Napapangiti ako habang nakatingin sa kaibigan kong si shane na masayang masaya.Totoo nga ang sinabi ng aking mama na napakagwapo ng asawa niyang si jake lalo na sa malapitan nang ipinakilala niya ito saakin kanina.Masabi kong napakabilis nga talaga ng araw dahil kelan lang ay nasa Canada pa ako pero heto ako ngayon kasama nila sa baby shower ng magiging anak nila.Hindi ko rin inaasahang ipapasundo nila akong mag asawa papunta dito sa manila.Dahil nga malayo ito saamin ay nakiusap din ang mga ito na dumito muna ako at sila ang bahala saakin dahil balak nilang mamasyal sa isang private island na pag mamay ari ng kaibigan ni jake.Nais nilang magbakasyon na kasama ako.
Nabanggit ni jake na gwapo ang kanyang kaibigan na may ari.Napangiti nalang ako ng sabihin niya iyon dahil parehas sila ng sinabi ni shane na pawang mga gwapo ito lalo na ang kapangalan ng manyak na nakilala ko.Biglang pumasok sa isip ko ang manyak na carl na iyon pero mabilis ko ding iwinaksi ang nasa isipan.Simula ng hinamon ko ito ay panay na ang panggugulo saakin.napasubo ako sobra! dahil araw araw na itong nagtetext saakin.Halos oras oras ata ay nagagawa nitong magtext saakin,ultimong sa pagtulog ko ay hindi nito nkakaligtaan na magsabi ng goodnight at ganun din sa umaga.Magigising akong may bubungad na mensahe galing sakanya kahit pa hindi ko ito nerereplayan.
Nagtaka ako dahil simula kagabi ay hindi ito nagparamdam kahit isang text hanggang ngayon.Ayoko namang magtanong dahil baka isipin niyang namimiss ko siya.asa! pero aminado akong pag gising ko kanina ay umasa akong may mensahe ito pero wala.Sa kakaisip sakanya hindi ko namalayang nakalapit na pala si shane saakin at umupo sa tabi ko.
"Hey lalim ng iniisip ah haha." napangiti naman ako dito. "Okay ka lang ba?"dugtong niya.
"Oo naman,shane I'm so happy for you." ngumiti ito saakin.Lumapit ako bahagya sakanya at hinawakan ang kanyang umbok na tyan saka hinimas ito."hello baby,si ninang ito.bilisan mong lumabas para makarga na kita ha?" kausap ko ang tyan niya na para bang naririnig ako nito.
"Ay wag naman lali.baka mamaya mapaanak ako de oras eh haha." sagot naman ni shane.nagtawanan kaming dalawa dahil dun.
"Sira,biro lang naman iyon.siyanga pala nasan na iyong kaibigan mong si Jacky?" tanong ko dahil gusto ko rin talaga itong makilala.
"Wala siya eh,nasaktong nasa paris kasama ni Eric.Malapit narin kasing ikasal ang mga iyon kaya busy pareho."
Napatango tango nalang ako.sayang!. "congrats ah magkakababy boy na kayo." sabi ko.
"Hayaan mo at susunod kana saakin haha." napanguso namam ako sa sinabi niya na lalo niyang ikinatawa.
"Shane mag mamadre nalang ata ako haha." saad ko habang napapakamot sa kilay.
"Hindi pwede may ipapakilala pako sayo eh." sabi nito sabay ngiti saakin.Napangiti nalang ako ng pilit habang sumusubo ng dessert.Gaano ba kaseryoso ito na mahanapan ako ng kapareha? "oh nandyan na pala siya eh."dugtong niya sabay kaway sa bandang likuran ko.Napaangat ako ng tingin sa kaibigan kong si shane.Parang sinasabi ng utak ko na huwag akong lumingon at hintayin nalang na lumapit kung Sino man ang tinutukoy nito.
"What a small world right babe?" tinig ng lalaki na mabilis na nagpalingon saakin.Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang pagmumukha ng lalaking nasa harapan ko na sobrang lawak ng pagkakangiti saakin.ang lalaking ayaw kong makita.ang lalaking hinamon ko na gagawin ko ang gusto kapag nakita ako!ang lalaking kinukwento ko sa kaibigan ko at ang lalaking kinukwento niyang ipapakilala niya saakin ay iisa! it can't be!no!no!no!
Sa sobrang pagkabigla ay nahulog ang hawak kong tinidor.Halos masamid din ako kaya mabilis akong napainum ng juice.Umayos ako ng upo at humarap muli sa pagkain.Hindi ko magawang kumain kaya nakatitig lamang ako.Pakiramdam ko ay nanlalamig ang buo kong katawan.Hindi ako makakilos!
"Lali are you okay?" tanong saakin ni shane. Napatingin ako dito.ngumiti ako ng pilit. "Magkakilala kayo ni carl?" dugtong niya.Hindi ko magawang sumagot kaya napainum ulit ako sa juice .Halos mapatalon ako sa sobrang pgkagulat ng umupo sa kabilang side ko si carl at inarko ang kamay sa likuran ng inuupuan ko.Muntik ko ng maibuga ang juice na nasa bibig ko.
"Yes,magkakilala kami shane.so siya pala ang kaibigan mo na sinasabi mo noon." sabi nito na kahit hindi ko tignan ay alam kong nakatingin saakin. "Ang liit liit talaga ng mundo. right?" sabi nito sabay lapit ng mukha sa gilid ko at pilit na inaabot ang paningin ko.
"Oh that's great! siya iyong kinukwento ko saiyo Lali diba gwapo?" sabi ni shane na may patusok tusok pa sa tagiliran ko.Paano ko sasabihin sakanya na ang lalaking ito ang bumastos saakin.Hindi ako makapag salita tanging pilit na ngiti lamang ang nagagawa ko.Tumingin ako sa gawi ni carl at pilit na ngumiti na may kasamang masakit na titig.Tila alam naman nito ang ibig ko sabihin kaya napatawa ito at sa harapan ko pa mismo!Ang sarap tapalan ng kung ano ang mukha nito! sabi ng evil side ko.
"So pinag uusapan niyo pala ako?" sabi nito na nakangisi pa.Unti unti nanamang nagsisiakyatan ang mga dugo ko sa ulo na ilang minuto nalang ay tila sasabog na. "Ikaw ba, nakukwento mo ba ako sakanya? " dugtong nito na tila ba inaasar ako.
"Bakit kailangan ba!?"irita kong sagot na hindi tumitingin sakanya na lalong ikinangisi niya.Sinandal ko ang likod ko na punong puno ng pwersa sa isiping maiipit ko ang kamay niyang nakaarko sa likuran ng upuan ko.Tama nga ako at naipit ko ito pero nagkamali ako sa isiping masasaktan ko ito dahil hinimas pa ng manyak na ito ang likuran ko kaya mabilis din akong dumeretso ng upo.Manyak talaga!
"Oo nga Lali,hindi ka man lang nagkwento akala ko iyong manyak lang na nakilala mo ang nakilala mong lalaki eh hahaha." singit ni shane.Sabay naman kaming napalingon sa gawi ni carl ng biglang tumawa ito ng pagkalakas lakas dahil sa sinabi ni shane.Sa gigil ko pasimple kong inapakan ang paa niya sa ilalim ng mesa.Napangiwi ito dahil sa ginawa ko dahil kahit nakasapatos ito panigurado akong nasaktan siya dahil pointed heels ang gamit ko.Buti nga sayo! sabi ng isip ko habang nakatingin sakanya ng nakangisi. Ginantihan naman niya ako ng ngising nakakaloko,at sinamahan pa talaga ng titig na halatang may something kaya inirapan ko ito.
"Carl,tawagin ko lang si jake kanina kapa hinihintay nun eh." sabi ni shane at umayos para tumayo.MAbilis namang lumapit saakin si carl at bumulong.
"I found you!May usapan tayo remember?" sabi nito na nagpatindig ng balahibo ko.kaya bago pa makalakad palayo saamin si shane ay nagsalita na ako.
"Cr muna ako ah." paalam ko at tumango naman si shane saka tuluyang naglakad papunta sa asawa.Napalingon akong muli sa gawi ni carl at itoy nakatitig saakin na nakangisi parin.
Nang makarating dito sa loob ng cr ay halos magsisigaw ako sa inis.Bakit sa dinami dami siya pa!?Gusto kong magwala dahil sa inis na nararamdaman ko.Hindi ko inaasahang kilala siya ng kaibigan ko at masabi kong close pa ang dalawang ito.Bigla kong naalala iyong paghahamon ko kaya napasambunot ako sa buhok ko dahil sa kagagahan ko.SHIT!anong gagawin ko!?