Chapter 5

1560 Words
KINAUMAGAHAN ay naging maganda ang gising ni Vivianne. Nailabas na kasi niya ang galit kagabi sa pamamagitan ng pag-inom at pagsuntok kay Beckett na siyang kinaiinisan niya. Dahil satisfied siya sa nangyari ay napantingin siya sa kan’yang kamao—Ang ginamit niyang pansuntok. Napangiti siya dahil sigurado siyang ito ang unang beses na nakatanggap ang lalaki ng suntok bukod sa mga palabas nito. “Nakakaawa man siya pero deserve niya naman ‘yon,” ani Vivianne bago tumayo sa kinahihigaan. She did her routine afterward—fixing the bedroom, eating breakfast, which is her usual pancake and apple, and dressing up. Isa ‘to sa masasabi niyang kalakasan niya—Ang uminom ng alak na para bang wala nang bukas, mamatay sa kalasingan, at kumilos kinabukasan na para bang walang nangyari. Well, she could feel the dizziness and headache like what a hangover could feel like, but she could tolerate it. Walang-wala ang sakit na ito kung ikukumpara sa tindi ng ensayo na ibinigay sa kan’ya ng ama. At a young age, she can say she’s physically strong for a woman, although she prefers guns dahil mas madali at mabilis ito kaysa one-on-one fights. However, she didn’t want to be the best. She just wanted to have a good and peaceful life with her special someone, whom she thought to be Tristan. Turns out he was just another jerk who broke her heart. “Kawalan niya naman ‘yon. Gago siya,” bulong ni Vivianne nang matapos na siyang magbihis. Tiningnan niya ang sarili sa salamin. She’s wearing her usual black polo shirt and skinny jeans, partnered with expensive white sneakers and a silver wristwatch. Tanging BB cream, pangkilay, at lipstick lang ang nilalagay niya sa mukha dahil iyon lang ang alam niya. Being girly is not her thing, although some people tell her that she can enter the modelling industry because of her unique facial features. Her main job is being a dress stylist, pero paminsan-minsan ay rumaraket din siya bilang event organizer na konektado sa degree niyang Business Administration, Marketing Major. Pero sa ngayon ay hindi muna siya raraket sa events. Mananatili muna siya sa kumpanya nila at pahuhupain ang galit sa kan’ya ni Beckett bago magtrabaho ulit sa labas. Mahirap na dahil baka mamaya ay ipatumba na pala siya ng lalaki. “Nation’s perfect guy? Walang ganoon, mga tanga,” ani Vivianne bago umirap. Nang makalabas siya sa unit at nai-lock na ang pinto ay pumunta na siya sa elevator. Her car isn’t in the coding for today kaya naman ay puwede na niya itong gamitin. Sa buong biyahe niya ay si Beckett lang ang nasa isip niya, at kahit hindi niya iyon nagustuhan, naisip niyang mas okay nang si Beckett ang maisip niya kaysa kay Tristan. “I wonder how his face looks… Nagkapasa kaya iyon?” tanong ni Vivianne sa sarili bago napatawa nang bahagya. She didn’t mean to laugh, knowing that she also did the wrong thing, but she suddenly remembered how Beckett’s eyes widened because of what she did. Sigurado naman siyang hindi siya isusuplong ng lalaki, lalo na at mayroon siyang panlaban kapag nagkandaleche-leche ang lahat. Based on how he disguised himself so no one would recognize him, Vivianne was certain that no one knew Beckett was going to bars in the middle of the night. Sa bagay, ayon sa naaalala ni Vivianne, puro magaganda ang balita tungkol kay Beckett. Kahit isang rumor ay walang napatunayan laban sakan’ya. Na para bang ito na ang pinakaperpektong tao sa mundo. “Tch.” Vivianne couldn’t help but scoff, knowing that no one is perfect here in this world. “Mabuti na lang at hindi na kami magkikita ulit ng lalaking ‘yon,” dagdag niya pa sa isang naiinis na tono. Sikat kasi si Beckett, at ordinaryong stylist lang siya sa isang maliit na kumpanya—Maliit kung ikukumpara sa mga empleyadong nagsisilbi kay Beckett na ang iba ay galing pa sa ibang bansa. “I shouldn’t think about that guy—Or about anyone else,” saad ni Vivianne bago hinigpitan ang pagkakahawak niya sa steering wheel. “Magbabagong-buhay ka na ulit, Viv.” Napangiti na lang siya dahil hindi naman ito ang unang beses na may pinagdaanan siyang ganito. The moment she stepped out of her father’s house and decided to leave on her own, she became physically and mentally stronger. At kung kinaya niya noon, kakayanin niya ulit iyon ngayon. AS VIVIANNE arrived at the company, particularly to the Hair and Dress Styles Department’s office, everyone went to her, greeted her, and kissed her cheek. Palibhasa ay siya ang pinakabata sa department na ito ay parang bata ang turing sa kan’ya ng lahat. Not that she’s complaining, though. Natutuwa pa nga siya dahil parang dumami ang kapatid niya bigla. Kaya lang, nagtataka siya ngayon dahil sa pinagsasasabi ng mga ito. “Good morning, girl! Sobrang suwerte mo naman!” ani Francine, ang magandang kasamahan niya na nag-aasikaso sa pag-inventory ng mga make-up and dress sa kumpanya nila. “Sana all Vivianne Allamino!” paghirit naman ni Stella, ang naka-assign din sa make-up ng mga artista. “Sabi ko naman sa inyong lahat, eh! Makakakuha ‘yan si Vivi ng fafable kasi maganda siya at sexy!” saad naman ni Jacqueline, ang baklang kasamahan niya sa pag-aayos ng mga damit at pag-maintain ng ayos nito. “Kung hindi nga lang ‘yan nag-dress stylist ay baka kinuha na rin na model iyan ng Syneverse!” “Teka, Syneverse?” Kumunot ang noo ni Vivianne habang nag-iisip. “Saan ko nga ulit narinig ‘yon?” “Ay naku, ‘te! Sobrang weird, ano? Wala kang hilig sa showbiz pero trabaho mo connected sa showbiz industry,” sagot ni Stella bago humalakhak. Ganoon din naman ang ginawa niya, at maging ni Francine at Jacqueline. “Anyway, tawag ka ni Manager Yu. Actually, kanina ka pa niya hinihintay.” “Ha? Bakit daw?” Mas lalong kumunot ang noo ni Vivianne. Sa pagkakatanda niya ay hindi naman siya pumalpak sa trabaho niya sa huling proyektong hinawakan niya. ‘May nagawa kaya akong mali na hindi ko lang matandaan?’ tanong ni Vivianne sa isip. Nagkatinginan si Stella, Francine, at Jacqueline bago ibinaling ng mga ito ang tingin sa kan’ya. “Secret!” sigaw nilang tatlo bago umalis at bumalik sa kani-kanilang trabaho, kaya naman napailing na lang si Vivianne. Inilagay na niya ang sling bag sa office chair niya bago tinungo ang isang maliit na office roon sa loob ng office na rin mismo nila—Ang office ng manager nila. “Parang ang daming ganap ngayon, ah…” bulong ni Vivianne sa sarili bago kumatok nang tatlong beses. “Manager Yu? Si Vivianne po ito.” “Come in, baby!” Napangiti si Vivianne nang marinig ang boses ni Manager Henry Yu… pero mas gusto niyang Helena na lang ang tawag sa kan’ya. Maliit man ang kumpanya nila pero napamahal na si Vivianne rito, dahil na rin siguro sa magandang pakikitungo sa kan’ya ng mga katrabaho. Ipinihit na ni Vivianne ang doorknob at nakangiting pumasok sa loob. “Good morning, manager—” Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ay kaagad na lumaki ang mga mata niya at umawang ang bibig niya. Hindi dahil kay Manager Yu na kumakaway-kaway pa habang malawak din ang pagkakangiti, kun’di dahil doon sa lalaking nakaupo sa harap nito. “Hello there, little girl,” pagbati ni Beckett bago umangat ang sulok ng labi nito. What. The. Hell. Vivianne blinked her eyes twice, hoping that her imagination was just playing with her, pero hindi. Nandoon pa rin si Beckett na nakatitig lang sa kan’ya habang nakangisi. Nakasuot ito ng itim na polo shirt na tanggal ang dalawang butones sa itaas at itim na pantalon. But it’s not the only thing she noticed. Napansin din niya ang magandang postura ito. Nakaangat ang isang paa niya sa sofa, at nakapatong naman ang isang siko nito sa kan’yang tuhod. Nakasandal ang likod ni Beckett sa sofa, at pinaglalaruan naman ng mga daliri niya ang pang-ibabang labi nito. At that moment, Vivianne couldn’t help but admire him. No wonder that Beckett is one of the famous models in town. Kahit kasi sa simpleng pananamit at pag-upo lang nito ay ang lakas na ng dating niya, mas lalo na kapag inaayusan siya sa photoshoot. Pakiramdam ko tuloy ay mas masarap kung nakatanggal lahat ng butones niya—Holy molly, Vivianne! Stop it! In a snap, Vivianne fixed her stance and regained her composure. She confidently sat beside Manager Yu. Nang tumingin sa kan’ya ang manager nila ay kaagad na tumigil ang paningin nito sa mga mata niya. “Oh my—Ang laki ng eyebags mo, baby girl. Hindi ka ba sinasabihan ni Tristan na matulog nang maaga?” tanong nito. Napangiwi si Vivianne dahil sa pagkakabanggit ni Manager Yu sa ex-boyfriend niya. “We broke up. That f*****g asshole cheated on me, kaya ayoko nang marinig ang pangalan niya,” aniya, dahilan para mapasinghap ang kausap. Kabaliktaran naman ang naging reaksyon ni Beckett. His lips formed into a playful smile. “Ah, that’s why you went to the bar?” nagmamaang-maangang tanong ni Beckett habang hindi inaalis ang tingin sa dalaga kahit masama na ang tingin nito sa kan’ya ngayon. “It’s just a hunch. Why? Did I hit a nerve?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD