CHAPTER 8

1338 Words
Mabilis na lumipas ang mga araw at sa susunod na linggo ay makakauwi na ako ng pinas.Sobrang excited ako sa bawat papalapit na araw ng Alis ko.Nakaready narin lahat ng mga pasalubong ko sa dalawa kong kapatid at kay mama.Marami din naman akong mamimiss dito sa canada,mga katrabaho,naging kaibigan,at syempre si angel.Nagsabi naman ito na papasyalan nila ako ni jonjon kapag nakauwi sila ng pinas kaya masaya ako kahit pa matagal bago ko makita ulit ang mga ito.Lahat sila ay mamimiss ko,maliban sa isang taong nakilala ko dito sa canada.Simula ng buhusan ko si carl ng juice ay hindi na ito muling nagpakita pa saakin na gustong gusto ko naman. Hindi ko alam kung bakit parang biglang bula nalang itong nawala,samantalang nung huling paghaharap namin ay nagbitaw pa ito ng salitang "simula palang yan." akala ko nung araw na iyon ay guguluhin ako nito sa mga susunod na araw pero kabaligtaran pala dahil neh anino nito ay hindi ko na nakikita pa.Gaya ng dati ay hindi naman nagkukwento saakin si angel dahil ayoko din namang magtanong kahit pa nacucurious ako kung bakit bigla nalang itong nawala.SA tuwing lumalabas kami na gamit ang ibang sasakyan ay nag eexpect talaga ako na mukha nito ang makikita ko o makakasama namin,pero walang carl o nanggugulo saakin.Hindi ko alam kung bakit nag eexpect pako na magpakita pang muli saakin iyong mukong na iyon samantalang gigil na gigil ako kapag nakikita ko ito.Pero sa malaking part ko talaga ay napakahappy ko dahil hindi ko na ito nakikita maski nga ngayon ay napapangiti ako habang nag aayos ng mga gamit ko.Never na talaga akong babalik dito haha. "Isa,dalawa,tatlo,apat.yes!" pag bibilang ko sa harap ng kalendaryo.Apat na araw nalang ay aalis na ako.Para akong kinikilig sa sobrang pagkaexcite.Gusto ko bago ako umuwi ng pinas ay masulit ko ang araw na makasama si angel habang nandito pa ako dahil panigurado akong kapag nakauwi na ako ay baka abutin ng taon bago ko ulit ito Makita.pero wag naman sana. Kinuha ko ang aking cellphone dahil balak kong tawagan si angel para ayaing kumain sa labas at mamasyal narin.Pipindot palang ako ay bigla namang ring nitong cellphone ko.Tumatawag ang taong kanina lang ay balak kong tawagan. "Hello?" sagot ko sa tawag nito "Tara lets hang out Lali." aya niya saakin.mukhang makakamenus ako nito sa gastos dahil siya ang unang nag aya panigurado. Napangiti tuloy ako ng magsalita siya. "Sagot mo?hahaha. " tumawa naman ang nasa kabilang linya. "Oo.Gusto kasi kitang makasama ng matagal bago ka man lang umuwi." ako din naman eh naunahan niya lang talaga akong magsabi. "Ako din angel,gusto kitang makasama.masaya ako oo pero may part kong nalulungkot kasi panigurado matagal bago tayo ulit magkita." "Saway hindi noh.sa birthday ni jonjon ay uuwi kami.doon sa pinas niya icecelebrate ang 31th birthday niya kaya magkikita at magkikita tayo sa ayaw mo man o sa gusto hahaha." sabi nito.natuwa naman ako sa binalita niyang iyon.dahil 4months lang ay mag bibirthday na si jonjon.Hindi na masyadong matagal iyon para saakin lalo pat napakabilis ng mga araw. "That's great!salamat naman naku.oh siya what time tayo magkikita?" singit ko dahil baka makalimutan nito ang usapan haha. "I will fetch you at 10am okay?may dadaanan lang ako tapos deretso na ako nun dyan." napatango tango naman ako sa sinabi niya kahit pa hindi niya ito nakikita.maaga pa naman dahil 7am palang kaya may oras pa akong mag gayak. "Okay sige,kita kits.ingat sa pag drive." pagpapaalam ko dito at tuluyan ng naputol ang usapan namin. Masaya kaming nag uusap ni angel dito sa paborito kong kainan,siya mismo ang namili nito dahil alam niyang paborito ko ang mga pagkain nila dito.BAKA din daw kasi mamiss ko kaya dito nalang niya ako dinala. "Lali,may sasabihin ako sayo pero sana wag masira ang mood mo." singit ni angel sa tawanan namin.napakunot noo naman ako.bakit naman masisira ang mood ko? "Okay anu ba iyon?" "E promise mo muna,baka kasi pag nasabi ko na ay bigla kang bumusangot dyan at umuwi na." paninigurado nito.natawa naman ako. "Hahaha para kang ewan,oo pangako.anu ba kasi iyon?" dahil wala talaga akong kaide ideya sa pinagsasabi niyang baka masira ang mood ko. "Okay sabi mo yan ah." makulit at talagang nanigurado pa talaga hahaha. "Its about carl." dugtong niya.bahagya akong nabigla dahil neh minsan di naman ito ngkukwento dahil alam niyang magagalit ko.Parang gustong umusok ng tenga ko,sa dami ng pwedeng pag usapan ay ito pa talaga ang gusto niya.Pinilit kong pakalmahin ang sarili dahil nga sa nangako ako at isa pa matagal narin simula ng huli ko itong makaharap kaya wala naman sigurong masama. "Oh at ano naman ang tungkol sa mukong na iyon?" walang gana kong tanong habang ang tingin ko ay nasa ice cream na nasa harap ko. "Oh ayan na nga ba sinasabi ko eh.kita mo nag uumpisa kana eh pangalan palang ang nababanggit ko." eh sa hindi ko mapigilan eh,sabi ng isip ko.Tumingin ako sakanya at pilit na ngumiti. "Baliw,nangako ako diba?isa pa wala na iyon matagal ko naman ng hindi nakita iyon kaya parang limot ko narin siya." pagsisinungaling ko. "Màbuti naman kung ganon.May sasabihin lang sana kasi ako dati pa kaso diko masabi sabi.takot ko lang sayo baka sumabog ka eh haha." patawa tawa pa ito.anu bang sasabihin nito at ang dami dami pang liguy ligoy. "What is it ba?"tanong ko.Umubo naman ito ng mahina na para bang kinaklaro ang lalamunan at naghahanda para sa sasabihin. "Kaya wala si carl,at hindi ka nagugulo ay nasa pinas iyon." napalingon naman ako dito. "May usapan kasi sila ng mga kaibigan niya na magkita kita sila kasi matagal nadaw Simula ng hindi sila nagkasama sama lalo na nung kinasal iyong kaibigan niyang jake ata iyon,ay basta." "Eh bakit mo naman sinasabi saakin ang bagay na iyan?eh di mabuti sakanya." Hindi ko maintindihan to kasi anu naman ang paki ko sa lalaking iyon. "Kasi bago siya umuwi ng pinas,sinabi niya Kay jonjon na hahanapin ka niya sa pinas kapag umuwi ka." napanganga naman ako sa sinabi niya. "Simula kasi ng malaman niyang uuwi kana ay panay ang kulit Kay jonjon tungkol sayo.Lakas ng Tama sayo Lali." pailing iling si angel. Bigla akong kinabahan,bakit ganito?Parang gustong tumalon ng puso ko sa sobrang kaba,bakit niya ako hahanapin?Hindi ko siya gustong makita! hindi ko namalayang ikinakaway na pala ni angel ang kamay sa harap ng mukha ko dahil mabilis akong nawala sa sarili dahil sa sinabi niya.Napailing iling ako. "nasisiraan ba siya?bakit naman niya ako hahanapin,isa pa kaya nga sobrang saya ko dahil isa sa dahilan ay iyong hindi ko na talaga ito makikita pa kapag umuwi ako tapos malalaman ko ngayon yan.Hahanapin niya ako para ano?para manyakin at bwesitin!?" "Eh yun ang sinabi ni jonjon saakin eh." habang kumakain ito ng ice cream.Yung ice cream ko lusaw na pero nanatili akong nakatingin lang dito. Bigla kong naisip na napakalawak ng pinas,neh hindi nga nito alam kung taga saan ako kaya bakit ako kakabahan?sa isang daang porsyento na posibilidad na magkita kami ay wala pa sa kalahati kaya napangiti ako bigla dahil sa naisip na sobrang labo ako nitong makita. "Hahaha,as if namang mahanap niya ako sa lawak ba naman ng pinas. isa pa wag kang nagpapaniwala sa mga katulad niyang babaero dahil napakalabong magkaharap ulit kami sa pinas.salitang puno ng kayabangan lang iyon dahil hindi ako bumigay sa kamanyakan niya." habang patawa tawa ako.nasa akin parin ang huling halakhak. sigaw ng demonya kong utak.kibit balikat nalang ang sinagot saakin ni angel at nagpatuloy sa pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD