CHAPTER 5

1013 Words
Hindi ko gusto ang kabastusan ng lalaking iyon.Pati ang first kiss ko ay nagawa niyang nakawin ng ganun lang kadali.Tama nga ang kutob ko sakanya na hindi ito gagawa ng maganda.BAKIT ba kasi ako pumayag na makipag sayaw sakanya.Dahil sa nangyaring iyon ay heto ako at halos hindi makatulog.Ilang oras na ang nakakalipas ng ihatid ako ni angel dito sa tinutuluyan ko dahil sa nangyari kanina.Gustong gusto ko talagang pagsasampalin ang lalaking iyon. Sa sobrang galit at pagkainis na nararamdaman ko ay sana lang hindi ko na ito muling makita dahil isinusumpa kong hindi niya magugustuhan kapag naglandas pa ang mga sarili namin.SA inis na nararamdaman ko ay pinagbabato ko ang mga unan ko sa kung saan saang parte ng kwarto.Nanggigigil talaga ako.Bawat pikit ko ay mukha niyang nakangisi ang nakikita ko. "Sana lang talaga at hindi ko na ulit makita ang pagmumukha mong bastos ka!" sigaw ko dito sa loob ng kwarto. Makalipas ang ilang araw ay nakabalik na ako sa trabaho dahil sa dalawang buwan nalang ay uuwi na ako ng pinas.Excited akong umuwi at dahil papalapit ng papalapit ang araw ng pag uwi ko ay nawala narin sa isip ko iyong lalaking bastos.Kinalimutan ko na iyon kaya okay na ako wag lang talaga kaming magkita pa at baka mahighblood nanaman ako. Nagpasya kaming magkita ni angel ngayon,para mamasyal at kumain sa labas.Napag usapan naming susunduin nalang niya ako dahil saaming dalawa ay siya ang may sasakyan at mas pabor saakin iyon.Hinihintay ko na lamang siya at aalis na kami.Simula ng may mangyari sa party ay hindi naman na nagtatanong o nagkukwento itong si angel dahil ramdam siguro nito na ayokong pag usapan pa ito o maalala man lang. Nakarinig ako ng busina sa labas ng tinutuluyan ko kaya napangiti ako at agad na lumabas.Napakunot noo ako ng tumambad sa akin ang hindi pamilyar na sasakyan.Hindi ko kita ang sakay nito dahil tinted ito pero sigurado akong ako ang pakay nito dahil sa mismong harap ng tinitirhan ko ito nakahinto. Nag alinlangan akong lumapit kaya nanatili akong nakatayo sa bukana ng pinto ko kahit pa nakasarado na ito.Biglang bumukas ang pinto sa bandang likuran at lumabas doon si angel.Sino ang driver?isip ko "Hey bakit nakatayo ka lang dyan?Tara na. " sabay hila saakin. "Sino ang kasama mo?" tanong ko ngumiti ito saakin habang naglalakad kami papunta sa sasakyan. "Si jonjon." tipid niyang sagot. "Bago niyang sasakyan?" turan ko pero umiling lang ito bilang sagot.Binuksan niya ang pinto sa likuran para saakin,at agad naman akong pumasok kasunod siya. "Hi?" bungad ng lalaking hindi ko alam kung Sino kaya napatingin ako sa kinauupuan ng driver at halos lumuwa ang mata ko sa pagkabigla.mabilis na uminit ang ulo ko.piling ko may mga usok na lumalabas sa ilong at tenga ko. "What the hell! " sigaw ko.napangiwi naman si angel sa pagsigaw ko sabay hawak sa braso ko. "Anong ibig sabihin nito angel bakit kasama naten ang gagong iyan." sabay duro ko sa lalaking kinaiinisan ko.habang si jonjon ay napapakamot sa batok sa tabi nitong bastos na ito. "Hey babe ang sakit mo namang magsalita.diba papasyal tayo right angel?" sabay kindat Kay angel.Napatingin ako ng masama dito dahil sa tinawag niya saakin. "Babe mo mukha mo gago!" natawa naman si jonjon sa sinabi ko at ito naman ay binatukan ni carl.Binalingan ko ng tingin si angel. "what is this angel?pinagtitripan niyo ba ako?akala ko ba lalabas tayo,ng TAYO LANG!" pinakadiin ko pa ang salitang iyon. "Hindi mo man lang ako ininform na may bastos na aso pala tayong kasama. " dugtong ko habang nakaturo ang daliri ko sa gawi ni carl.napahagalpak sa tawa naman itong si jonjon. "Bro ngayon ko lang nalaman na isa ka palang aso hahahaha." tawa ni jonjon. "Shut up jonjon! " saway nito sa pinsan na patuloy paring tumatawa "I'm sorry Lali,biglaan lang din kasi.pumayag ako dahil sabi niya hihingi daw siya ng tawad saiyo." paliwanag ni angel. "No!" agad kong sagot. "Kung kasama rin lang iyan ay mas gugustuhin ko nalang magkulong sa tinutuluyan ko kesa makasama at makita ang pagmumukha ng bastos na yan!" halos maputulan ako ng ugat sa inis ko. Umiling si carl sa sinabi ni Lali pero napangisi naman agad dahil naalala nito ang gabing ninakawan niya ito ng halik at sobrang saya niyang siya pa ang unang nakahalik dito ibig sabihin ay birhen pa ito.Napakagat labi si carl sa isiping iyon. "Wag ka ng magalit babe,kiss lang naman iyon.sa susunod mas higit pa doon ang gagawin naten." sabi niyang nakangisi pa.Nanlaki ang mga mata ni Lali sa sinabi nito. "Asshole hahaha." sabi ni jonjon "Hey carl naman akala ko ba hihingi ka ng paumanhin pero heto ka at nang aasar pa." singit ni angel.Hindi na talaga nagugustuhan ni Lali ang nangyayari at akmang lalabas na ng sasakyan ng biglang awatin siya ni Carl at napahawak ito sa hita niya dahil sa pagpigil nito sakanya. "Hey hey easy.I'm just joking babe." habang ang mga kamay ay nasa hita parin niya.kahit nasa driver seat ito ay talagang Nagawa pa siyang pigilan at sa hita pa talaga. "Bastos kang talaga!" sigaw niya sabay tabig sa kamay. "At isa pa wag mokong matawag tawag na babe!" sigaw niya.imbes na sumagot ay nagkibit balikat nalang itong si Carl at pinaandar na ang sasakyan.Si angel ay patuloy siyang pinapahinahon habang si jonjon ay pangisi ngisi.Sasakyan ito ni carl kaya pala hindi pamilyar sakanya. Akala niya hindi na niya ito makikitang muli pero nagkamali siya.Jusko gusto ko na talagang umuwi! sigaw ng utak niya habang masamang nakatingin sa lalaking panay ang sulyap sakanya sa rearview mirror. "Pagsisisihan mong binastos moko!" sigaw ng utak ni Lali habang matalim na nakatingin Kay Carl kahit pa nakatalikod ito sakanya. "Lintik lang ang walang ganti!" dugtong niya dahil napatingin nanaman si carl sa rearview mirror at ngumisi ng magtama ang mga mata nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD