Napakaraming tao ng makarating kami sa party ng pinsan ni jonjon.Hawak hawak ni angel ang mga kamay ko habang naglalakad kami papasok sa napakagandang bahay.Nagpalinga linga si angel na tila ba may hinahanap,at nang mabungaran si jonjon na kanyang nobyo ay nagtaas agad ito ng kamay na tila ba tinatawag kami at sinasabing magtungo kami sa gawi niya.
"Hi!thank you sa invitation." bungad ko sa nobyo ni angel,nakangiti naman ito ng tuluyan kaming makalapit.
"Your welcome Lali,hindi ka naman iba saamin ni angel.right hon?" balin niya Kay angel sabay halik nito sa pisngi.Tumango naman bilang sagot itong si angel habang may ngising nakakaloko.
Nagpaalam saamin si jonjon sandali dahil may lumapit na isa atang business man na mahahalata palang sa pananamit. "Ladies Alis muna ako ah at may aasikasuhin lang ako." pagpapaalam nito saamin sabay kindat.Tumango nalang kaming dalawa ni angel.Habang umiinom kami ay halos hindi namin namalayan pareho ang oras dahil sa pagkukwentuhan.Pansamantala ring nawala iyong kakaisip ko sa problema.
Tingin ko ay sumasang ayon ang gabing ito para sa paglimot ko,kaya talagang sinusulit ko ang mga oras na ito.Menus gastos! sabi agad ng utak ko ng madako ang paningin ko sa napakaraming bote bote ng mga ibang ibang klase ng alak,may mga wine na piling ko di naman nakakalasing na tingin ko ay para talaga sa mga babae at meron ding mga hard.Napapangiti ako habang sinasamsam ko ang alak sa kopitang hawak ko.
"Lali tignan mo iyong babaeng iyon." sabay nguso sa bandang gilid. "Parang clown." dugtong pa niya sabay tawa ng malakas.Napalingon naman ako sa tinuturo niya na pasimple lang dahil baka Makita kami.
"Grabe ka manlait noh." sabi ko sakanya habang hinahanap ang sinasabi niya.Tila tamado na ito kasi kitang kita sa mga pisngi nito na namumula na ng husto.Nang tuluyan kong makita ang tinutukoy niya ay bigla rin akong napahagalpak sa tawa na halos maibuga ko pa iyong alak na nasa bibig ko.Pareho kaming tumawa na nakaagaw ng pansin sa iba.
Kahit Sino tingin namin ay matatawa talaga,paano ba naman kasi iyong mukha ng babaeng tinuturo ni angel ay hindi ko alam kung babae ba talaga ito o isang bakla dahil sa kapal ng kolorete sa mukha.Umusod ako ng konti Kay angel at bumulong.
"ANG panget niya.babae ba yan?parang dumudugo narin yung nguso niya sa sobrang pula ng labi tapos manguso pa siya para tuloy siyang sinapak na bibe." lalong lumakas ang tawa ni angel sa sinabi ko at halos maluha na ito kakatawa habang hawak hawak ang tiyan.
"Isa pa yun oh." sabi pa ni angel at mukhang may nakita nanaman.Agad ko namang nakita ang sinasabi niya kaya napangisi ako.Ito ay isang babaeng mukhang mayaman,naglalakad ito na halos dikit na ang mga tuhod.SA sobrang ikli ng suot nito ay kitang kita kung paano ito maglakad ng peke.
"Dapat nag long dress nalang siya,ang panget kasi tignan." turan ko habang si angel ay patawa tawa parin na papunas punas ng mata dahil sa mga luha.
Hindi naman talaga kami mapanglait,nagkataon lang siguro dahil may ispirito ng alak sa katawan namin.Masaya naman ako dahil naibsan iyong stress ko.Habang masaya kaming nagtatawanan ay biglang may nagsalita sa gilid namin,alam naming si jonjon iyon dahil kilala namin iyong boses niya.
Hindi namin namalayang nakalapit ito saamin dahil sa katuwaan at kalokohan naming dalawa.Napalingon kami dito habang may mga ngiti parin sa aming mga labi.Mayroon itong kasamang lalaki.Kahit hindi ako mahilig sa lalaki ay masabi kong gwapo ito na may matangos na ilong,may magagandang ngipin na kitang kita dahil sa pagkakangiti,may mga stubbles na bumagay sakanya.Napairap nalang ako ng mapansin kong nakatingin ito saakin at nginitian ako ng pagkatamis tamis na hindi ko nagustuhan kaya inirapan ko ito. Hindi ko gusto ang ngiti ng lalaking ito. sabi ng isip ko kaya napainom nalang ulit ako.
"Mukhang ang saya niyong dalawa ah." sabi ni jonjon habang hinahalik halikan ang leeg ni angel.Hindi ata alintana ng dalawang ito na maraming tao dito at hindi lamang sila.
"Yes hon.buti nalang talaga at kasama ko si lali,kung hindi...." putol niya sabay tingin sa lalaking kasama ng nobyo. "Sorry to tell you this carl ha? pero baka naboring na talaga ako kung hindi ko kasama itong kaibigan ko." so Carl pala ang pangalan nito,napatingin din ako sa gawi nito at sakto namang napatingin din ito sa gawi ko na may ngising hindi ko talaga gusto.Kumunot ang noo ko at napatawa naman ito.Anung nakakatawa.? sabi ko sa isip ko sabay irap ulit sakanya.
"I understand angel,boring naman talaga ang party ng kapatid kong si Nadia.kahit naman ako ay naboboring din kaso kailangang mag pretend para hindi sumama ang loob niya." sabi nito sabay kindat sa mag nobyo. "By the way who is she?" dugtong niya at bumalin saakin ng tingin.
"Oh I forgot!Carl thi is Lali Samonte.and lali,this is Carl Hughes. " pagpapakilala ni jonjon.Naglahad ito ng kamay saakin ngunit tinitigan ko lang ang kamay nito,unti unting nagsalubong ang mga kilay ko.Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo ko sa lalaking ito kahit wala naman itong ginagawang masama.
Napangiwi ang itsura ni angel ng tignan ko siya at bahagya namang napakamot sa ulo ang nobyo nitong si jonjon dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin tinatanggap ang kamay nitong nakalahad sa harapan ko.Nakangisi lang ito at mukhang hindi nangangalay dahil hanggang ngayon ay nakalahad parin ang kamay nito.STRANGER! sigaw ng utak ko kaya napairap nanaman ako at binalik ang tingin Kay angel.
"What!?" irita kong tanong Kay angel dahil pailing iling ito ng tingnan ko.Pinandilatan niya ako at tingin ko gusto ako nitong batukan dahil gusto nitong iparating saakin na tanggapin ko ang kamay ni Carl.
Napaikot nalang ang mga mata ko at Dali daling tinanggap ang kamay nito na hindi ko man lang tinitignan.Pinisil nito ang palad ko kaya agad kong binitawan ang kamay niya.Hindi maganda ang kutob ko sa lalaking ito.Oo nga at gwapo siya aminado naman ako doon,at halata ding mayaman ito pero wala akong pakialam.Halata din kasi dito na isa itong babaero sa paghagod palang ng mga tingin sa kabuuan ko ay nakakailang na.the moves ng babaero! napansin ko itong ngumiti ng madako ang mga mata nito sa dibdib ko. abat! bastos.nanlaki ang mata ko at mabilis na tumalikod para maiiwas ang harapan ko.
"Bastos!" mahina kong sabi.