CHAPTER 3

1167 Words
Katatapos lang maligo ni Lali dahil isang oras nalang ay dadating na si angel para sunduin siya.Hindi niya alam kung magbibigay paba ng masusuot si angel na gaya ng sinabi nito o hahanap nalang siya.Pansamantala siyang nakatayo sa harap ng closet niya at isa isang nilabas ang mga dress na meron siya at nilapag ito sa kanyang kama para mamili.Pero nakailang sukat na siya ay wala talaga siyang matipuhan sa mga nasa harapan niya. Habang namimili ng damit ay may biglang kumatok.Akala niya sa kabila lang ang tunog na naririnig pero naisip niyang silipin dahil wala atang balak huminto ang kumakatok.Sisilipin narin niya kung sa kabila ba o sa mismong pinto niya sa labas. Sumilip siya sa maliit na butas ng kanyang pinto at napakamot siya dahil dito pala talaga ang kumakatok. "What can I do for you?" sigaw niya habang nasa loob at hindi binubuksan ang pinto.Tsaka baka masamang tao ito mahirap na sabi ng isip niya. "Ahmm inutusan po ako ni miss angel para iabot sainyo ito." biglang naalala niya iyong sinabi nito na bibigyan sya ng masusuot. "Ay ganun ba." sabay bukas sa pinto.Ngayon lang niya napansin na may itsura pala ito at kung titingin sa base ng mukha nito ay masabi niyang nasa edad 23 ito. "Pasensya kana ha,akala ko kasi kung Sino na" dugtong niya habang ang lalaking nasa harap ay namumulang nakatingin sakanya na akala mo may multong nakita at halos lumuwa ang mata sa pagkakagulat. "mga totoy talaga." sabi ng isip niya. Kinuha niya sa kamay nito ang isang box na ipinadala ni angel dahil wala atang balak gumalaw ito,neh hindi na nagsasalita ang binata.Hindi nalang niya pinansin ito at mabilis nagpaalam.Wala siyang oras para sa mga lalaki. "Thank you ha pakisabi." sabi niya at mabilis na pumasok at sinara ang pinto.Nakita nalang niya ang mukha ng binata na bigla nalang kumurap kurap bago tuluyang magsara ang pinto. "Anyare doon?" kibit balikat na tanong niya sa sarili at Dali daling tinignan ang damit.Mukhang bago pa ito dahil may tag pa itong nakasabit.Napangiti siya dahil maganda ito.Light blue ang kulay nito na hanggang tuhod ang iksi,mukhang fit din ito kapag sinuot.isa itong tube dress na talagang nagustuhan niya. Gusto na talaga niya itong isuot kaya ng tangkain niyang hubarin ang suot ay nanlaki ang mga mata niya dahil isang maikling twalya lamang ang nakatakip sa hubad niyang katawan.Nakalimutan niyang halos katatapos lang niyang maligo at wala siyang ibang suot dahil namimili pa siya kanina.Bigla niyang natutop ang bibig sa nangyari kanina sa lalaki na para bang nakakita ng multo. "s**t! nakakahiya.!" taas tono niyang sabi.Napatingin siya sa harap ng salamin at halos batukan niya ang sarili dahil sa nakikita sa harap ng salamin.Medyo basa pa ang buhok niya,at halos bumakat ang korona ng dibdib niya sa twalyang nakatakip sa katawan na hanggang hita o sa madaling salita ay halos pwetan lang ang natatakpan. Hindi niya maiwasang hindi mamula dahil sa nangyari at sa inis dahil muntikan na talaga niyang maipakita sa lalaki ang pinakatatago at pinakaiingatang katawan.Nasa matinding pagkailang siya ng marinig na tumutunog ang cellphone niya.Napasulyap siya dito at kinuha.rumehistro ang pangalan ni angel at agad na sinagot. "Hello lali,are you ready?expect me after 30minutes okay,may dadaanan lang ako sandali." oo nga palat malapit ng mag alas otso ng Gabi kaya halos matisod siya sa pagmamadali habang nasa tenga ang cellpone,inipit nito ang cellphone sa pagitan ng kanyang pisngi at balikat habang isinusuot ang underwear na mabilis niyang kinuha sa lagayan. "Yeah yeah.take your time hindi naman ako nagmamadali. " palusot niya para isiping nakaready na ito kunwari at hinihintay nalang niya ito na dumating. "Thank you dito ha ang ganda ng dress." singit niya habang sinusuot na ang bigay na dress,hindi na ito kailangang magbra dahil may padding na ito mismo. "Your welcome,thank you din dahil saiyo may makakasama ako Don at for sure hindi ako maboboring dahil ikaw ang makakasama ko." napangiti siya sa sinabi nito. "So pano wait mo nalang ako okay,drive lang ako." paalam nito.meron itong sariling sasakyan,minsan nakakaramdam siya ng inggit dahil kahit papano ay gusto rin talaga niyang magkaroon ng sasakyan pero dahil mas inuuna niya ang pamilya ay ipinagpaliban niya ang balak na magkaroon. "Okay sige ingat ka." paalam din niya at tuluyan ng naputol ang usapan nila. Halos magningning ang mga sariling mata ng makita ang sariling itsura sa harap ng Salamin dahil sa kasuotan.Bumagay sakanya ang kulay nito at Tama nga siya na isa itong fitted dress,na lalong naglabas ng maganda niyang kurba sa katawan. Hinayaan niyang ilugay ang straight na buhok na hanggang balikat ang haba,at tinernuhan ng light make up.Napapangiti nalang siyang nakatitig sa salamin,habang nagsusuklay ng buhok. "kahit di naman ako mag ayos talaga dahil alak lang naman ang dahilan ko doon." kausap niya sa sarili. isusuot na niya ang black heels na may taas na 4inch ng may marinig na bumubusina.Dali Dali siyang nag ayos at lumabas na. "Wow!ganyan naba ngayon mastress ang tao kapag nasususpende?magpa stress narin kaya ako nakakaganda eh." napailing ako sa biro nito at napairap ng makasakay na sa sasakyan niya. "Sige ipaalala mo pa teh at baka ako ang e stress sayo mismo." asar niyang turan na nakapagpahalakhak Kay angel. "Hahaha dika mabiro.ang ganda ganda mo kasi ngayon promise." "You mean ngayon lang?ang sama mo angel,isa pa at bababa na talaga ako sa sasakyan mo." pagbabanta ko,hindi ko alam kung matutuwa ako sa puri nito o maiinis dahil pakiramdam ko pinagtitripan lang ako. "Sira,I'm just telling the truth.maganda kana noon pa kaya nga gustong gusto ka ni Michael pero binasted mo agad.Lalo ka kasing gumanda ngayon panigurado maraming maaakit saiyo sa party." napaikot naman siya ng mata.si Michael ay isa sa mga nagkakandarapa sakanya,hindi pa man ito nagsisimulang manligaw ay sinabihan na agad niya itong wala siyang maasahan sakanya dahil hindi niya ito type. masakit na kung masakit kesa naman magpaasa pa siya,isa pa alak ang dahilan niya kaya aattend siya hindi sa lalaki.It's 100% No! "Dahil iyan sa bigay mong suot ko,look oooh nagmukha akong babae hahaha."pilit na pinapasaya ang sarili kaya naisip niyang magbiro nalang.Natawa naman si angel. " I will make sure that you will find the right man this night Lali.mark my words." sabi ni angel sa sarili habang nakatingin Kay Lali,ayaw niyang sabihin mismo ang nasa isip dahil alam niya kung gaanu kaallergy ito sa mga lalaki,hindi ito naniniwala sa kasal,dahil ang kasal para sakanya ay isa lamang kasulatan na madaling mapunit.Na ang mga lalaki ay pampagulo lang sa buhay. Hindi na siya sumagot at nginitian nalang ito,binuhay ang makina at pinaandar na patungo sa party kung saan gaganapin ang pagbabago na mangyayari para sa kasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD