CHAPTER 6-7

1496 Words
Kumakain kami ngayon sa isang mamahaling restaurant.sino ang may sagot?malamang sa malamang ay walang iba kundi ang bastos na lalaking kaharap ko at sa harapan ko pa talaga nakaupo.Para talagang nananadya ito,neh hindi ko na nga maenjoy iyong pagkain kahit pa masarap. "Pwede ba Mr.manyak,wag mokong tinitignan tignan dyan." saway ko dito na panay ang tingin samahan pa ng ngisi kaya nakakapang gigil talaga. "Ang ganda mo kasi babe." sabi pa nito at pinanindigan na ata talaga nito ang tawag saakin,inirapan ko ito sabay namang ngisi nitong si jonjon.Para talagang may lumalabas na usok sa bawat butas ng mukha ko dahil sa lalaking ito.Nagpipigil ako sa galit ko dito dahil mismong si angel na ang nakiusap saakin na wag nalang pansinin ito para hindi masira ang mood ko.Kahit diko naman pansinin ito ay talagang nasisira ang mood ko, nakikita ko kasi pagmumukha niya. Ginawa ko nga ang sinabi ni angel saakin na wag nalang itong pansinin kaya ang ending ay parang tatlo lang kami at wala ang bastos na ito.Kinakausap ako nito pero bingi bingihan ako dito na kunwari ay wala akong naririnig. "Hey pansinin mo naman ako." pangungulit saakin pero ultimong tingin dito ay hindi ko talaga ginagawa kaya halos Kay angel lang ang mata ko.MANIGAS KA MANYAK! sigaw ng utak ko na kunwari pangiti ngiti dahil magkausap kami ni angel pero ang totoo ay nasa sakanya ang atensyon ko. "Hahaha ngayon ka lang ba nakakita ng ganyan?nakahanap ka ng katapat dude hahaha." tawa tawa nitong si jonjon habang nilapit ang mukha Kay Carl at sabihin lang sakanya iyon.Naiinis siya dahil sobrang tigas ng babaeng kaharap niya,dahil kung ibang babae iyon ay bumigay na agad agad. "Tigilan mo nga ako Jon,mag antay ka lang at bibigay din yan.tatak mo yan." paninigurado niya sa pinsan. "Saan ko itatatak?sa papel ba?tapos pupunitin niya?hahahahaa." pang aasar ni jonjon tila nainis naman na ng tuluyan itong si carl. Tumayo si carl at balak niyang lapitan si Lali ng may mabunggo siyang babae.Nakasexy crop top ito at maikling short.Biglang napawi iyong inis niya sa pang aasar ng pinsang si jonjon dahil nakakita siya ng isang tila heaven.Wow!gusto niyang sabihin dahil sa sexy nitong babae. "Oh I'm really sorry miss." sabay hawak sa braso na kunwari chenecheck niya kung nasaktan ba ito o hindi.pero alam naman niyang hindi ito nasaktan dahil kitang kita sa mga mata at kilos nito na nagpapacute na ito at halos magningning ang mga mata ng makita ang napakagwapo nitong itsura. "Its okay.by the way I'm Clara. " sabay lahad ng palad ng babae Kay Carl.Napatingin naman si angel,jonjon at Lali dito. "Oh nice name Clara.by the way I'm carl.and this is my friends." sabay turo saaming tatlo nila angel. "Playboy." mahina kong saad at napatawa naman si jonjon sa sinabi ko.Narinig din ito ni carl.Parang nagpantig ang tenga niya dahil sa sinabi ko at tila pinag igihan ang pananakay sa babaeng akala mo ay may mga ilaw na nagniningningan sa mga mata at ngiting halos mapunit na dahil sa lawak ng pagkakangiti.Napairap siya sa mga ito at ngumisi naman si carl. "Hi." balin ng babae saamin.ngumiti naman sila angel maliban saakin.Pinasadahan ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa.nagpanty at bra ka nalang sana teh. sabi ng isip ko. "by the way,I should go now.here's my calling card if you want to hang out with me sometimes. " sabi pa nito Kay Carl.kakaiba ang babaeng ito at talagang siya pa nagpapakita ng motibo sa lalaki. Tumingin sa gawi ko si carl at napangisi ng makitang nakasimangot ako na nakatingin sakanila.problema ng gagong to? saka mabilis na tinanggap ang calling card.Nagpaalam na ang babaeng ito habang si carl ay pabalik na naupo sa kanyang pwesto. "Woooooh kakaiba ka talaga carl.babae talaga ang lumalapit sayo.kakaiba eh!" sabi ni jonjon na tila hindi makapaniwala dahil sa babaeng kitang kita na interesado Kay Carl. "You know my charm bro.walang umaayaw dito." mahangin niyang sagot.Parang gusto kong ibato sakanya ang hawak kong tinidor dahil sa kayabangan. "Hahaha Kay Lali ka lang naman palpak eh walang sinabi iyang charm mo sakanya wapakels ka eh haha." singit naman ni angel.pinandilatan ko ito sa sinabi niya kaya nag peace sign naman agad ito. "Hahaha Tama ka hon." sabad naman nitong si jonjon.naku talaga naman oh magkasintahan ngang maituturing. "Si lali lang ata ang babaeng kilala at nakita kong umaayaw sayo."dugtong nito.Gusto ko ng umexit dahil sa usapan ng mga ito.Hello?andito kaya ako! gusto kong isingit paano ba naman kasi mag usap ba naman ng tungkol saakin at sa harapan ko pa mismo. Tumingin ng parang may something itong si carl sa gawi ko at seryosong nagsalita. "Mark my words.walang umaayaw saakin." sabi nito habang nakatitig saakin.para talagang ewan. "Even Lali." dugtong niya. Tumayo ako at nagpaalam Kay angel na pupunta lang ng banyo para makaiwas at mapigilan ang galit at inis ko na kanina pa gustong kumawala. Paghakbang ko ay mabilis naman hinawakan ni carl ang kamay ko.mAbilis na uminit ang ulo ko kaya pilit hinihila ang kamay na hawak nito. "Hindi mo bibitawan ang kamay ko?" tanong ko dito na may halong pagbabanta. "I'm serious.at papatunayan kong walang umaayaw saakin lali." nababaliw na ata ang lalaking ito.Sabay bitaw sa kamay ko.Tumayo din ito at pumantay mismo saakin.Pero dahil maliit ako kumpara dito ay halos mapatingin ako sa langit. bakit kasi pinagkaitan ako ng tangkad! "Hindi lahat ng babae my gusto sayo Mr.manyak.siguro nga maraming babaeng nagkakagusto saiyo pero wag mo akong itutulad sakanila dahil hindi kita type.Mayabang, bastos,manyak,arogante,anu pa nga ba?many to tell kasi kung imemention ko pa lahat kaya tigil tigilan moko." tinignan ko ito ng masama. "Baka kainin mo iyang sinabi mo at baka one of this day magulat ka nalang bumigay kana pala." sabi nito.Parang umaapoy ang mata ko sa galit dahil sa sinabi nito. "never mangyayari iyan." nakangisi kong sagot habang pilit na pinapakalma ang sarili.Si angel at jonjon ay seryosong nakatingin lang saamin habang kami ay nagpapatigasan. "Wag kang pakampante miss samonte.BAKA nga one day magising ka nalang na walang suot at pagod na pagod dahil saakin hahaha. " he said while laughing like an evil. Nagpanting ang tenga ko and this time ay hindi ko na kaya pang magpigil.Kinuha ko ang isag basong juice sa table namin at mabilis na ibinuhos ito sa pagmumukha niya.Nanlaki ang mga mata ng mag nobyo habang si carl ay tila naestatwa dahil sa ginawa ko.Nakaagaw din ng atensyon ng iba. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan kami ngayon basta ang gusto ko ay matauhan ito sa pinag gagagawa at ipaalam dito na hindi lahat ay kayang kaya niyang makuha. "Anu? may sasabihin ka paba?" basag ko sa katahimikan niya na ngayon ay basang basa ang pagmumukha hanggang dibdib.basang sisiw! Umiling ito at pasimpleng nagpunas ng mukha gamit ang palad.Napatayo naman itong si angel at jonjon at mabilis hinawakan ni angel ang braso na tila ba inaawat ako samantalang wala naman akong ginagawang Mali.Oo Mali ko iyong buhusan siya sa mukha ng juice pero kahit Sino naman siguro kapag binastos ng ganun ay ganun din ang gagawin. "Ano na? magaling ka diba?then prove me now kung gaano ka kagaling manguha ng bawat naisin mo." paghahamon ko sakanya.lakas loob ko itong hinahamon ngayon dahil feeling ko hindi ako nito sasakyan dahil hanggang ngayon ay nkatatak parin sa pagmumukha niya ang pagkabigla. Humakbang siya ng konti saakin at mabilis na hinila ang kamay ko kaya napabitaw ang kamay ni angel.Napatingin ako Kay angel pero agad namang hinawakan ni carl ang magkabilaang pisngi ko at mabilis na hinalikan ang mga labi ko.Madiin at halos makaramdam ako ng hapdi dahil sa marahas na paghalik nito.Nanlaki ang mga mata ko.Kitang kita kong nakatingin na sa gawi namin ang lahat ng kumakain kaya lalong nanlaki ang mga mata ko. Binitiwan niya ako at pinakawalan ang mga labi kong napaawang dahil sa ginawa niya.habol hininga ko siyang tinitigan dahil sa pangangapos ng hininga dahil sa tagal ng halik niya.Napahawak ako sa dibdib ko. "Simula palang yan." sabi niya saakin at tinalikuran na ako at itoy lumakad na papalayo.iniwan kaming tatlo nila angel at jonjon.Iniwan akong nakatanga dahil sa pagkabigla.This is the second time.Ninakawan nanaman niya ako ng halik.Lumakas ang kabog ng puso ko.Para akong mabablangko. Pakiramdam ko Natalo ako ng ganun kabilis sa paghamon ko sakanya.Halos panginigan din ako ng mga tuhod kaya ng lumapit saakin si angel ay napakapit ako dito. "Com'on let's go. "aya ni jonjon habang si angel ay napatango habang hawak ako sa braso at inaaalalayang maglakad palabas ng resto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD