CHAPTER 9

1311 Words
Kasalukuyan akong nakasakay sa isang taxi,patungo sa aming bahay.Hindi alam ng mga kapatid ko at ng aking inay na ngayon ang dating ko.Sinadya ko talagang huwag sabihin saknila para masurpresa ko sila.Dala dala ang dalawang bagahe at mga pasalubong.Napakasaya ko dahil sa wakas ay nakauwi na ulit ako dito sa pinas,halos hindi maputol putol ang ngiti sa mga labi ko sa sobrang kasiyahan. Lalo akong napangiti ng matanaw ko na ang aming bahay,nakita ko narin ang aking inay na nakikipagkwentuhan sa mga kapitbahay.Siguro ang dalawa kong kapatid ay nasa loob ng aming tahanan.Pagkahinto ng taxi na sinasakyan ko sa harap ng aming bahay ay kita ko kung paano tumingin ang mga kapitbahay pati na ang aking inay.Hindi nila ako kita dahil medyo malayo sila.Bumaba ako at tumingin sa gawi nila ng nakangiti sabay kaway sa aking inay.Nanlaki ang mata ng aking inay at nagtatakbong lumapit saakin,habang papalapit ay kita kong lumuluha ito.Nakaramdam ng kapunuan ang puso ko ng masilayan ko ang aking inay. Niyakap niya ako at gumanti naman ako ng yakap ng mahigpit.finally I'm home! sabi ng isip ko habang maluha luhang nakayakap Kay inay. "Bakit hindi ka nagsabi!?" napangiti naman ako sa sinabi niya dahil halatang naiinis si inay. "Sabi mo next week kapa uuwi!" ayun na nga at nakurot pa ako sa tagiliran ahaha. "Surprise kasi mama.oh diba nagulat ka hahaha." sabi kong patawa tawa pa. "Ewan ko sayong bata ka.palagi ka nalang ganyan." pagtatampo parin ni inay. "Asan sila vica at mina ma? " "Andun sa loob alam mo naman ang mga kapatid mong iyon,buti nalang at walang trabaho si vica ngayon.panigurado magugulat ang dalawang iyon." "Ahaha baka batukan pako ni vica kamu ma." lumapit ako sa taxi driver at nagbayad na. "Akina iyang ibang dalahin mo at pumasok na tayo sa loob.pinagtitinginan na tayo ng mga tsismosa at tsismoso." sabi ni inay.natawa naman naman ako sa sinabi niya. "Hahaha kanina lang kasa kasama mo sila tapos ngayon sasabihin mo yan,eh di tsismosa ka din haha." "Ay it's a big NO! nakikipagkwentuhan lang naman ako sakanila hindi naman iyon tsismis."pagdepensa ni inay. "Sus,tinanggi pa hahaha." Habang papasok kami ng bahay ay napapailing iling nalang ako sa aking inay.paano naman kasi habang naglalakad nagsisigaw itong si inay papasok ng bahay. "Vica! mina! may surpresa ako sainyo! hoy vica!mina!" sigaw ni inay.jusko kaingay talaga haha pwede naman niyang hintayin na makapasok kami kesa magsisisigaw. "Si mama talaga.ang ingay mo." "Eh masaya ako eh!" Pagkapasok ng sala ay agad nadako ang mata saakin ni mina na naka upo at hawak ang cellphone.nanlaki ang mata niya at mabilis na tumayo at niyakap ako. "Ate! bakit dika nagsabi!" may pahampas hampas pa ito sa braso ko pero di naman masakit. "Parehas kayo ng sinabi ni mama alam mo ba yun hahaha." nakayakap parin ito saakin habang si mama ay daldal ng daldal.halos ayaw paawat "Bakit ba ang ingay mo mama.kanina ka pa......" naputol ang sinasabi ni vica ng makita ako at nahulog ang kutsarang hawak nito.galing itong kusina at siguro kumakain ito at napatayo lang dahil sa ingay ng aming inay. "Ay ate!" tili nito sabay takbo halos matumba ako ng yakapin ako nito dahil may kasamang talon na akala mong batang nagpapakarga. "Aray ko naman vica!" daing ko.ang sakit naman kasi tapos ang bigat pa. "Sana nagsabi ka para nasundo ka namin. Tignan mo ang dami mo pang dala." sabi ni vica habang nakanguso sa mga dala ko. "Gusto ko kasi kayong masurpresa." sagot ko.Sobrang saya ko dahil nakauwi na ako at kasama ko na ulit ang tatlong pinakamahalaga sa buhay ko. HaBang nagpapahinga ako sa sofa namin ay panay naman ang daldal ni inay,samantalang ang dalawa kong kapatid ay nag uumpisa nang mangalkal ng pasalubong ko sakanila. "Ma,ang ingay mo.kanina kapa salita ng salita." sabi ni mina habang naghahalungkat ng mga damit. "Wow! ate pwede bang akin nalang ito?" dugtong niya.ang tinutukoy nito ay iyong damit na binigay ni angel para sa party. "Tumahimik ka nga dyan mina.uy akin yang pabango na yan!" nakakatawa talaga si inay. "Sige lang,kunin niyo lang lahat ng magustuhan niyo." sabi ko dahil makita ko lang silang masaya ay masaya narin ako. "Pwede bang akin nalang lahat to hahaha." sabat naman nitong si vica habang nakikipag hilaan kay mina sa mga damit ko. "Bahala kayo.uy vica,wala ka parin bang nobyo?" tanong ko. "Naku isa pa yan.katulad mo lang naman iyan na wala atang balak magkanobyo." singit ni inay,habang si vica naman ay nagpaikot ng mata.totoo ang sinabi ni inay na kagaya ko ito dahil gaya ko allergy din ata ito sa lalaki dahil lahat ng lumapit sakanya ay sinusungitan niya. "Buti pa si mina may nobyo na at mukhang mauunahan pa kayo." si inay talaga.Nabalin ang tingin ko Kay mina at mabilis naman itong yumuko ng makita ako. "Hoy mina!umayos ayos ka ah.diba 24 ka palang? usapan diba sabi ko magkakapamilya ka lang kapag nasa 26 kana!?" pagbabanta ko.dahil bago ako pumuntang Canada ay nag usap kami nito na hindi ako payag kapag wala pa itong 26. "Ate boyfriend lang naman iyon." nakangusong saad niya. "Naku dapat lang.subukan mong magpabuntis at talagang kakalbuhin kita." inirapan ko ito dahil ayokong maagang mag asawa ito.kupong kupong na kung sabihin ng iba wala akong pakialam dahil ang gusto ko ay mapabuti sila at nangako din ito saakin kaya pinanghahawakan ko iyon. "Bakit ba ginagaya mo sayo ang mga kapatid mo Lali.kung sakanila ako magkakaapo eh di mas gustuhin kong mag anak na sila ngayon ng nobyo niya,mabait naman si Alfred." loko talaga itong si mama.bugaw! sabi ng isip ko. "Akin to!" sabay hablot sa hawak ni mama na pabango nainis kasi ako sa tinuran niya pero konti lang naman dahil baka mamaya Gawin nga ni mina iyong sinabi niya."wala kang pasalubong ma, masama ka eh."pagtatampo ko. "Sige ayaw mong ibigay saakin yan?sige hindi ko rin ibibigay iyong number ng kaibigan mong si shane,galing pa naman dito nung nakaraang martes kinakamusta ka rin niya.." sabi ni inay "Ma!ito na oh dika naman mabiro." sabay abot sa pabango.Nakangisi naman ang inay alam na alam kung paanu ako paikutin. "Akina at tatawagan ko siya ma." Umalis si mama at nagtungo sa kwarto,wala pang limang minuto ay bumalik din agad ito.Binigay ang isang papel na may sulat ng numero ng kaibigan ko na may kasamang invitation. Binasa ko ito at naglalaman ito ng isang invitation para sa baby shower ng anak niya na gaganapin sa katapusan ng buwan na ito.Buntis na pala siya,Tama nga ang sinabi ko na kapag nagkita kami ay baka may anak na ito,nahuli nga lang ng kaunti hehe.Napangiti ako at napatingin Kay inay. "Nasabi ko kasi na uuwi kana kaya ang tuwa ng kaibigan mong iyon dahil saktong sakto daw ang pag uwi mo.Ninang kadaw sa baby niya at miss na miss kana daw niya." sabi ni inay.miss na miss ko narin siya at hindi na ako makapag hintay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD