi ng babae na pinipisil pisil pa ang pisngi ni carl.Hindi ko gusto ang nakikita ko,nakakabwesit silang tignan.Lumapit ako kina shane at jake.Akbay akbay ng asawa si shane.
"Sino yang babaeng yan?girlfriend niya?"wala sa huwesyon kong tanong.bakit ko iyon tinanong?napangiti naman saakin ang mag asawa.
"No,isa siya sa patay na patay Kay Carl pero itong si carl ang turing lang sakanya ay isang kapatid.magkababata sila." sagot ni jake habang nakatingin kami sa gawi nitong dalawa.Grabe makalingkis itong babae,kitang kita ko kung paano kahigpit ang yakap nito Kay Carl.Kung hindi naman pala ito nobya bakit kung makaasta parang ewan.tsk.Naiinis akong makita silang ganyan at tila gustong gusto naman nitong manyak na ito dahil sa ngiti palang ay kitang kita na kung paano ito kasaya.
"Selos ka noh haha." mahinang sabi saakin ni shane habang sinisiko ako ng mahina.Inaasar ako neto.bakit naman ako magseselos!?
"Sus kahit gumapang pa yang mga yan sa harapan ko kakalampungan shane,naku wala talaga akong pakialam." napatawa naman ng malakas itong si jake kaya naagaw ang atensyon ng dalawang akala mo higad.Lumapit ang mga ito saamin.
"shane this is samantha siya iyong kinuwento ko sayo noon." tumango naman si shane at nakipag kamay sa babae.
"Nice meeting you Samantha." bati ni shane na nakangiti.
"Me too shane." ganti nito na malawak ang pagkakangiti. "and who is she?" balin nito saakin, hindi ko alam kung Mali ba ako sa unang kita ko na tinaasan ako nito ng kilay bago ngumiti o guni guni ko lang.
"She's Lali.Lali samonte,shane's bestfriend." pagpapakilala ni carl.pilit akong ngumiti dito sa babaeng nag ngangalang Samantha pero hindi ito ngumiti.Ramdam kong parang ayaw saakin nito.kita kong mabilis ako nitong inirapan at bumaling Kay Carl.
"Hey baby,let's go inside.nagluto ako sa loob ng rest house mo habang naghihintay kanina." sabi nito sa tonong sobrang lambing.Hindi lambing,kundi tono ng kalandian. sabi ng evil side ko.Makalingkis kasi ito Kay Carl Kala mo mawawala ito.Napairap ako sa inis.Hindi ko gusto ang babaeng ito.Naku dagdag sa init ng ulo ko!
Tumango si carl at inaya na kami sa loob habang nakayakap parin sa tagiliran niya itong Samanthang higad.Bago kami makapasok sa loob ay napansin kong may magagandang rosas sa palibot ng kanyang resthouse.ang ganda! inamoy amoy ko ang mga bulaklak na kulang nalang ay amoyin ko ang lahat lahat ng rosas dito.
"You like it?they're beautiful like you Lali." napalingon ako sa likuran ko.it's carl.inirapan ko ito.nakapasok na pala sa loob sila shane dahil hindi ko na sila Makita. "You can have them.ALL.if you want." dugtong niya.Kung pwede nga lang iuwi ang mga to bakit hindi.
"BAKIT nandito kapa baby." tinignan ako ng masama nitong Samantha ng makita ako. bigla biglang sumusulpot eh.
"Susunod nako Samantha pumasok kana doon." utos ni carl pero tila bata ito na nagdadabog at halatang ayaw umalis. "Sasamahan ko lang sandali si babe dito." dugtong niya.nanlaki naman ang mga mata nitong Samantha samantalang ako ay napatingin ng masama Kay Carl.
"What do you mean!?" taas tonong tanong nito Kay Carl dahil sa pagtawag nito saaking babe at binalingan ako ng masamang tingin.hala problema nito? "Girlfriend mo ang babaeng ito!?" sabay turo saakin habang ang mga mata nito ay nananatiling nakatingin Kay Carl.Kung nakatingin lang saakin ito iisipin kong dinuduro ako nito.Biglang nag iba ang awra nito.Parang anumang oras ay susunggab ito.
"No."sagot ni carl.Hindi ko man ipahalata pero parang bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ng sabihin niya iyon.Nag iwas ako ng tingin. "But soon." dugtong niya.MAbilis akong napatingin muli sakanya saka bumalin Kay Samantha na ngayon ay parang sasabog sa sobrang galit.Hindi ko man maintindihan ang nararamdaman ko ngayon ay aminado akong nagugustuhan ko ito lalo pat kitang kita ko ang pagmumukha ng babaeng nasa harap ko.
"No! hindi ako papayag!" sigaw nito Kay Carl at mabilis na humarap saakin na may kasamang matalim na titig.balak ba ako nitong sugurin?tanong ng isip ko,pero napangisi ako dahil subukan lang niyang sugurin ako at hindi ako magdadalawang isip na ipakita sakanya ang bad side ko.Kung maldita ka at eskandalosa,pwes mas maldita ako.
Pumunta sa harap ko si carl na para bang handa akong protektahan kapag sumugod ito saakin.Kita kasi talaga sa mukha nito na manunugod talaga dahil sa galit.
"pwede ba Samantha!? don't act like that.if you want to stay here,umayos ka or else malaya kang makakaalis.so better control yourself for being war freak." maawtoridad na sabi ni carl.Nabigla ata itong si Samantha pero agad ding bumalik sa masamang awra.Kahit ako ay nabigla dahil sa sinabi ni carl dito pero dahil ayokong maging ugat ng pag aaway ng mga ito ay sumingit na ako.
"Excuse me lang ha sainyong dalawa,kung gusto niyong mag rambulan ay wag niyo akong idadamay kasi inaamoy ko lang naman ang mga rosas dito tapos bigla bigla kayong sumusulpot tapos idadawit niyo ako sa gulo niyo.Mauuna nako sainyo sa loob ha?babooosh!" sabi ko sabay lakad palayo sakanila. anu bang Nagawa ko umamoy lang naman ako ng mga bulaklak. sabi ng isip ko at tuluyan ng pumasok para hanapin ang mag asawa.
Napalingon pa ako ng isang beses sa gawi nila dahil narinig kong tumawa ng pagkalakas lakas itong si carl.Kunot noo nalang akong lumayo sakanila.Kung iyong tungkol Kay Samantha ay hindi ko na alam kung ano dahil ayoko ng makita pa ang galit nitong pagmumukha dahil baka hindi ako makapagpigil ay mapaaway pako de oras.neh hindi ko napansing napakalaki at napakaganda din pala nitong resthouse niya.mga epal kasi eh.