CHAPTER 4

1349 Words
Nagbubulungan ang magkasintahang si angel at jonjon dahil sa inakto ni Lali.Hindi makapaniwala si angel na halos patayin ni Lali si carl sa mga titig palang.Nakaramdam siya ng pagkapahiya dahil sa inaktong iyon ni Lali,anu nga ba ang pumasok sa isip ni Lali at bakit sobrang galit ito. "Mag click kaya ang Plano naten?" Bulong ni jonjon sa nobya. "I don't know,hindi ko rin kasi enexpect iyong ginawa ni Lali kanina." sagot niya "Mukhang mapapasubo tayo neto eh." habang pakamot kamot sa ulo itong si jonjon. "Hahaha kaya nga eh,grabe kasi itong si Lali,hindi ko lubos maisip na ganito pala ito ka allergy sa lalaki neh hindi man lang umobra sakanya itong kagwapuhan ni Carl." "Panigurado ako,di yan matatanggap ni Carl.ayaw niyang naaapakan ego niyan,babaero pa naman." sabi ni jonjon "What do you mean?feeling mo ba type ni Carl si Lali?" tanong ni angel "Maganda si Lali,at halata naman Kay Carl na interesado siya dito lalo pat babaero yan,talagang kakagat at kakagat yan kaya lang mapapasubo yan Kay Lali,tignan mo naman hahaha." sabay nguso ni jonjon sa gawi ng dalawa.kitang kita ng magkasintahan ang dalawa lalo na si Lali na parang sasabog sa sobrang inis kaya napatawa sila at napailing nalang si angel. Tahimik lang na umiinom si Lali kahit pa feeling niya ay sasabog na siya sa sobrang pagkainis dahil kahit hindi niya tignan si carl ay alam niyang nakatingin ito sakanya.Hindi niya maintindihan ang sarili dahil galit siya dito,neh hindi niya alam kung bakit siya naiinis samantalang gwapo naman ito at walang ginagawang Mali sakanya pero napapainit niya ang dugo niya. Sa sobrang pagkairita,napatingin siya sa gawi ng kaibigang si angel at ng kanyang nobyo.Gustong gusto na niyang batuhin ang mga ito dahil kanina pa itong dalawang ito na nagbubulong bulungan. maglampungan ba naman dito?! sabi ng isip niya.Napairap siya at nadako ang paningin sa lalaking mabilis magpainit ng dugo niya,at nakangisi pa talaga ito habang nakatingin din sakanya.Nakakainis! halos gusto na niyang isigaw. Biglang narelax ang kanyang isip ng tumunog ang isang hindi pamilyar na love song.Hindi niya hilig ang pakikinig ng mga music pero sa puntong ito ay halos mapapikit pa siya sa ganda ng kantang iyon.Pakiramdam niya ay dinuduyan siya sa ganda.Neh hindi niya napansing napapangiti si carl sa pagtitig sakanya dahil napapapikit pa ito.Damang dama kasi niya iyong kanta. Napadilat siya ng mata ng magsalita ang kinaiinisan niya.bigla niya itong tinignan ng masama at ang loko ay nakangisi pa talaga. "What!?" irita niyang tanong na lalong nagpangisi Kay Carl "Shall we dance?" sabi niya na nagpaawang sa mga labi ni Lali.nababaliw naba ito? tanong ng isip niya.feeling niya baka nananaginip lang siya kaya denedma niya ito pero napatingin ulit siya ng maglahad ito ng kamay sa harap niya.kunot noo niya itong tinignan at nakangisi pa talaga si carl.Kulang nalang ay bugahan niya ito ng apoy para maging abo dahil pinapainit niya ang ulo ni Lali pero sadyang makulit at halatang may ugaling mapang asar itong si carl kaya lalo lang nainis si Lali. "SIGE na Lali,Kahit isang beses lang wag mo namang pahiyain si carl isa pa kapatid niya iyong may party." parang nangungunsensyang singit ni angel.Biglang napaisip si Lali.oo nga pala at kapatid nito ang may party.Tila naman siya nahimasmasan at nakaramdam ng bahagyang pagkahiya.Pinapakitaan pa naman niya ito ng hindi maganda simula pa kanina,nawala sa isip niya iyong kaya nakamenus siya sa alak ay dahil sa party na ito. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Carl na nakapagpangiti dito.Naiinis siya oo,pero isasantabi nalang muna niya iyon.Nauna siyang humakbang at napalingon siya sa gawi ng kaibigang si angel at jonjon at kitang kita niya kung paano mag apir ang mga ito.kaya napabusangot nalang siya. "Parang ulol. " mahina niyang sabi dahil isa pa itong Carl na ito na hanggang ngayon ay nakangisi parin.parang hindi gagawa ng maganda. "What did you say?" narinig iyon ni Carl kahit pa mahina ang pagkakasambit ni Lali.ALAM niyang siya ang sinasabihan nito dahil una palang ay ramdam na niyang mainit ang dugo nito sakanya kaya mas lalo siyang naging interesado.Agad niyang hinapit sa bewang si Lali at nanlaki ang mata nito sa pagkabigla dahil sa ginawa niyang paghapit. Nag iwas ng tingin si Lali dahil pakiramdam niya ay namumula ang mga pisngi niya.bigla kasi siyanh nakaramdam ng pag init sa pisngi dahil sa pagkabigla sa ginawa ni Carl. "Mas maganda ka sa malapitan." bulong ni Carl sakanya.Napahawak siya sa batok dahil feeling niya tumayo ang mga balahibo niya sa batok dahil sa Sinabi nito pero agad ding inalis.Imbes na sumagot ay inirapan niya lang ito. Sobrang lapit ng katawan nila,pati ang mga mukha ay halos magkadikit na.Bahagyang inilapit pa ni Carl ang mukha Kay Lali habang nakatingin ito sa gilid. "Bakit ba parang galit ka saakin?" bulong niya.agad namang napalingon si Lali at dahil sa sobrang lapit ng mukha ni Carl ay aksidenteng nahalikan nito ang gilid ng labi ni Lali dahil sa paglingon niya.Nanlaki ang mata ni Lali at mabilis na napahawak sa labi. "Excuse me." sabi ni lali at itinulak ng bahagya si carl.Naglakad ito palayo at pumunta sa medyo walang tao at naglakad ng paikot ikot. It's her first kiss kahit pa sabihing sa gilid lang iyon ay tumama parin sa labi niya.Naiinis siya kaya lakad dito lakad doon ang gawa niya.Sa walang humpay na paikot ikot,hindi niya namalayang sinundan pala siya ni Carl. "Hey,I'm sorry about what happened. " napalingon siya ng masama Kay Carl.kulang nalang ay bumulagta ito sa sahig dahil sa talim ng tingin niya. "Bastos! " sigaw niyang hindi na nakapagpigil pa. "Hey!hey! easy!hindi ko naman alam na lilingon ka,kung totoosin kasalanan mo iyon hindi ako." sagot ni Carl habang nakapamulsa ang mga kamay at nakangisi pa talaga. "You took my first kiss asshole!" gigil niyang sigaw dito pero lalong napangisi itong si carl dahil sa nalamang siya ang unang nakahalik sa labi niya. "Maybe because I'm lucky." sabay kindat pa.Humakbang ito papalapit Kay Lali at hindi alintana ang galit na itsura nito.Hindi naman gumalaw sa kinatayayuan si Lali at tila balak pa siyang salubungin nito.palaban.I like that! sigaw ng isip ni carl. Halos ikuyom ni Lali ang mga palad sa sobrang galit,pero nanlaki ang mata niya ng tuluyan ng nakalapit ito at mabilis siyang hinalikan.Tinutulak niya ito pero hindi matinag tinag ang pangangatawan nito.Halos pangapusan na siya ng hininga at tila walang balak tumigil sa paghalik itong si carl. "Oh my god!" bulalas ni angel dahil sa nasaksihan nilang mag nobyo.kapwa nabigla din ang dalawa kaya napahinto si carl sa paghalik Kay Lali.Si lali naman ay tila nawala sa sarili habang habol habol ang hininga. "Lali?are you okay.?" nag aalalang tanong ni angel dahil hindi parin ito kumikibo habang hawak ang dibdib. Napakurap kurap siya at bumalik sa katinuan at tinignan ng masama si carl na malawak ang pagkakangiti dahil sa ginawang kalokohan.Lumapit siya dito at mabilis na sinampal si carl.Napasapo nalang si carl sa pisngi dahil sa pagkabigla pero agad ding ngumisi. "And what's that for?" pang aasar na tanong niya Kay Lali habang hawak ang pisngi.Nanlaki naman ang mata ng mag nobyong angel at jonjon at parehong hindi makagalaw sa kinatatayuan. "Bastos kang Hayop ka!" "Ginusto mo naman iyon,kunwari kapa." patuloy parin sa pang aasar si carl habang si Lali ay halos maputulan na ng ugat sa leeg dahil sa galit. "How dare you!" akma niya ulit itong sugurin ng pumagitna na si angel at mabilis na niyakap si Lali. "Lets go home Lali." pero tila hindi siya naririnig nito. "Pagbabayaran mo ito!" sigaw niya Kay Carl.ngumisi lang si carl "Hihintayin ko iyan." sabay kindat pa. "Oh and one more thing.Malay naten may kasunod pa pala iyan diba hahaha." tumawa pa ito ng pagkalakas lakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD