Gaya ng napag usapan umalis nga kami ng pagka aga aga.Paano naman kasi ang manyak na yun madaling araw palang ay binulabog na kami para gumayak at makaalis na.WALA pa akong katulog tulog dahil sa kakaisip ko sa mga sunod sunod na nangyari neh hindi ko nagawang umangal dahil ang mag asawa ay sumang ayon kaagad ng sabihin nito na maganda panoorin ang pag litaw ni haring araw kapag nasa kalagitnaan ng dagat lalo na sa kanyang yate.Para akong s**o sa haba ng nguso o sa madaling salita parang pinagsakluban ng langit dahil sa inis isama pang wala akong tulog.
"Nasa yacht na si carl,hihintayin nalang daw niya tayo doon." sabi ni Jake habang lulan kami ng sasakyan niya.Tumango naman si shane na halatang antok pa habang ako naman ay walang imik at nakatingin lang sa labas mula sa bintana.
Nang makarating kami ay halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa ganda ng yate nito.Kahit papano ay gumanda ang mood ko at nawala agad ang inis ko.Nakita naming Lumabas mula sa loob si manyak.nakasuot ito ng simpleng short at puting sando.He looks good.Biglang tinuktukan ko ang sariling ulo sa isiping he looks good with that.bakit ba pumasok sa isip ko yun!?Kumaway ito saamin habang papalapit kami na ginantihan naman ng kaway ni jake.
"Hi babe." salubong nito saakin,akma akong hahalikan nito sa pisngi pero inambahan ko ito ng suntok.
"Subukan mo ng sumabog sa yate mo yang duguan mong nguso." sabi ko at nilagpasan na siya.Tawang tawa naman ang mag asawa dahil sa tinuran ko at tila nawala bigla ang antok ni shane dahil dun sa sinabi ko.Napakamot naman sa batok itong si carl at napangiwi sa kasungitan ko.dere deretso ako sa loob at talagang natutuwa ako sa ganda nitong yate niya.Napapangiti ako habang inuusisa ang kabuuan nito.
"Ke aga aga ang sungit." sabi nito sa mag asawa,kahit nauna na ako sa loob ay dinig na dinig ko pa ito.Tumawa lang naman ang dalawa at sumunod na saakin sa loob.
"Tara kain muna tayo,panigurado gutom na si buntis." sabi ni carl. "uy babe halika dito kakain na,hinanda ko ito kanina habang papunta palang kayo."
"Wow!nakakagutom naman."masayang sabi ni shane.Naglakad ako papalapit sakanila at naupo.Kita kong maraming pagkain ang nakahain at mukha talagang masarap ang mga ito.siya lang ang may gawa ng mga ito?
Masaya kaming kumakain,kahit panay ang pangungulit nitong si carl saakin.Nagsusubuan ang mag asawa kaya napangiti ako habang nakatingin sakanila.
"Inggit ka noh?hahaha." sabi nito na umepal nanaman at sinamahan pa talaga ng tawa.ANG mag asawa naman ay natatawa lang na para bang sanay na sanay na sa pag uugali nito.
"Inggit your face." mahinahon kong sabi at pinagpatuloy ang pagkain.
Nang matapos kaming kumain,ay sabay sabay naming pinanood ang paglitaw ng araw.Napakaganda nga nitong pag masdan.Wiling wili ako sa panonood sa araw ng biglang tumabi saakin si carl habang ang mag asawa ay magkayakap na nanonood.Sa sobrang pagkakalapit niya ay halos magdikit ang mga siko naming dalawa pero sa pagkakataong ito ay ayoko munang masira ang magandang mood ko kaya denedma ko lang ito.
"Sabi ko noong binili ko itong yate,tanging babaeng papakasalan ko lang ang isasakay ko dito." napalingon ako sakanya dahil sa sinabi niya na nanatiling nakatingin sa paglitaw ng araw.Sino ang sinasabi niya?ako ba?Hindi siguro dahil kasama ko naman sila shane kaya nagkukwento lang siguro ito.Ibinalik ko ang tingin sa araw na ngayon ay halos kalahati na ang nakalitaw. "At ngayon mukhang magkakatotoo na."dugtong nito pero hindi ko nilingon.
Nanatili akong tahimik.Parang naging ibang tao ito dahil sa hinahon at sweet nitong pananalita.Nakakapanibago! Balak ko ng lumipat ng pwesto at lumayo sakanya dahil naiilang talaga ako pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko.
"Lali,about sa deal naten."sabi niya habang nanatiling nakahawak sa kamay ko.Tinaasan ko ito ng kilay.Magsasalita na sana ako para bantayan siya na bitawan ang kamay ko pero hindi ko na natuloy dahil naunahan ako nitong magsalita."I want you to be my girlfriend or more than that.that's my deal." Bigla akong nabulunan, nalunok ko iyong laway ko dahil sa sinabi nito.Nasisiraan naba ito?
Hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at pagak na tumawa."baliw kang talaga.anong akala mo sakin instant girlfriend? Hindi kita type uy, isa pa babaero ka bat hindi nalang iba ang alukin mo niyan total WALANG UMAAYAW SAYO diba!?" pinakadiin ko pa ang salitang iyon.Umiling ito at humarap saakin.
"I'm serious Lali." nanibago ako na ngayon ay tinatawag niya ako sa pangalan ko mismo.
"Wala akong paki.maghanap ka ng iba wag ako." sabi ko at tinalikuran na siya.Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi niyang iyon kaya nagtungo ako sa likuran ng yate niya.Hindi ko napansing sinundan pala ako nito.MAbilis niyang hinaklit ang bewang ko at pinaharap sakanya.Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat.
"We have a deal and you have no choice." sabi nito na sobrang higpit ng pagkakahawak sa bewang ko.Halos isang dangkal nalang din ata ang agwat ng mga mukha namin.Bigla akong nakaramdam ng kaba.Pilit ko itong tinutulak pero sa bawat pagtulak ko ay mas lalo nitong hinihigpitan ang pagkakayakap sa bewang ko.
"Ano ba!"sigaw ko sa pagmumukha niya.sigaw na hindi kalakasan dahil ayokong marinig nila shane at Makita kami sa ganitong sitwasyon.Hindi ito natinag.Nakatitig lang ito saakin at napakagat labi ng madako ang mata niya sa labi ko.Manyak talaga! "bitawan mo ako! man- ..hmmm" Hindi ko na Nagawa pang ituloy ang sasabihin ng sakupin ng labi niya ang mga labi ko.Nanlaki ang mga mata ko.Hahampasin ko na ito gamit ng mga kamay ko pero mabilis niyang nahawakan ang mga pala pulsuhan ko at marahas akong isinandal habang halik halik parin ako.
Sobrang diin.Mangangapos narin ang hininga ko.SHIT!Nanlalambot na ang mga tuhod ko. unti unti akong nanghihina.piling ko ay mabubuwal na ako kaya napakapit ako sa braso niya ng bitawan niya ang mga kamay ko.Halos mapaungol narin ako dahil hindi na ako makahinga.Unti unting nagbabago ang paghalik niya na kanina lang ay marahas at madiin na ngayon ay parang sobrang Tamis na nang eengganyo.Napapikit ako ng haplusin niya ang pisngi ko habang hinahalikan ako.Nakurot ko siya sa braso dahil hindi ko na talaga kaya.HINDI AKO MAKAHINGA! sigaw ng utak ko.papatayin ba ako nito!?
"Lali!Carl!" sigaw ni shane na tila hinahanap kami.Napadilat ako at naramdaman kong unti unting humihinto sa paghalik saakin si carl.Bago niya tuluyang lumabayan ang labi ko ay kinagat ako nito.
"Ouch!" sabi ko sabay tingin ng masama sakanya ng tuluyan ng maghiwalay ang mga labi namin.Napahawak ako sa labi ko na para bang magdudugo sa hapdi at dahil sa kagat na ginawa niya.Umatras ito ng bahagya saakin at ngumisi.
"Hindi ka marunong humalik haha." sabi nito na ikinainis ko.Paki mo! sabi ng isip ko at umirap.Tumalikod ako at humakbang. "I forgot ako nga pala ang una."sabi ulit niya.Hindi ko ito nilingon at patuloy na humakbang palayo sakanya.
"Hey Lali!" sigaw niya.sobrang lakas nun kaya napalingon ako sakanya.Tinignan ko ito ng pagkasama sama dahil narin sa ginawa niya pero ngumisi lang ito at sumandal ng nakapamulsa. "Remember the deal? You can't skip me coz your mine.MINE ONLY." Biglang nanlamig ang buo kong katawan.seryoso ba ito?tila mabibingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko.Bakit ganito ang nararamdaman ko!?