CHAPTER 14

1058 Words
Para akong tuod dito sa tabi habang umiinom ng tubig.Halos makaubos na ata ako ng isang buong pitsel na tubig dahil sa halo halong pakiramdam dahil sa nangyayari ngayon dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na makikita ko ito dito and worst hinamon ko pa. Nakatitig ako sa gawi ni jake at ng manyak na si carl habang umiinom ng bigla akong mabulunan.Kitang kita naman ng dalawa kong mata kong paano pilit pinipigilan ni carl ang pagtawa dahil nakita ako nitong nabilaukan.Kahit malayo sila sa pwesto ko ay inis na inis talaga ako dahil kahit magkausap sila ni jake ay nananatiling nakapako ang mga paningin nito saakin. "Asan naba si shane?" pagkausap ko sa sarili.sabi niya ay aayusin lang niya ang gamit niya para maya maya ay uuwi na kami.Lingon dito at lingon doon ang tanging Nagawa ko hanggang sa mapunta nanaman ang paningin ko sa manyak na ito na hindi na nagsawang tumingin sa dereksyon ko.Para kang tanga! halos gusto ko ng isigaw sakanya ang salitang iyan.Tinignan ko ito ng pagkatalim talim na kulang nalang ay bumulagta ito sa sakit ng tingin ko pero ang manyak na ito sadyang mapang asar at tumitig pa saakin ng nakangisi habang nakapamulsa ang dalawang kamay.Hindi ata alintana nito na kaharap niya si jake at nakukuha pang ngumisi saakin.Inirapan ko ito at tumayo.Balak kong lumabas para makasagap ng hangin dahil pakiramdam ko nauubusan ako ng hangin dahil sa pagtitig nito saakin. Napapikit ako ng may hanging dumampi sa pisngi ko.nakakarelax! dapat pala ay kanina ko pa ito ginawa at baka nabawas bawasan pa ang init ng ulo ko.Habang nakapikit ay hinaplos ko ang mga braso ko dahil medyo nakaramdam ako ng lamig.Nakasuot lang kasi ako ng fitted white tube na hanggang hips pero nakainsert sa jeans ko na tenernuhan ng black pointed heels.May cardigan naman ako kaso naiwan ko ito sa loob,ayoko munang bumalik dun para kunin iyon dahil baka sumama nanaman ang mood ko, gumanda pa naman ang pakiramdam ko ng makalabas ako. "Are you alone?" tinig ng lalaki na nagpadilat sa mata ko.mabilis akong napadilat at napaikot ng mga mata ng mapagtanto kung Sino ito.BAKIT ba buntot ng buntot ito!? "Obvious ba?may nakikita kabang kasama ko?" pambabara ko sabay irap.eh kita na nga niyang wala akong kasama tatanungin pa niya.sarap talagang batukan. "Hahaha babe wag kang ganyan.May usapan pa tayo eh,wag mong sabihing wala kang isang salita?naku hindi maganda yan." turan nito.tinaliman ko ito ng tingin,nandito nanaman ito para mambwesit. "May sinabi ba ako?para kang tanga noh!?isa pa,wag mo nga akong matawag tawag na babe,tigil tigilan mo yan dahil baka may makarinig na iba pa isipin." irita kong sabi. "What if ayoko?" hamon nito saakin.MAbilis nagsalubong ang mga kilay ko sa pakikipagmatigasan nito saakin.Nakakagigil na talaga! pero pilit kong pinapakalma ang sarili dahil ayokong maulit iyong nangyari noon sa Canada lalo pat celebration ito ng kaibigan ko.ayoko itong masira.bumuntong hininga ako ng napakalalim at deretsong humarap sakanya. "Okay fine! anu ang balak mong ipagawa saakin ng matapos na ang usapan na ito." seryoso kong tanong.Ngumisi ito ng pagkalaki laki.tang ina talaga sasabog nako! "Why in a hurry babe?" balik tanong nito saakin na malawak na nakangiti.Abat! sa inis ko napapadyak ako bilang pagdadabog dahil sobra nakong naiinis sa pangisi ngisi nitong manyak na to. "Tang ina naman Carl!pwede ba wag mo na akong paglaruan sabihin mo na ang gusto mo ng tantanan mo na ako!" sa sobrang inis ko ay napamura na ako ng tuluyan.Gusto ko ng matapos ito ng makalayas na ito sa harapan ko. "Hahaha wow! ngayon ko lang narinig na tinawag moko sa pangalan ko,and babe don't say bad words again okay?" sabi nito na may kasama pang kindat at nakuha pa talagang tumawa. "Bwesit ka talagang manyak ka!" akma ko itong hahampasin ng heels ko ng biglang dumating ang mag asawa. "Hey what are you two doing?" sabi ni Jake habang ang asawang si shane ay kita sa mukha ang pagtataka.MAbilis akong umayos ng tayo at isinuot ulit ang panhahampas ko sana. Tumawa itong si carl at mabilis akong inakbayan na feeling close kami."Nothing bro,nagbibiruan lang kami." sabay tingin saakin na nakangisi.nanlaki ang mata ko sa ginawa niyang pag akbay saakin.uminit ang sulok ng mga mata ko sa galit at tinignan ko siya ng masama sabay siko ko sa tagiliran niya. "Ouch! babe naman!" sabi nito na nakangiti pa kahit pa nasaktan.Napatawa naman ang mag asawa.Kunot noo ko silang tinignan.naniniwala kayo sa manyak na ito? tanong ng isip ko. "Tara na nga baka langgaminpa kayong dalawa dyan eh." sabi ni shane na nakangiti. "Langgamin?baka siya langgamin at puntiryahin sana ang nguso niya ng magtanda." inis kong sabi.Napahagalpak naman sa tawa itong si jake sa sinabi ko. "By the way carl,sigurado kabang okay lang sayo na mag stay kami doon ng dalawang linggo?" tanong ni shane.Napatingin ako sa katabi kong manyak na hanggang ngayon ay hawak hawak ang nasaktang tagiliran dulot ng pag siko ko. "Syempre naman shane,lalo Nat kasama si babe." anong sinasabi nito?kasama ako saan? "Thanks talaga carl your the best!" sabi ni shane sa masayang tono. "Anong kasama ako?bakit at saan?" takang tanong ko. "Kay carl ang private island na pupuntahan naten Lali." singit ni jake.oh my god!anu ba itong sunod sunod na nangyayari saakin!? "Yung totoo?joke?nakakatawa kasi hahaha." sabi ko na pilit humahalakhak para hindi ipahalata ang pag dis gusto ko.kung alam ko lang na sakanya pala iyong Lugar ay una palang umayaw na ako. "Walang joke dun babe.bukas na bukas ay aalis na tayong apat para pumunta doon,nakaready narin ang yacht ko and don't worry gagawin kitang prinsesa doon." sabi nito.Nanatili akong nakatayo na parang nawalan ng Malay kahit dilat ang mga mata dahil sa sinabi nito. "How sweet naman Carl." kinikilig na saad ni shane habang ang asawang si jake ay napapailing iling na may halong ngisi.Napatingin ako sa gawi ni carl,may sinabi ito pero tila ako nabingi dahil sa mga nangyayari kaya hindi ko naintindihan ang sinasabi nito.what is the hell happening?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD