Matagal bago ko napagdesisyunang isuot ang two piece na bigay ni shane.Isa itong black two piece na lace lang ang tanging magsisilbing lock.Napangiwi ako ng mapaharap ako sa malaking salamin dahil kitang kita ang singit ko sa pang ibabang ito.BAKIT kasi kinulang ng tela! maputi ang mga singit singitan ko sa katawan,maputi din namam ako kaya bumagay din saakin ito.Ultimong sarili kong utak ay nagsasabing napaka sexy ko sa two piece na ito.Kaya lang kasi,may ilang parin akong nararamdaman dahil makikita ako ng ganito ni manyak!Napahaba ang nguso ko sa isiping baka maglaway ito lalo pat halos kita ang singit ko.
Napakamot ako sa ulo dahil sa pag iisip.Umikot pako sa harapan ng salamin at talagang napapawow ako sa sarili.Napangisi din ako agad dahil bigla kong naalala ang mukha ng galit na higad na iyon.Ano kaya ang mararamdaman mo Samantha kapag lumabas akong ganito?
"Lali?are you done?" sigaw ni shane mula sa labas ng silid.Nakalimutan kong naghihintay nga pala ito saakin.
"Shane,Mauna kana doon susunod nalang ako." sigaw ko.
"Sige.suotin mo yan ha!?nandun na silang tatlo naliligo na ata." sabi pa nito na naninigurado.Hindi na ako sumagot.Papakalmahin ko muna ang sarili ko bago lumabas dahil hindi talaga ako kumportable.
Inabot ako ng kalahating oras bago napagdesisyunang lumabas na.Dahil hindi ako kumportable ay nagsuot ako ng bestida na kung titignan ay parang pantulog para matago ang suot kong two piece.
Habang papalapit ng papalapit sakanila ay kita kong malakas na tumawa itong si higad ng makita ako dahil sa itsura ko.bwesit talaga! napatingin naman sa gawi ko sila carl at jake na umiinom ng beer sa in can.Walang damit pang itaas itong si jake at Carl.Napalunok ako ng mapansin kong ang ganda pala ng katawan ni carl lalo na at may mga abs pala ito.Napatingin ako sa bandang ibaba ng pusod niya at halos maibulalas ko ang salitang wow dahil sa v-shape nito sa puson pero nagpigil ako.Si shane naman ay kunot noong pinagmamasdan ako habang papalapit sakanila.Nakapameywang pa itong si shane na halatang inis.
"Omg!look at her hahaha.!" tawa nitong higad na ito. "Hello?magswiswimming tayo hindi matutulog!" sigaw nito saakin.nanggigigil nanaman ako.Kaya imbes na hindi ko balak hubarin ang doble ko ay mukhang mapipilitan ako dahil gusto kong masupalpal itong higad na ito.
Habang naglalakad Unti unti kong inangat ang suot kong bestida at dahan dahang lumantad sa harapan nila ang katawan ko na nakasuot ng two piece.di bale nang makita ang singit ko! sabi ng utak ko.Habang papalapit sakanila,kita kong napanganga itong si higad kaya napangisi ako.Nakatingin silang apat sa gawi ko pero ang tanging mata ko ay nakapokus Kay Samantha.gusto ko makitang paano nito kainin ang mga salitang binitawan saakin kanina.Worth it nga ng makita ko itong mapanganga at marinig na napamura.
Naagaw ng atensyon ko ng mabitawan ni carl iyong beer na hawak niya dahil sa kakatitig saakin.Para itong natuod.Pinasadahan niya ng tingin ang buo kong katawan kaya parang gusto kong takpan ang bandang ibaba ko.Bastos talaga.si shane naman ay napangiti ng pagkalaki laki.
"Wow!" bulalas ni jake.bigla naman itong binatukan ni shane kaya napangiti ako.
Natahimik si Samantha ng tuluyan akong nakalapit sa gawi nila.Naka two piece ito ng white.Sexy din naman siya pero wala sa laki ng pwet ko iyong pwet niya.Mukha kasing napudpod haha.SA kasiyahan kong makita siyang ganun ay lumapit ako sa gawi ni carl para asarin pa ito lalo.Kita ko sa gilid ko kung paano ngumisi itong si shane dahil kilala ako nito.alam nito kung paano ako mang asar sa babaeng kinaiinisan ko.huminto ako sa harap ni carl na nananatiling nakatayo at nakatingin saakin.
Pinulot ko iyong beer na nahulog niya at inabot sakanya na kinuha din naman niya pero nanatiling nakatingin.kita din dito kung gaano ito nabigla.pero kita ko rin sa mga mata nito iyong pagnanasa ng makita ako nitong maghubad.Hinawakan ko ang dibdib niya kahit ilang ako ay paninindigan ko ang pang aasar Kay Samantha.inumipsahan niya kaya ako ang tatapos.Nag init man ako sa pagdampi ng mga palad ko sa dibdib ni carl ay pinagpatuloy ko parin.ngayon paba ako aatras?
halos idikit ko na ang katawan ko sakanya na lalong nagpatuod na tila napako na sa kinatatayuan itong si carl.Napaawang ang labi nito dahil sa paghawak ko sa dibdib niya at napalunok ng ilang beses.Maliit man ako ay pilit kong inabot ang kanyang tenga at inilapit ang mga labi sa tenga niya at bumulong. "Yung laway mo manyak." sabi ko sabay atras ng konti sakanya at ngumisi. Napakurap kurap naman itong si carl.
"What the f**k!" sigaw naman nitong si Samantha. Napatingin ako dito na may halong ngisi.Para itong sasabog lalo na sa paglapit ko Kay Carl.anong feeling ng matalo b***h!?
Lumapit ako Kay Shane na nakatwo piece din,kahit malaki na nga ang tyan nito ay sexy parin talaga ito.inangkla ko ang kamay ko sa braso niya at ngumiti.Ngumiti din ito saakin na tila alam na alam na walang mapapasubo dito kundi si Samantha at hindi ako.
"Tara Shane?swimming na tayo,mukhang maganda ngang mag swimming ngayon and thanks to you Samantha sa pag aya saamin." pang aasar ko pa.halos mamula ang buong pagmumukha nito sa galit.
"Hey asshole hahaha are you okay?" dinig kong sabi ni Jake Kay Carl dahil hanggang ngayon ay parang wala ito sa sarili.
"Nawalan nako ng gana!" bulalas ni Samantha at nagwalk out.Sabay kaming natawa ni shane dahil sa pag walkout nitong si higad.Hamon pa kasi.
Nang tuluyan nang makalayo si Samantha ay lumapit akong muli Kay Carl.Bigla kasing may pumasok na kalokohan sa isip ko.Hinawakan ko ang magkabilaan niyang pisngi at mabilis siyang hinalikan sa labi.Total maraming beses na ako nitong pinagnakawan ng halik,wala naman sigurong masama kung gagantihan ko ito.Kahit hindi ako marunong ay ipinasok ko pa ang dila ko sa bibig niya na gaya ng ginawa niya saakin sa yate.Nanlaki ang mga mata ng mag asawa pati narin itong si carl.welcome back! sabi ng isip ko dahil kita kong natauhan na ito.Bumitaw ako at lumayo sakanila.
"Lets go shane." sabi ko Kay Shane at nauna na akong naglakad papunta sa dagat.Habang naglalakad ay napapangiti ako sa kapilyahan ko.alam kong nakatingin lang sila saakin dahil sa pagkabigla dahil sa ginawa ko pero wala akong pakialam.ngayong araw na ito ay ako ang nanalo sa dalawang nagpapainit ng ulo ko.victory!