HINDI SUMAGOT si Vivianne. Natatakot kasi siya na baka makahalata si Manager Yu na magkakilala sila kapag sumagot pa siya. Pinilit na lang niyang pakalmahin ang sarili bago ngumiti.
“Pinatawag n’yo raw po ako, manager?” pag-iiba ni Vivianne ng topic.
Marami mang gustong itanong si Henry pero iwinaksi na lang muna niya iyon sa isip niya. Nasa working hours nga pala sila, at nasa harapan pa nila ang sikat na Filipino-Italian model na si Beckett Clainfer.
“Vivianne, baby, I want you to meet your new client.” Henry looked at Beckett’s direction as he pointed at him. “Starting from now ay sa labas ka na muna magtatrabaho. Kinuha kang personal dress stylist ni Mr. Clainfer kaya ganoon.”
“A-Ano?” hindi makapaniwalang tanong ni Vivianne.
Sa mga oras na iyon ay mas maniniwala pa yata si Vivianne kung sinabi na lang ni Henry na naging puti na ang uwak o nagkulay lila ang buwan.
“B-Bakit naman siya kukuha ng dress stylist sa maliit na kumpanya tulad nito?” dagdag niya pang taong.
“Because I liked how you style your clients’ clothes,” Beckett interjected, his lips forming into a pretentious sweet smile… before it became sardonic.
‘Ang sabihin mo, gusto mong gumanti!’
Napangiwi si Vivianne, lalo na nang dumako ang paningin niya sa pisngi ng lalaki. Nakita niya ang mumunting itim sa pisngi nito na mukhang tinambakan lang ng concealer.
“No.” Vivianne shook her head, the tone of her voice being firm. “Puwede naman akong tumanggi, ‘di ba? Ngayon lang naman ako tatanggi sa client.”
“Baby, don’t be too harsh…”
Henry’s eyes flickered between Vivianne and Beckett. Natakot pa siya nang kaunti dahil first time nilang magkakaroon ng kliyente kagaya ni Beckett, pero ganito pa siya i-trato ng dalaga.
“Alam mo bang siya pa mismo ang pumunta rito sa kumpanya natin para lang hanapin ka?” dagdag na pangungumbinsi ni Henry sa dalaga, pero tumawa lang ito.
“I’m sorry… Nawawala ako. Ako talaga mismo ang hinanap niya?” saad ni Vivianne sa isang sarkastikong boses. “Ridiculous,” dagdag niya pa bago umirap.
Tila nawalan na ng pakialam si Vivianne kung nasa harap niya lang ang lalaki na tuwang-tuwa naman sa reaksiyon niya.
“You’re talking about me as if I’m not here. How funny,” Beckett couldn’t help but comment.
He crossed his legs this time, his gaze not leaving Vivianne. Inirapan lang siya ng babae, at kitang-kita iyon ni Manager Yu.
Gustong sitahin ni Henry si Vivianne sa ugali nito, pero bukod kasi sa magaling na dress stylist si Vivianne ay mayaman din ang pamilya nito.
The Allamino family even owned one-fourth of the shares of their company, and Vivianne didn’t have any idea about it. Iyon ang dahilan kung bakit walang puwedeng bumangga kay Vivianne kahit ano ang gawin nito.
“Baby… look. Alam mo namang bibihira lang ang opportunity na ganito sa atin, right?” saad ni Henry bago hinawakan ang magkabilang kamay ni Vivianne. “Isipin mo na lang din na malaking tulong din ito sa aming lahat… pati na rin sa ‘yo.”
Vivianne remained silent as she contemplated Henry's words. Tama naman kasi ang manager niya.
Kapag nakuha nila si Beckett bilang kliyente nila ay dudumugin sila ng iba’t-ibang artista at models, na siguradong magpapaangat din ng kita ng kumpanya nila.
‘Kaya ko ba 'to?’ tanong ni Vivianne sa sarili bago itong nagkuyom ng noo. ‘Paano kung mamatay ako sa kunsumisyon?’
“It looks like Miss Allamino didn't want me as her client,” sagot ni Beckett. Nanatili pa rin ang tingin nito kay Vivianne. “It's fine with me. I can find another one—”
“Pumapayag na ako.” Sumagot na si Vivianne bago pa matapos ni Beckett ang sasabihin. “Kailan ako magsisimula?”
“Now,” Beckett answered as he smiled wickedly.
“Agad-agad?!” Nanlaki ang mga mata ni Vivianne sa gulat. “At ngayon mo lang sinabi sa akin?!”
“Well, I have a full-packed schedule. You should even be grateful that I personally recruited you.” Tiningnan nito ang mamahalin niyang wristwatch. “I'll give you fifteen minutes to pack your things. Just bring the most important ones—I'll ask my manager to buy all your needs.”
Ngumiwi si Vivianne dahil sa inis, dahilan para mapangiti si Beckett. Halata kasing gusto na naman siyang suntukin ng babae pero nagtitimpi lang ito nang matindi. Naiinis si Vivianne sa kan’ya, pero wala naman itong magagawa.
Kung ano ang gusto ni Beckett ay makukuha niya. At sa ngayon, ang gusto niya lang ay makuha si Vivianne—Ang unang babaeng sumuntok sa kan’ya.
“Okay, Sir,” labas sa ilong na sagot ni Vivianne.
Mapagpanggap na ngumiti lang si Beckett bago ito tumayo. “I hope we’ll have a great relationship between the two of us, Miss Allamino,” aniya bago inilahad ang kamay sa harap ng babae.
Beckett’s words were sweet and gentle. Napangiti si Manager Yu sa pag-aakalang magkakasundo na ang dalawa, pero kabaliktaran ang naramdaman ni Vivianne.
Those words coming from Beckett carried an undercurrent of warning rather than a welcoming embrace.
NANG MATAPOS ayusin ni Vivianne ang mga gamit niya ay pumunta na siya sa sasakyan ni Beckett. It was a Maxus G10 van, causing Vivianne to raise a brow.
Hindi bago kay Vivianne ang makakita ng mga mamahaling kotse dahil ganoon din ang hilig ng tatay niya, pero nagtataka siya lalo dahil sa ginawa ni Beckett. She was sure that Beckett had a huge amount of net worth, but she wondered why he chose to pick her as a dress stylist.
‘Sa dinami-rami ng dress stylist na mas magaling pa sa akin, bakit ako?’ tanong ni Vivianne sa sarili.
“Hey.”
Suddenly, Beckett snapped his hands, bringing Vivianne back to reality. Nang kumurap siya ay doon niya napagtantong hindi pa pala siya sumasakay sa loob ng kotse, at nagmukha pa tuloy siyang na-starstruck sa pagmumukha ni Beckett.
Sa pag-iisip pa lang niya ng bagay na iyon ay parang gusto na niyang masuka.
Kung ibang tao ito, paniguradong nairita na si Beckett dahil tatanga-tanga na nga ang babaeng nasa harapan niya, lutang pa ito. Iyon pa naman ang pinakaayaw niya sa lahat dahil nasasayang ang oras niya.
Pero iba si Vivianne. Imbes na magalit niya ay natagpuan na lang niya ang sariling nakangiti habang tinititigan ang dalaga.
“Admit it. You like me, don’t you?” tanong ni Beckett, at nahimigan kaagad ni Vivianne ang pang-aasar sa tono ng boses nito.
“Puwede ba?” Tumaas ang kilay ni Vivianne, at sa ilang saglit pa ay umirap na ito. Hindi na niya napigilan ang sarili. “Mangarap ka nang gising,” dagdag niya pa bago nito inilagay ang gamit sa loob ng kotse at sumakay sa passenger seat.
She may not like Beckett, but she knew how to be professional with her work. Ang kliyente ang palaging nasa back seat, habang silang mga tauhan naman ang nasa passenger seat.
“Saan tayo, Sir?” tanong ng driver niya nang pinagana na nito ang sasakyan.
“Syneverse Entertainment,” sagot ni Beckett bago ito tumingin kay Vivianne, na siyang nakatingin sa kan’ya ngayon gamit ang rear-view mirror.
Mabilis na umiwas si Vivianne ng tingin at ibinaling na lang ang atensiyon sa bintana. Hindi naman maganda ang dinadaanan nila, at wala man lang tugtog sa radyo para man lang sana basagin ang katahimikang namamagitan sa kanila.
Gusto na nga sana niyang kumanta na lang pero pinigilan niya ang sarili.
“Here.” Binigyan siya ni Beckett ng isang folder, dahilan para mapapitlag si Vivianne nang kaunti. “It’s my schedule, and most of them were photoshoots. Learn all the themes and give me the most suitable clothes based on it. My manager had an emergency, so make sure to do your best.”
“Talagang ngayon na ako magsisimula? As in ngayon na?” hindi makapaniwalang tanong ni Vivianne. “Wala man lang pahinga? Hindi ba puwedeng bukas?” sunod-sunod niya pang tanong.
Hindi sumagot kaagad si Beckett. Sa bawat pantangang tanong ni Vivianne ay tila tumataas ang blood pressure niya. He breathed heavily as he held onto his nape, lightly caressing it.
“I told you earlier that you’ll start the work today, isn’t it?” medyo naiiritang tanong ni Beckett, at tumango naman si Vivianne. “Then, why are you asking me the things you already know?”
Natahimik si Vivianne dahil doon. Tama naman kasi si Beckett. Alam ni Vivianne na magiging impiyerno ang kan’yang buhay kapag nagtrabaho siya sa lalaki, pero sumama pa rin siya rito.
“Sorry, Sir.” Humingi na lang ng tawad ang dalaga para lang matapos na ang usapan nila. “Hindi na po mauulit,” dagdag niya pa bago kinagat ang pang-ibabang labi.
Bumaba ang tingin ni Beckett doon. Vivianne’s red, plump lips made his body froze and his c.ock throb hard. Mabilis pa sa alas-kuwatrong umiwas siya ng tingin bago inihagis ang folder sa babae, bagay na ikinasimangot ni Vivianne.
‘Putangina.’
Kung puwede lang talaga niyang suntukin si Beckett sa pangalawang beses ay ginawa na niya, pero pilit na lang niyang pinakalma ang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa roon sa schedule na ibinigay ng lalaki.
At halos mapamura siya sa nakita.
“s**t. Schedule ba talaga ‘to?” bulong ni Vivianne sa sarili, pero dahil sa tahimik sa loob ng sasakyan ay narinig ito ni Beckett.
“Why? Do you think I’m bluffing when I told you that I have a full-packed schedule?” Tumaas ang kilay ng lalaki.
“H-Hindi po…”
Napailing na lang si Vivianne habang pilit binabasa ang mga tema ng photoshoot ni Beckett. Sa dami ng photoshoot niya ay duda siyang makakakain pa sila mamaya.
Ganoon pa man, kaysa magreklamo pa siya ay ginawa na lang ni Vivianne ang trabaho niya. Inaral niya ang bawat tema at nag-isip siya ng mga damit na aangkop dito hanggang sa makarating sila sa Syneverse Entertainment.
Ito ang unang beses na makakapasok siya roon, kaya naman halos malaglag ang panga ni Vivianne nang makita kung gaano kagarbo ang buong building. Halos lahat ng lugar ay may mukha ni Beckett, simbolo na siya ang pinakasikat sa buong entertainment.
‘Kaya nga siya rin ang may pinakamabigat na schedule,’ saad ni Vivianne sa sarili bago ito nagkibit-balikat.
Maya maya lang ay pumunta na si Beckett sa una niyang photoshoot. They had guns and roses as their theme, so Vivianne made him wear a black sando partnered with a black and red jacket.
With a black leather pants and shoes, with metal chains hanging around his waist, Beckett’s look became simple yet fierce. Vivianne even communicated with the make-up artist just to make sure that the make-up and the clothes would complement each other.
Hindi niya alam na nakatingin lang sa kan’ya si Beckett habang ginagawa niya iyon. He knew that he did the right thing.
According to his people’s research, Vivianne Allamino is one of the best dress stylist in the City. Hindi lang ito napapansin dahil sa maliit na kumpanya lang ito nagtatrabaho. Ngayong dinala niya ito sa Syneverse Entertainment ay paniguradong mapapansin ang talento nito.
“Get ready, Beckett!” tawag ng photographer.
“Coming,” malamig na sagot ni Beckett bago ito pumunta sa gitna.
Then, the photoshoot started. Ito ang unang beses na nakita ni Vivianne kung paano mag-pose si Beckett, at tama nga siya. Iba ang lakas ng appeal ni Beckett at kahit siya ay hindi iyon maipaliwanag.
At sa sobrang kakatitig nga niya sa lalaki, hindi na niya napansin na kanina pa pala tumutunog ang kan’yang cellphone dahil nakalimutan niya itong i-silent mode.
Ang malakas na tunog ng kan’yang ringtone ang dahilan kung bakit masama na ang tingin sa kan’ya ng lahat ng tao sa loob ng kuwarto… at kasama na si Beckett doon.