CHAPTER 17

1010 Words
Nakakamangha ang lugar na ito.Pati loob ng bahay ay sobrang ganda.Halata naman Kay Carl na mayaman ito pero kung titignan ang lugar na ito ay mapapaisip ka talaga dahil sobrang yangra ng lugar,pero sa dating ni carl ay parang simpleng tao lang na ayaw ipakita kung gaano ito kayaman. "Tara swimming tayo guys." singit nitong si higad habang nandito kami sa napakalaking sala ni carl.Pinangalanan ko siyang higad kasi para naman talaga siyang higad,maganda naman siya pero mas maganda parin ako lamang lang siya ng kaputian saakin.Maputing higad! "Mukhang magandang ideya yan,namiss ko narin ang maligo sa dagat.please hon?" balin ni shane sa asawa.balak ba nitong maligo?eh malaki na ang tyan niya,wag niyang sabihing mag totwo piece pa ito? "hon baka madulas ka kasi." sagot naman ni jake.humaba naman ang nguso ni shane at tinalikuran ang asawa.Pinapakita niyang nagtatampo siya dito dahil parang ayaw siyang payagan. "Okay,okay payag nako." mabilis na humarap si shane at hinalik halikan ang pisngi ni jake sa katuwaan. "great! two piece tayong mga girls ha?total this is a private island na pag mamay ari ni babe kaya pwede nateng gawin ang lahat." masayang turan ni Samantha higad.Makasabi na mag two piece kaming mga babae bakit gaano ba siya kasexy?maputi lang naman siya.Alam naman pala niyang pag mamay ari ito ni carl eh bakit kung makaasta siya parang siya pa itong may ari,napaikot tuloy ako ng mga mata. "Mag totwo piece ka shane?" tanong ni carl na parang hindi sang ayon pero ngumiti lang itong si shane. "Oo naman!hindi purke malaki ang tyan ko ay hindi na pwede.sexy parin to noh!?" sagot ni shane.napakamot naman sa ulo itong sa jake dahil sa sinabi ng asawa.Under ka noh?sabi ng isip ko kaya napapangiti ako habang tinitignan ang pagkamot ng asawa sa ulo. "Wait!" biglang singit ko dahil naalala kong wala pala akong two piece na dala.tanga tanga din kasi ako minsan,alam ko namang isla ang pupuntahan namin,malamang may dagat pero hindi ko naisip magdala ng pang swimming. "Wala kasi akong dala na pang swimming,pwede bang t-shirt nalang ako at short?" tanong ko.Kita ko kung paano ngumisi itong si higad at tila ba inuusisa ang pangangatawan ko dahil sa pagtitig niya saakin mula ulo hanggang paa. "it's okay babe,pwede mo naman suotin ang kahit na anu dito." sagot ni carl.MAbilis na nawala ang pagkakangisi nitong si higad ng marinig nanaman ang pagtawag saakin ni carl. "No!" sabi nito sa malakas na tono.Napatingin kaming lahat sa gawi niya.galit nanaman ba ito?parang tanga lang eh. "Don't worry about that Lali,girlscout ata to.I have extra sayo nalang iyon." sabi ni shane na kumindat pa saakin. "Hindi na shane,pwede naman palang mag t-shirt eh sabi na mismo ng MAY ARI." pinakadiin ko pa ang salitang may ari baka sakaling matamaan itong si Samantha pero mukhang walang epekto.Makapal ang pagmumukha.ngumisi ito ng nakakaloko at nag cross arm pa sabay harap saakin. "Why?siguro takot kang makita namin dito kung gaano kapanget ang katawan mo,siguro malaki iyang bilbil mo,may mga peklat at maiitim na singit hahahaha." sabi nito.biglang uminit ang mukha ko sa sinabi niya.Tatapalan ko na talaga ang bunganga nito!akma na akong tatayo ng mabilis hawakan ni carl ang kamay ko.Napatingin ako dito ng masama pero hindi ito nakatingin saakin.ANG mga mata nito ay nakatingin Kay Samantha na tila galit din dahil sa sinabi niya saakin.para saakin pambabastos ang mga sinabi niyang iyon.Hindi purke umayaw lang ay sasabihan na niya ako ng ganun.Di hamak na mas maganda naman ang katawan ko kumpara sakanya,kaya ba taas baba ako nitong tinignan?Kala ata niya sexy siya duh!? "Like I said before Samantha." tinignan ni carl ito ng matalim na tila nagpipigil sa galit. "UMAYOS KA!" biglang sigaw niya.Nagulat ako sa lakas ng boses niya kaya napahawak ako sa dibdib ko habang nanatiling hawak ng kamay niya ang isang kamay ko.Ganun din si shane na nanlaki ang mata sa pagkabigla dahil sa pagsigaw nito habang si jake ay prenteng nakaupo at nakasandal na pangisi ngisi pa. "What!?wala naman akong ginawang Mali ah." irap na sabi nitong higad. "Its okay carl,totoo naman ang sinabi niya wala siyang ginawang Mali.Ako ang mali,kaya shane sige isusuot ko na ang extra mong dala." sabi ko at hinila ang kamay sa pagkakahawak ni carl.Kita kong ngumisi ng pagkalawak lawak itong si Samantha dahil tila nagustuhan ang pag ako ko sa kasalanan na hindi naman dapat ako ang gumawa. Napabuntong hininga si carl sa tinuran ko.Humakbang ako papalapit Kay Shane para kunin niya iyong extrang two piece niya.Tumayo si shane at sabay kaming humakbang para kunin at makapagbihis na. "This is really fun bro!" sabi ni Jake na nakangisi.Tinignan naman ito ni Shane ng masama kaya mabilis itong nag peace sign.Nadaanan namin si Samantha na nakatayo habang naka cross arm at pangisi ngisi pa.Hinayaan ko nalang ito dahil baka masambunutan ko na ito ng sobra.This time panalo ka, pero mamaya sisiguraduhin kong talo ka.sabi ng utak ko habang nilalagpasan siya. "Hey Lali." tawag saakin ni carl pero dahil bwesit ako ay hindi ko ito pinansin.Naiinis na ngako sakanya tapos may kasama pa palang mambubwesit saakin.Nauna akong naglakad samantalang si shane ay huminto sandali at kinausap si carl.Hindi ko alam ang pinag usapan nila dahil nauna na ako.Lumingon ako sa gawi nila at habang magkausap si shane at Carl ay kita kong ngumisi itong si carl.Gago talaga! balak din ba ako nitong bwesitin!?Nakakasira man ng araw ay pipilitin kong kumalma hanggat kaya ko.kung hindi lang talaga umepal si carl kanina ay natapalan ko na sana talaga ang bibig ng bwesit na higad na iyon.Bat dipa kasi paalisin!para akong sasabog kaya tanging pagtikom lang ng kamao ang nagawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD